[60] Issue

2.3K 49 0
                                    

Tulad ng sinabi ni Haru ay nag-text nga siya sa’kin pagkabalik niya sa hotel. Dahil hindi naman ako masyadong busy ay nire-reply-an ko siya agad.

Kanina ay nai-kwento ko na kay Yanna ang nangyari kagabi. Alam na niyang kami na ulit ni Haru at dahil sa sobrang saya niya ay napatili siya. Mabuti na nga lang at hindi na pinansin ng mga officemates namin ang biglaang pagtili ni Yanna at bumalik na lang sa kani-kanilang ginagawa.

Tinawagan naman niya agad si Jake at sinabihan itong successful ang plano kagabi. Napailing-iling na lang ako dahil sa reaksyon niya. Mukha pang mas masaya siya kaysa sa’kin, eh.

Bandang hapon nang ipatawag ako ng editor-in-chief namin. Na-release na ang new issue ng magazine namin last week at wala namang masyadong ipinapagawa sa amin kaya nagtaka ako kung bakit ako pinapatawag. May ipapagawa kaya si Ms. D?

Tumayo na lang ako at dumiretso sa office ni Ms. D. Habang palapit ako ay napansin ko ang mga tinginan sa’kin ng mga nadadaanan ko. Napakunot-noo ako. Anong meron? Bakit ganyan sila makatingin? Nakatitig sila sa’kin na para bang may ginawa akong masama.

Hindi ko na lang sila pinansin. Baka guni-guni ko lang ‘yon.

Nang makarating ako sa office ni Ms. D ay kumatok muna ako bago pumasok. Pagpasok ko ay napaangat siya ng tingin sa akin.

“Lock the door, Ms. Ramirez,” sabi niya sa’kin na ipinagtaka ko. Bakit kailangang i-lock?

Kahit na nagtataka ay ginawa ko na lang. Tapos ay lumapit ako sa table ni Ms. D. Inilahad niya ang upuang nasa harap kaya umupo ako doon.

“Bakit niyo po ako pinatawag, Ms. D?” tanong ko.

Tiningnan niya ako na para bang may hindi ako alam. “I see. So, hindi mo pa pala alam.”

Napakunot-noo ako. “Ano po ‘yon? May dapat po ba akong malaman?”

Imbes na sumagot ay iniharap niya sa akin ang laptop niya. Nanlaki ang mata ko nang makita ang article na ipinakita niya. Nagulat ako sa headline na nakalagay.

4Sync’s Haru Mendez spotted entering a hotel with an unknown girl

At ang babaeng naroon ay walang iba kundi... ako.

“Alam kong ikaw ang nasa picture. Care to explain to me what this is all about?” tanong ni Ms. D.

Imbes na sumagot ay sinuri ko ang picture. Ang suot kong damit ay ang suot ko nang nagpunta kami sa hotel na tinutuluyan ng 4Sync. Ito ‘yong time na sinabi ni Haru sa 4Sync ang pagqu-quit niya sa banda. Nasa parking lot kami nang mga oras na ito.

Shit! May nakakita sa’min? Sino? Sino ang kumuha nito?

Tiningnan ko ang pangalan ng website at nakitang isa itong international website. Binasa ko ang article. Wala namang masamang nakalagay doon pero nakalagay na curious sila kung sino ako. Nagbasa rin ako ng comments. Lahat ay curious kung sino ako. May mga comments din doon kung saan galit ang mga fans sa akin.

“Who the hell is she?!”

“Slut! Why is she going inside the hotel with Haru oppa?!”

“Fuck! I’m gonna kill her when I see her!”

“You’re a damn whore, woman! Whoever you are, hide now because when I see you, I won’t stop until you bleed to death!”

“Rot in hell, loser! Haru oppa is mine!”

Napahinto ako sa pagbabasa. Nakaramdam ako ng takot. Ang daming threats sa akin. Natatakot ako. Natatakot ako sa pwede nilang gawin sa’kin. Shit! There are different types of fans. At mahirap kalaban ang mga ganitong klaseng fans.

Rainbow After The RainWhere stories live. Discover now