[37] Special

1.5K 45 1
                                    

Featured song: Mahal Na Mahal – Sam Concepcion

**

Kinabukasan, Clash Dance naman ang inabangan namin kung saan kasali si Yanna. Magagaling din sila pati na rin ang mga ka-grupo niya. In the end, nanalo sila at nakuha ang first prize.

After ng competition nina Yanna, dumiretso kami sa canteen at kumain ng lunch. Hindi na muna siya nagpalit ng damit dahil naiinitan daw siya. Presko daw kasi ‘yong damit niya kaya iyon na lang daw muna ang isusuot niya. After lunch na lang daw siya magpapalit.

After lunch ay nagpalit nga siya ng damit. Si Haru naman ay nagpaalam na rin dahil kailangan pa niyang mag-ready sa backstage kasama ang mga ka-banda niya. Nang matapos namang magpalit ni Yanna ng damit ay nasalubong namin si Jake na kasama si Leslie. Nilapitan nila kami.

“Hey, girls!”

“Oh Jake, ikaw pala.”

Tumingin ako kay Leslie pero inirapan niya lang ako. Hindi ko na lang siya pinansin.

“Yanna, congrats. Napanood ko kayo kanina,” bati ni Jake kay Yanna.

“Thanks.”

Bumaling naman siya sakin. “Papunta ba kayo sa gym? Battle of the Bands na ang susunod, ‘di ba?”

Tumango ako. “Oo. Nasa backstage na si Haru at nagre-ready. Gusto niyong sumama sa’min?”

“Tss!” dinig kong sabi ni Leslie. Napalingon naman si Jake sa kanya. Tapos ay bumuntong-hininga siya.

“Pasensya na. Next time na lang siguro. Pero manonood pa rin kami,” sabi niya.

“It’s fine. Sige, una na kami,” sabi ko.

“Okay.”

Umalis na kami doon ni Yanna. Napabuntong-hininga na lang ako habang naglalakad kami paalis. Napansin naman iyon ni Yanna.

“Oh, huwag mong sabihing affected ka dahil hindi natin siya kasama?” tanong niya.

“Hindi naman ‘yon, eh. Naisip ko lang si Leslie. Kailan kaya mawawala ‘yong galit niya sa’kin? Ang tagal na rin niyang galit sa’kin, ah.”

“Hayaan mo na nga siya. Huwag mo na lang siyang intindihin. Masisira lang araw mo. Halika na. Maghanap na tayo ng mauupuan.”

Naghanap nga kami ng mauupuan at nang makahanap kami ay umupo na kami. Ni-ready ko na ang cellphone ko para i-video ang performance nina Haru.

Maya-maya lang ay nag-start na ang program. Hindi ko pala naitanong kay Haru kung pang-ilan sila sa magpe-perform. Lima ulit ang magpe-perform ngayon. Tatlo naman ang mananalo. Champion, first runner-up and second runner-up.

Nang natapos na ang pang-apat na nagperform ay sigurado na akong last na magpe-perform sina Haru. Kaya naman ni-ready ko na ang cellphone ko.

Nang lumabas sila mula sa backstage, mas lalong lumakas ang sigawan ng mga fans kumpara sa mga unang nag-perform kanina. Siguro dahil na rin alam ng lahat kung gaano kagaling si Haru sa pagkanta.

Inayos niya ang gitara niya at saka niya iginala ang tingin sa paligid. He smiled when he saw me. Nginitian ko rin siya.

“Go Haru!” sigaw ko. Mas lalo siyang napangiti.

Bigla naman akong hinampas ni Yanna. “Nice. Supportive girlfriend.”

“Good afternoon. I’m Haru and this is my band. We’re going to sing a special song today. This is different from all the songs we sang before. This is actually requested by someone special to me. So, here it goes. I hope you like it.”

Rainbow After The RainWhere stories live. Discover now