[20] Jealous

2.3K 56 1
                                    

“Sige na kasi,” pilit ko sa kanya.

“Ayoko!”

“Sige na.”

“Ayoko nga.”

“Sige na, please.”

“Ayoko nga, eh.”

“Sige na naman.”

“Ayoko. Kung gusto mo, ikaw na lang.”

“Aish!”

Kasalukuyan kaming nagtatalo ngayon ni Haru. Nandito kasi kami ngayon sa harap ng Forever 21 at gustong-gusto kong pumasok para mag-shopping. Kaso ayaw akong samahan ni Haru. Bakit ba may mga lalaking ayaw samahan mag-shopping ang mga babae?

“Huwag na nga lang!” nakasimangot kong sabi ko at saka nag-walk-out.

Kainis! Minsan na nga lang makapunta dito, hindi pa makapag-shopping. Sasamahan lang, ang arte pa. Bahala na nga siya sa buhay niya.

Hindi pa ako masyadong nakakalayo ay narinig ko siyang nagsalita ng kung ano. Nagulat ako nang bigla niya akong hilahin pabalik at pumasok sa store.

“Oh, akala ko ba ayaw mo?” tanong ko.

“Tss! Bilisan mo na lang para makaalis na,” sabi niya habang nakakunot ang noo.

Napangiti ako ng palihim. Kailangan pala magtampo muna ‘ko bago siya pumayag. Arte niya, ha?

Pumili ako ng mga damit at nang makapili ako ay isa-isa ko itong isinukat sa dressing room. Pagkatapos kong isukat ang isang damit ay tinatanong ko si Haru kung bagay ba sa’kin o hindi. Pero pansin ko lang ay puro tango ang sagot niya at parang tamad na tamad.

“Bagay ba talaga sa’kin ‘yong mga sinusukat ko? Parang wala ka naman sa sarili, eh. Oo ka lang ng oo pero halata sa mukha mo parang napipilitan ka lang,” sabi ko.

“Ano bang gusto mong sabihin ko?” tanong niya.

Inirapan ko siya at humalukipkip. Kaunti na lang talaga, maiinis na ako ng bongga.

“I want to know the truth. Sabihin mo naman kung hindi bagay para hindi ako magmukhang tanga kapag sinuot ko na.”

Napabuntong-hininga siya. “Sa totoo lang, lahat naman ng isuot mo, bagay sa’yo.”

I rolled my eyes. “Yeah, right. C’mon, be honest.”

Bigla niyang itinaas ang kanang kamay niya. “Honest ‘to, promise.”

Hindi ko naman mapigilang matawa sa ginawa niyang iyon. Magsasalita na sana ako nang bigla siyang tumingin ng diretso sa’kin at nagsalita ng seryoso.

“You don’t have to choose the best clothes in the world to make you look good. ‘Coz in my eyes, even the simplest dress makes you look beautiful.”

Oh-kay? Nawala na ng tuluyan ang inis ko sa kanya.

**

Nang matapos akong mag-shopping, naisipan naming kumain ni Haru since it’s already dinner time. At siyempre, ano pa nga bang aasahan niyo? Malamang nagtalo na naman kami kung saan kami kakain. Ang gusto niya ay sa Tokyo Tokyo samantalang ako ay sa Jollibee.

“Sa Tokyo Tokyo na kasi,” sabi niya.

“Sa Jollibee na nga lang, eh.”

“Pambata lang ‘yon, eh.”

“Hoy! Hindi, ah. Pang-pamilya kaya ‘yon,” sabi ko.

“Oh, bakit? Pamilya ba tayo? Dalawa lang tayo.”

Rainbow After The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon