[3] Be My Slave

6K 99 0
                                    

Nandito na kami ngayon sa loob ng bahay namin at kasalukuyang nakaupo sa sofa. Katabi ko si Mommy at magkatabi naman si Haru at si Tita Lena.

Habang magkaharap kami ay pansin kong hindi maalis ang ngisi sa labi ni Haru habang nakatingin sa’kin. Ako naman ay hindi mawala-wala ang inis sa kanya dahil sa nangyari kanina. Grabe! Napahiya pa ako kay Tita Lena. At kasalanan nitong lalaking ‘to!

“What do you think, Jhea? Tingin mo ba ay magkakasundo kayo ni Haru?” tanong sa’kin ni Mommy.

Gusto ko sanang mag-roll eyes pero hindi ko magawa dahil nasa harap ako ni Tita Lena. Oh, please! Mukhang hindi. Ngayon pa lang ay ayoko na talaga sa ugali niya. Mukhang hindi rin talaga kami magkakasundo. Asa pa, ‘no.

“Of course, Mom,” sabi ko habang sa isip ko ay halos masuka-suka na ako.

“Great! So, Jhea, I’ll leave my son to you. And Haru, you better behave and listen to Jhea, okay?” sabi ni Tita Lena kay Haru.

Nakita ko ang pagkawala ng ngisi ni Haru at saka napipilitang tumango. Aha! Ngayon alam ko na. Ako ang masusunod sa aming dalawa. Tingnan mo nga naman. Humanda ka sa’kin dahil papahirapan kita.

**

Wednesday. First day ngayon ni Haru sa school. Kaya naman sabay kaming pumasok ng araw na iyon dahil tulad nga ng pakiusap sa’kin ni Tita Lena ay ako muna ang bahala sa kanya habang hindi pa niya kabisado ang lugar na ‘to. Gusto ko sana siyang iligaw kaso lang ay malalagot naman ako kay Mommy kapag ginawa ko ‘yon.

Ayon sa pagkakakilala ko sa kanya, he is Haru Mendez, 17 years old at 1st year college student din. Ayon sa kanya ay Performing Arts daw ang course niya. Sus! Hindi naman halata na may talent siya, eh. Pero malay ko ba. Baka nga wala talaga. Shucks! Ang mean ko.

Habang naglalakad kami papunta sa school ay panay ang ngisi niya na hindi ko naman alam kung bakit. Noong nakita niya ako kaninang lumabas ako sa bahay namin ay bigla siyang napangisi. Hindi ko tuloy alam kung anong nakakatawa at mukha siyang natatawa sa'kin. Huminto ako sa paglalakad at saka siya hinarap.

“Ano bang problema mo?” tanong ko. Huminto rin siya sa paglalakad at humarap sa’kin.

“Problema? Wala naman. Bakit? Mukha ba akong may problema? Nakikita mo naman na nakangisi ako, ‘di ba? Ibig sabihin wala akong problema. Ikaw siguro meron. Kanina ka pa kasi nakasimangot,” sabi niya habang hindi pa rin nawawala ang malokong ngisi sa mukha niya.

Siningkitan ko siya ng mata. “Huwag mo nga akong pinipilosopo. Baka masapak kita ng wala sa oras niyan.”

“Correction. May oras,” sabi niya. Sinapak ko na siya ng tuluyan dahil sa kapilosopohan.

“Aray!” sabi niya at napasimangot. Nag-belat ako sa kanya.“Tss! Parang bata.”

Maya-maya ay nakarating na rin kami sa school. Agad ko siyang hinatid sa klase niya dahil baka maligaw pa. Nang maihatid ko siya, aalis na sana ako nang bigla niya kong pigilan.

“Saan ka pupunta?” tanong niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. “Duh! Malamang papasok. Anong akala mo, ikaw lang nag-aaral?”

“Tss! Siguraduhin mo lang na babalik ka dito mamaya para ituro sa’kin lahat ng kailangan kong malaman dito,” sabi niya.

“Oo na. Oo na. Masusunod po, kamahalan. Ngayon, pwede na ba akong umalis?” tanong ko at saka siya inirapan.

“Alis na, alis na. Tsupi!” Pagkasabi niya ‘non ay pumasok na siya sa loob ng room.

Maka-tsupi siya, ha! Bahala na nga siya diyan.

Rainbow After The RainWhere stories live. Discover now