[39] Pag-isipan

1.6K 36 0
                                    

Makalipas ang ilang araw, napansin ko ang kaunting pagbabago ni Haru. Parang lagi siyang may malalim na iniisip. Parang lagi siyang may problema. Pero sa tuwing itatanong ko, laging sinasabi niyang wala.

Minsan naman parang mayroon siyang sasabihin sa’kin pero hindi niya masabi-sabi. In the end, iba ang sinasabi niya. Akala siguro niya hindi ko nahahalata na iba ang ikinikilos niya. At habang lumilipas ang bawat araw na ganoon siya, mas lalo din akong nacu-curious kung anong problema niya.

Sa mga oras na ito ay kasalukuyan kaming kumakain ng merienda sa rooftop ng school. Kaming dalawa lang dahil may tinatapos si Yanna kasama ang mga ka-groupmates niya. Si Jake naman ay absent daw dahil may sakit.

Kanina ko pa napapansin na wala siya sa sarili at parang may malalim na namang iniisip. Kinausap naman niya ako kanina pero tumahimik rin naman siya.

Uminom ako ng juice at saka ko siya kinausap. “Haru, may problema ka ba?”

Napatingin siya sa’kin at napangiti. “Pansin ko lang, lagi mo akong tinatanong niyan nitong mga huling araw.”

“At lagi mo ring sinasabing wala.”

“Kasi wala naman talaga,” sabi niya.

Umiling ako. “Nahahalata ko, Haru. Nahahalata kong meron. Bakit ba ayaw mong sabihin sa’kin?”

Nawala ang ngiti sa mukha niya saka siya napayuko. “Masyado ba akong halata?”

Tumango ako. Napabuntong-hininga siya. Pinaglaruan niya ang bote ng mineral water na hawak niya at saka nagsalita.

“Pasensya na. Hindi ko lang kasi alam kung paano ko sasabihin sa’yo at kung anong magiging reaksyon mo.”

“Paano mo malalaman kung hindi mo sasabihin sa’kin? Ano ba kasi ‘yon?” tanong ko.

Tumingin siya sa’kin. Nahalata ko sa mga mata niya na nag-aalinlangan siyang sabihin sa’kin iyon. Is he not ready?

“Hindi ka ba handang sabihin sa’kin ‘yon? Okay lang naman kung ayaw mo pang sabihin. Maghihintay na lang ako kung kailan mo balak sabihin sa’kin,” sabi ko.

Pero sa totoo lang, gusto ko ng malaman kung ano iyon.

“Hindi naman sa hindi pa ‘ko handa. Natatakot lang ako. Natatakot akong baka bigla mo akong iwan kapag sinabi ko sa’yo,” sagot niya.

Napakunot-noo ako. “Bakit naman kita iiwan? May nagawa ka bang masama?”

Bigla akong kinabahan.

Umiling siya. “Kasi...”

Hinintay ko kung ano ang sasabihin niya. Palakas ng palakas ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Dahil baka hindi ko magustuhan ang sasabihin niya.

“Naaalala mo pa ba noong pinatawag ako ng Dean?”

Tumango ako. Anong meron sa sinabi ng Dean? Ida-drop na ba siya sa school? Pero wala naman siyang ginagawang kasalanan.

“Actually, hindi lang ang Dean ang naroon nang mga oras na iyon. Meron pang isang kumausap sa’kin noon,” sabi niya.

“Sino?”

“Isang talent agent. At kinukuha niya ako para i-train at isali sa isang bandang balak niyang pasikatin sa buong mundo.”

Bigla akong nakahinga ng maluwag nang sinabi niya iyon. Juice ko! Akala ko naman may nagawa siyang kasalanan sa’kin na magiging dahilan para iwan ko siya. Balak lang naman pala siyang gawing artista at pasikatin sa buong mundo.

Wait

Nanlaki ang mata ko at bigla ko siyang niyakap. “Wow! Talaga? OMG! Sabi na nga ba, eh. Madi-discover ka talaga dahil diyan sa talent mo.”

Rainbow After The RainWhere stories live. Discover now