[47] 3 Years

2.3K 53 0
                                    

After 3 years…

“I’m done!” sabi ko matapos kong i-type ang huling article na pinagawa sa akin. Pinatay ko ang computer matapos kong ilipat sa flashdrive ang article na tinype ko.

Tumayo ako at inayos ang bag ko. Bumaling ako kay Yanna na nakapangalumbaba sa table niya sa tabi ng table ko. Nakasimangot siya habang nakatingin sa’kin.

“Mabuti naman at tapos ka na. Grabe, ang tagal mo. Pwede naman kasing ipagpabukas na ‘yan, eh,” sabi niya.

“Mas okay na ‘yan at least tapos na. Wala na akong po-problemahin bukas. Saka mayroon pang isang article na ipapagawa sa’kin si Ms. D bukas,” sabi ko.

Tumayo na siya mula sa pagkakaupo at sumunod sa’kin papuntang elevator. “At ano naman ‘yon?”

Nagkibit-balikat ako. “I don’t know. Bukas pa niya sasabihin.”

Pinindot ko ang button papuntang ground floor.

“Buti ka pa. ‘Yong last article ko para sa next issue na gagawin natin, tatapusin ko na bukas then after that, wala na. Hindi ko naman alam kung may iba pa bang ibibigay sa’kin na project si Ms. D,” sabi ni Yanna.

“Magtiwala ka lang. Meron pa ‘yan.”

It’s been 8 months since we graduated. Ngayon ay pareho na kaming nagtatrabaho ni Yanna bilang staff writer sa isang sikat na celebrity magazine. Yes, sabay kaming nag-apply at swerte namang sabay din kaming natanggap.

Tatlong taon na simula nang mangyari ang bagay na iyon. Sa tatlong taon na ‘yon, nag-focus ako sa pag-aaral. Itinuon ko ang atensyon ko kay Mommy at sa future ko. Pinilit kong kalimutan ang lahat. Pero alam ko sa sarili ko na hindi ko pa rin ‘yon nakakalimutan. Mabuti na lang at nandiyan sina Yanna at Jake para sa’kin. Pati na rin si Mommy at kay Kuya Jared na paminsan-minsang tumatawag sa’kin. Siyempre, pati kay Daddy na umuuwi dito sa Pilipinas kapag may libre siyang oras.

Oo, nakalimutan ko ang sakit pero hindi lahat ng iyon. Dahil sa puso at isip ko, naroon pa rin siya.

Pagbukas ng elevator ay dumiretso agad kami ni Yanna sa labas ng building. Napangiti ako nang mamataan si Jake na naghihintay sa amin. Lumapit kami sa kanya. Napangiti siya nang makita kami.

“Hi, girls!”

“Hello. Kanina ka pa?” I asked.

“Mga twenty minutes na. Pero okay lang. Akala ko kasi late na ‘ko.”

“Naku! Ito kasing babaeng ‘to ang tagal tagal. Tara na nga. Nagugutom na ‘ko. Let’s have dinner,” sabi ni Yanna at agad na dumiretso sa backseat ng sasakyan ni Jake.

Napailing na lang ako at pumasok na rin kami sa loob ng sasakyan. Pagpasok ni Jake ay tumingin ako sa kanya. “Pasensya na. May tinapos pa kasi ako, eh.”

“Ayos lang. Akala ko nga ako ang late kasi sinundo ko pa si Leslie at hinatid sa bahay,” sabi niya habang nagda-drive.

“Ah. Teka nga. Kumusta na pala ‘yang kakambal mo? Last year pa namin siya huling nakita… noong birthday mo. Parang taon-taon lang yata namin siyang nakikita. Ano? Nagbago na ba ang ugali?” tanong ni Yanna.

“Psst! Yanna!” saway ko sa kanya.

Natawa naman si Jake. “I dunno. Kapag sa akin naman, mabait naman siya. Ewan ko lang kapag nakita niya kayo.”

“Asa namang magbabago ang pakikitungo niya sa’min. Mukhang kahit yata alam niyang matagal ng walang gusto sa’yo si Jhea ay mananatili kaming nasa number one ng hate list niya,” sabi ni Yanna.

Rainbow After The RainWhere stories live. Discover now