[61] Love of my life

2.5K 69 0
                                    

Kinagabihan ay nag-text sa’kin si Yanna. Dahil sa kakaisip ko sa mga nangyayari, nakalimutan kong tawagan siya. Ang sabi niya ay i-open ko daw ang Skype ko.

Nag-Skype kaming tatlo nina Jake at Yanna. Pareho silang nag-aalala sa’kin. In-assure ko naman na maayos lang ako at sinabi ko rin ang press conference na magaganap bukas. Kahit papaano naman ay nakahinga sila ng maluwag.

“Girl, nasaan si Haru ngayon?” tanong ni Yanna.

Napalingon ako sa banyo nang bumukas ang pinto nito. Lumabas mula roon si Haru na nakasuot ng sando at pajama habang nagpupunas ng buhok.

“I heard my name,” sabi ni Haru at lumapit sa’kin.

Dito kasi naisipang matulog ni Haru dahil ayaw niyang iwan ako. Nag-aalala kasi siya na baka may mangyari sa’kin kapag iniwan niya ako. Although wala namang mangyayaring ganoon, hinayaan ko na lang siya dahil natatakot din talaga ako.

Isa pa, tumawag si Kuya kanina at sinabi niyang nabalitaan niya ang tungkol sa amin. Ibinilin niya kay Haru na huwag akong iwan kaya dito siya matutulog ngayon. Pumayag naman si Mommy dahil na rin sa pakiusap ni Kuya. Isa pa, alam ni Mommy na magiging safe kami kapag kasama namin siya.

Si Janica lang ang bumalik sa hotel kung saan tumutuloy ang 4Sync dahil hindi naman niya pwedeng iwan doon ang tatlo kahit na may mga staffs naman silang kasama. Saka ayaw din naman niyang mawalay kay Rui.

Napakunot-noo pareho sina Yanna at Jake.

“Nandiyan siya?” tanong ni Yanna.

Bago pa man ako makasagot ay nagpakita na si Haru sa kanila.

“Hi, Yanna, Jake.”

Nanlaki ang mata ni Yanna at napalapit sa screen. “Oh my gosh! Nandiyan ka nga!”

“Bakit naman sobrang gulat na gulat ka, Yanna?” tanong ni Jake.

“Hindi lang kasi talaga ako makapaniwala. Anyway, bakit ka nandiyan? Diyan ka matutulog?” tanong ni Yanna.

“Yeah. Hindi ba obvious?” sabi ni Haru habang nakangiti ng nakakaloko.

Nanliit ang mata ni Yanna. Hindi ko gusto ang tingin ng babaeng ‘to. Alam ko kung anong iniisip niya.

“Yanna, sinasabi ko sa’yo. Tigil-tigilan mo ang kung ano mang iniisip mo ngayon. Hindi mangyayari ‘yan,” sabi ko.

Napakunot-noo si Haru habang natatawa naman si Jake.

“Why? Ano bang iniisip niya?” tanong sa’kin ni Haru.

Uminit ang pisngi ko at agad na umiling. “W-wala. Wala ‘yon. Huwag mo ng intindihin.”

“Why are you stuttering?”

“Huh? H-hindi naman ah.” Ano, Jhea? Deny pa? Halatang-halata ka na!

Bumaling naman si Haru kay Yanna. “Ano ba kasi ‘yon?”

Tumawa si Jake. “Dude, don’t mind it. Mukhang silang dalawa lang ang nagkakaintindihan.”

“Ganyan ba talaga kayong mga babae? Nakakapag-usap kahit tinginan lang?” tanong ni Haru.

“If you only knew. Kapag kasama ko silang dalawa, nagugulat na lang ako kapag bigla silang nagtatawanan. Kapag nagtanong naman ako kung bakit, ayaw naman nilang sabihin. Minsan tuloy naiisip ko baka nababaliw na sila,” sabi ni Jake.

Napangiwi si Yanna. “Huwag niyo na ngang intindihin ‘yon. Naisip ko lang naman kasi, Haru, baka may gawin ka dito sa best friend ko. Sinasabi ko sa inyo, ha? Okay lang naman, eh. Okay lang naman kung gusto niyo ng magka-baby pero hindi niyo ako pwedeng unahan. Kailangan ko munang makasal bago magka-baby at dapat ganoon din dapat kayo. Hindi kayo pwedeng magka-baby hangga’t hindi kayo nagpapakasal. Well, since malapit naman na akong ikasal, after ‘non, pwede na kayong magpakasal at magka-baby. Gets niyo ba?”

Rainbow After The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon