[34] Little Things

1.8K 50 0
                                    

Featured song: Little Things – One Direction

**

Nang matapos ang prelim exams namin ay naging busy ang buong school dahil sa paparating na acquaintance party. Madalas kong makita ang mga nagmamadaling estudyante na sa tingin ko ay part ng student council o di kaya ay part ng school paper. Sila kasi ang mag-o-organize ng event kasama ang ibang mga faculty.

Minsan nga ay hindi na kami napapasukan ng iba naming instructors dahil sa sobrang busy nila. Ang ibang students naman ay madalas kong marinig na pinag-uusapan kung ano ang isusuot nila sa acquaintance party. Speaking of isusuot, wala pa akong isusuot para sa gabing iyon.

Ibinaba ko ang librong binabasa ko at tumingin kay Yanna. “Girl, pupunta ka ba sa acquaintance party?”

Tumingin siya sa’kin at nag-isip.

“Hmm… sa totoo lang, gusto kong pumunta. Pero ano namang gagawin ko doon? Buti nga ikaw nandiyan si Haru para isayaw ka kung sakali. Eh ako? Wala naman akong ibang kasama doon.”

“Magpe-perform naman si Haru doon, eh. So, hindi ka a-attend?”

“A-attend ako. Aba siyempre, sayang ang incentive na makukuha ko kung hindi ako aattend,” sagot niya.

Napa-facepalm na lang ako. Bakit ba hindi na lang niya diretsong sinabi ang sagot? Akala ko tuloy hindi siya pupunta.

“Punta tayong mall later. Bili tayo ng dress na susuotin natin,” yaya niya.

“Sige.”

Nang mag-uwian na, nagpaalam muna ako kay Haru na hindi ako makakasabay sa kanya na umuwi dahil pupunta kami ni Yanna sa mall para bumili ng damit. Pumayag naman siya dahil sabi niya ay magpa-practice din daw siya ng kakantahin dito sa school.

Pagkapaalam ko ay umalis na kami ni Yanna. Pagdating namin sa mall ay agad kaming dumiretso sa bilihan ng dress. Napansin kong may mga schoolmates din pala kaming naroon at bumibili rin ng damit.

Nagsimula na kaming magtingin-tingin ni Yanna ng mga damit. Sa sobrang dami ng magagandang damit, wala akong mapili. Mabuti pa si Yanna nakapili agad.

“Yanna, wala akong mapili,” sabi ko.

“Anong wala? Ang daming magaganda diyan, eh.”

“Iyon na nga, eh. Sa dami ng magaganda, wala akong mapili. Tulungan mo naman ako.”

“Hmm...”

Tumingin siya sa mga damit at pumili ng isang kulay pulang dress. Itinapat niya iyon sa akin at tiningnang mabuti.

“Girl, isukat mo ‘to. Dali! Gusto kong makita. Tingin ko bagay sa’yo,” nakangiting sabi niya.

Tiningnan ko ang damit at saka dumiretso sa fitting room. Isinukat ko ito at nang matapos ay ipinakita ko kay Yanna.

“Ano? Okay ba?” I asked.

Pumalakpak siya at nag-thumbs up. “Perfect! Now, shoes naman ang bibilhin natin.”

Tumingin ako ng shoes at pinili ang isang red na sandals. Sa tingin ko bagay na ‘to sa dress. Binayaran na namin agad lahat ni Yanna at pagkatapos ay umuwi na kami.

**

Acquaintance Night…

“Smile!”

*Click!

“Wow! Ang ganda ganda talaga ng anak ko,” sabi ni Mommy.

“Naku! Sinabi mo pa, Jen. Kaya gusto ko talagang magkaroon ng anak na babae, eh,” sabi ni Tita Lena.

Rainbow After The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon