[30] Plan

2.1K 49 0
                                    

Napangisi siya ng malawak nang marinig ang sinabi ko. “Ano ulit?”

Umiling ako at napaiwas ng tingin. “Hindi! Ayoko na. Nasabi ko na. Wala ng ulitan sa bingi.”

Hinintay ko ang sasabihin niya pero hindi siya sumagot. Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin din siya sa’kin habang nakangiti. Napakunot-noo ako.

“Bakit ganyan ka makangiti?” tanong ko.

“I just can’t believe that I’m hearing this from you. Ganito pala ang feeling ng masabihan ka ng taong mahal mo na mahal ka rin niya, ‘no? Pakiramdam ko, ako na ang pinakamasayang lalaki sa mga oras na ito. I love you, Jhea. And I promise I won’t hurt you,” sabi niya.

Napangiti na rin ako. “Promise you won’t make me cry?”

Bahagya siyang nag-isip. Bakit naman? Kailangan pa bang pag-isipan ‘yon?

“I can’t promise that. Pero kung iiyak ka man, sisiguraduhin kong tears of joy ‘yon. I will make you happy. I will make you feel loved everyday. I will make you feel how to be loved by the most handsome guy in the world.”

Napa-facepalm ako. “Okay na sana, eh. Kailangan mo pa bang sabihin ‘yong last line na ‘yon?”

Napangisi siya. “What? It’s true. Bakit? Hindi ba ako gwapo?”

I chuckled. “Oo na, gwapo ka na. Pero hindi naman ‘yon ang nagustuhan ko sa’yo. Nagustuhan ko kung ano ka. Nagustuhan ko lahat ng ipinakita mo sa’kin. Nagustuhan ko ‘yong pagiging totoo mo.”

“I know. Come here,” sabi niya na ipinagtaka ko.

“Bakit?”

“Gusto kong gawin ang matagal ko ng gustong gawin sa’yo.”

Napakunot-noo ako. Matagal ng gustong gawin sa’kin? Ano ‘yon?

Then, napansin ko ang nakakalokong ngisi niya habang nakatingin sa’kin. Napansin ko ring bumaba ang tingin niya sa labi ko. Is he going to kiss me?

“Wait! I’m not ready for this. Ni hindi nga ako marunong humalik—“

Napatigil ako sa pagsasalita at napatakip sa bibig nang ma-realize kung ano ang sinabi ko. Shucks! Bakit naman kasi ang ingay ng bibig ko?

Napataas naman siya ng kilay at sumilay ulit ang kanyang ngiti.

“Who told I’m going to kiss you? Oo, gusto kong gawin ‘yon pero hindi pwede dahil baka makita tayo ng Mommy mo dito. Well, unless nagsu-suggest ka, okay lang din naman sa’kin.”

Umirap ako. “So, hindi mo ako hahalikan? Eh... ano palang gagawin mo?”

Lumapit siya sakin at niyakap ako. “Relax. I just want to hug you tight and tell you that I love you. I love you so much, Jhea,” he said as his hug became tighter.

I smiled. “I love you too, Haru.”

**

I woke up with an incredible smile on my lips. Naiisip ko ang mga nangyari kagabi. Was it all just a dream? I hope not ‘coz it really looked real.

Natigil ako sa pag-iisip nang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at tiningnan ang caller. I smiled.

“Hello.”

“Good morning, princess.” I silently giggled because of his endearment. So it wasn’t a dream after all. It’s real. This is real.

“Good morning.”

“How was your sleep?”

“Wonderful. What about you?”

“Fine as well. Kumain ka na?”

Rainbow After The RainWhere stories live. Discover now