[51] Muse

2.2K 59 1
                                    

Featured song: Time Machine – Six Part Invention

**

“Tigilan mo nga ang pag-iisip ng ganyan, Yanna. Imposible naman ‘yang sinasabi mo. Galit siya sa’kin, ‘di ba?” sabi ko habang pinapanood namin ang 4Sync na kasalukuyang inaayusan ng mga stylists.

“Iyon na nga, eh. Bakit hanggang ngayon galit pa rin siya sa’yo? Kung wala na siyang gusto sa’yo, ibig sabihin dapat naka-move-on na siya. Hindi na dapat siya galit sa’yo. Pero sa ipinapakita niya, hindi ka pa rin niya napapatawad. Ibig sabihin, hindi pa talaga siya nakaka-move-on. Ibig sabihin, may gusto pa siya sa’yo. Kaya siya nagseselos ngayon,” sabi ni Yanna.

Gustuhin ko mang isipin na tama ang sinasabi ni Yanna, pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong umasa. Alam ko namang hindi pa niya ako napapatawad dahil sa kasalanang nagawa ko.

“Hindi, Yanna. Galit siya dahil malaki ang kasalanan ko sa kanya. Alam kong iyon ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako napapatawad. Hindi siya nagseselos. Galit lang talaga siya. At pasensya na kung pati kayo ay nadadamay nang dahil sa’kin,” sabi ko.

“Jhea, hindi naman sa kinokontra kita pero kasi mukhang tama si Yanna. Kung naka-move-on na siya, dapat napatawad ka na niya,” sabi ni Jake.

Umiling ako. “Ewan ko. Hindi ko alam.”

I sighed. Ang sarap sanang isipin na mahal pa niya ako pero kailangan kong tanggalin sa isip ko iyon. Dahil kung sakaling totoo ngang mahal niya pa rin ako, wala na rin naman akong karapatan dahil nasaktan ko siya ng todo.

Umiling ako. Dapat ko ng alisin sa isip ko ang sinabi ni Yanna. I need to focus right now.

Lumapit sa’kin ang isang babae na tingin ko ay isa sa mga stylist ng 4Sync. Siguro stylist siya ni Rui dahil kanina pa tapos ayusan si Rui at kasalukuyang nanggugulo sa mga members niya.

Nakangiti siya nang kausapin ako. “Hi. Ms. Janica told me to get you ready. The show is going to start in an hour. Can you come with me for a while?”

Tumingin ako kina Yanna at sinenyasan nila ako na sumama na. Ngumiti ako sa babae at tumango. Sumunod ako sa kanya.

Sinimulan muna niya akong lagyan ng kaunting make-up at pagkatapos ay nilagyan ng kaunting style ang buhok ko. Napangiti ako nang makita ang ayos ko sa salamin. Sanay naman akong naglalagay ng make-up kapag pumapasok ako sa trabaho pero hindi ganito kaganda ang pagkakalagay.

Habang inaayusan ako ay kinakausap ako ni Janica at Rui. Sinasabi nila sa’kin ang mga kantang kakantahin ko. Mabuti na lang at dalawang kanta lang na kasama ang 4Sync at hindi naman ako magso-solo. At mabuti na lang ay alam ko ang kantang sinasabi nila.

Pagkatapos akong ayusan ay pinatayo ako ng stylist at pinasama sa isa pang babae. Ipinakita niya sa akin ang mga damit na nasa tabi niya. Iyon ang mga damit na dapat ipapasuot nila sa special guest pero dahil hindi nakarating ay sa akin nila ipapasuot.

Pinasuot niya sa’kin ang mga damit at nang makakita ng mas bagay sa’kin ay iyon na ang pinasuot niya. Kulay dark blue na dress ito na hindi lalagpas sa tuhod at may black na ribbon sa bewang na nakatali hanggang sa likod. Pinausot din sa’kin ang isang 3-inches na white sandals.

Nagpasalamat ako sa stylists sa pag-aayos nila sa akin. Pagkatapos ay lumapit na ako kina Yanna.

Nanlaki ang mata ni Yanna nang makita ako. “Wow, girl! Ang ganda ganda mo.”

“You look beautiful, Jhea. Bagay sa’yo ang ayos mo,” sabi ni Jake at nag-thumbs up pa.

“Thanks,” sabi ko at ngumiti.

Rainbow After The RainDonde viven las historias. Descúbrelo ahora