[49] I love you

2.3K 62 0
                                    

Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko nang marinig ang sinabi ni Rui. Napaiwas ako ng tingin kay Haru. Narinig ko naman ang pagtikhim niya.

“Stop it, Rui,” sabi niya at umupo sa kabilang sofa malapit sa gilid namin. Lumingon siya sa paligid na parang may hinahanap. “Where’s Jan?”

Sakto namang pumasok si Janica na may dalang paperbag. Nang makita niya si Haru ay napangiti siya. “Oh, Haru oppa! Nandiyan ka na pala.”

Inilapag niya ang laman ng paperbag sa mesa at pagkatapos ay tumabi kay Haru. Nagngitian ang dalawa... at hindi ko mapigilang magselos.

“So... let’s start?” tanong ni Yanna.

Napalingon silang lahat sa’kin kaya tumikhim ako.

“Okay,” sabi ko at ini-ready ang recorder ko.

Nagsimula na akong magtanong ng iba’t ibang questions na maaaring maisama sa magazine. Ginamit ko ang questionnaire na binigay ni Ms. D at itinanong iyon lahat sa kanila. Isa-isa naman silang sumagot ng mga tanong. Ilan sa mga tanong ay mga basic questions lang about sa karaniwang ginagawa nila sa araw-araw, pati na rin ang mga susunod na schedules nila after ng concert nila dito sa Pilipinas, at siyempre, kung anong mga message nila sa kanilang mga fans.

“We asked your fans what questions they want to ask about your group and we chose two questions. The first question is… what is the best and worst thing that happened to you?”

Naunang sumagot si Rui, tapos si Niel at si Andy. Ang huling sumagot ay si Haru.

Tumingin siya sa’kin saglit pero umiwas din ng tingin. “The best thing that happened to me is when I met my members and started my career. I feel amazing when I started singing on stage, in front of so many people. It was a dream come true,” he said, smiling.

Palihim akong napangiti. Masaya din ako para sa kanya. Matagal na niyang sinasabi na gusto niyang kumanta sa harap ng maraming tao para mai-express ang sarili niya pati na rin ang nararamdaman niya. At natupad iyon. Dagdag pa na nagkaroon siya ng mga bagong kaibigan at mga maituturing niyang kapatid.

“And the worst thing that ever happened to me...” Nagulat ako nang bigla siyang tumingin sa’kin ng matalim. “...is when the girl I loved decided to push me away.”

Bigla akong nanlamig. Tahimik lang ang lahat na nakikinig sa kanya. Nakita ko sa peripheral vision ko na napayuko si Yanna. Alam kong alam niya na ako ang tinutukoy ni Haru. Hindi ko alam kung alam nila na ako ang tinutukoy ni Haru pero base sa mga itsura nila, na mukhang malungkot habang nakayuko, mukhang alam nila.

Umiwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung kaya kong titigan si Haru ngayong alam kong galit siya sa’kin.

“When I first met her, she looks so innocent, like she’s not capable of hurting someone. She’s beautiful, kind, and cheerful. I always loved to be with her every single day. As time goes by, I fell in love with her. I gave all my love to her, sing her some songs, accompany her anywhere, and took care of her. I was so happy whenever she smiles. She became my everything,” sabi ni Haru.

Napalunok ako. Nakaramdam ako ng bara sa lalamunan ko. Naramdaman ko rin ang pamumuo ng luha ko. Pinigilan kong umiyak. Hindi niya dapat ako makitang umiiyak at nasasaktan.

Mas lalong tumalim ang titig niya sa’kin. Pakiramdam ko ay tinutusok ako ng bawat titig niya.

“But she took my love for granted. She started to push me away. But because I love her, I never let her go easily like that. I started to beg for her love. I started to beg so she won’t leave me. But she still did. Until she said those words I never thought she’d say. She told me she doesn’t love me anymore. I was so damn hurt. And I can’t take it anymore. So, I decided to let her go... even if it hurts.”

Rainbow After The RainWhere stories live. Discover now