[55] Time

2.2K 68 0
                                    

Featured song: King and Queen of Hearts – David Pomeranz

**

Nang maiayos ko ang sarili ko ay napagpasyahan kong lumabas na. Kanina pa tapos mag-perform ang 4Sync. Baka nagtataka na sila kung bakit ang tagal ko.

Pagkalabas ko ay nagulat ako nang makita si Haru sa labas ng CR na nakasandal sa pader habang nakapamulsa at nakayuko. Suot ulit niya ang suit niya. Hinintay niya ba ‘ko?

Nang makita niya ako ay umayos siya ng tayo. Tumikhim siya.

“Tapos ka na?” he asked.

Tumango ako. “Bakit ka nandito?”

Umiling lang siya bilang sagot. “Bigla ka kasing umalis kanina, eh.”

Nanlaki ang mata ko nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Pinagsalikop niya iyon at saka ako hinila pabalik sa pwesto namin.

Nang makita kami nina Janica ay napangiti sila, lalo na nang bumaling ang tingin nila sa mga kamay namin. Napakunot-noo ako.

Hindi na lang ako nagsalita pa kahit na sa totoo lang ay ipinagtataka ko ang kilos ni Haru pati na rin ang mga makahulugang ngiti ng mga ka-banda niya. Hindi na ako umimik habang itinutuloy ang program. Paminsan-minsan ay nag-uusap sila pero hindi na lang ako sumasali. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko.

Isa pa, kanina ko pa iniisip kung bakit hanggang ngayon, hindi pa rin binibitiwan ni Haru ang kamay ko. Ayoko namang magreklamo dahil sa totoo lang, gusto ko rin ‘to. Habang nag-uusap sila ay pinaglalaruan niya ang kamay ko.

Na-miss ko ‘to. ‘Yong pakiramdam na hawak niya ang kamay ko. ‘Yong pakiramdam na hawak ko ang kamay niya.

Pero ang sakit… kasi alam kong umaasa na naman ako.

**

Nang matapos ang program ay nagsimula ng mag-serve ng pagkain. Pagkatapos namang kumain ng lahat ay nagsimula na rin sa sayawan. Nauna ng nagsayaw sina Janica at Rui. Sina Andy at Neil naman ay naghanap na rin ng pwede nilang isayaw. Kaming dalawa na lang ni Haru ang nakaupo ngayon.

Patuloy pa rin niyang pinaglalaruan ang kamay ko. Nakatingin lang ako sa kanya habang ginagawa niya iyon.

Maya-maya ay bumaling siya sa’kin. “Do you want to dance?”

Umiling ako at ngumiti. “Hindi na. Okay na ‘ko dito.”

He smiled. A genuine one.

Ngayon ko na lang ulit siya nakitang ngumiti ng ganyan. ‘Yong ngiting walang halong galit.

Tumikhim siya. “Do you like the song I sang earlier?”

Song? ‘Yong ‘Far Away’?

“Oo. Actually, isa ‘yon sa mga favorite kong kanta,” sabi ko.

“Kinanta ko ‘yon... para sa’yo.”

Nagulat ako sa sinabi niya. Para sa’kin?

Hindi ko talaga maintindihan. Kung para sa’kin ang kinanta niya, ibig sabihin, pinapatawad na talaga niya ako? Ibig sabihin, gusto niyang bumalik kami sa dati?

Pero hindi. Ayokong mag-assume. Baka mamaya mali na naman ang iniisip ko. Mahirap mag-assume dahil baka sa huli ako lang ang masaktan. Kailangan ko munang malaman ang iniisip niya bago ako mag-isip ng kung ano-ano.

“What do you mean?” I asked.

Imbes na sumagot ay huminga siya ng malalim. Tumayo siya at bumaling sa’kin. He smiled.

“Let’s dance.”

“Huh?”

Hinila niya ako patayo kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Nagpunta kami sa dance floor. Sakto namang bago na ang kantang tumutugtog.

Rainbow After The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon