[17] My Girl

2.2K 59 1
                                    

Monday.

Ayoko sanang pumasok dahil siguradong hindi pa rin humuhupa ang tsismis sa school tungkol sa nangyari noong nakaraan. Pero wala naman akong magagawa kundi ang pumasok dahil ayoko namang bumaba ang grades ko.

Nandito ako sa labas ng bahay namin at hinihintay si Haru. Nag-text kasi siya sa'kin na sabay daw kaming pumasok ngayon.

Maya-maya ay nakita ko na siyang lumabas ng bahay nila kaya naman nginitian ko siya. Lumapit naman siya sa'kin.

"Let's go?"

"Sige," sabi ko. Nagsimula na kaming maglakad papuntang school.

Oo nga pala. After ng sinabi niya noong nakaraan, hindi ko na ulit inisip 'yon. Siguro nagbibiro lang siya. Baka pinapagaan lang niya ang loob ko.

Nang makarating kami sa school, bigla akong nakaramdam ng kaba. Ngayon ko lang naisip. Paano kung bigla kaming nagkasalubong ni Jake? Napahinto ako sa paglalakad at napalunok ako nang maisip iyon.

Napansin ni Haru ang paghinto ko kaya lumingon siya sa'kin.

"What is it? What's bothering you?" tanong niya.

"Uhh..."

"What? Are you afraid because people are going to talk about you again or afraid because you might see him?"

Napatingin ako kay Haru. Alam talaga niya ang itinatakbo ng isip ko. Napayuko na lang ako.

Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at hilahin ako.

"T-teka, Haru..."

Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa paghila sa'kin. Habang naglalakad kami ay nakita kong napapatingin ang mga estudyante sa amin. Napapayuko na lang ako dahil alam kong hindi pa rin nila nalilimutan 'yong nangyari noong nakaraang linggo.

Maya-maya ay huminto si Haru. Napatingin naman ako sa hinintuan namin at napansin kong nandito na ako sa room ko.

"Ayan. Hindi mo na siya nakita. Ngayon, pumasok ka na sa klase mo at huwag mo ng intindihin 'yon, okay?" sabi niya.

Napatango na lang ako.

"Salamat, Haru," sabi ko.

"Pumasok ka na."

Papasok na sana ako nang biglang may tumawag sa'kin. "Jhea!"

Napalingon ako at nakita ko si Yanna na tumatakbong palapit sa'min.

"Yanna." Nginitian ko siya. Nang makalapit siya ay binati naman niya si Haru. "Hi, Haru!"

"Mabuti na lang nandito ka na," sabi ni Haru.

"Hmm? Bakit?" kunot-noong tanong niya.

"Ikaw na muna bahala kay Jhea," pagkasabi niya 'non ay may binulong ito kay Yanna. Ngumiti naman si Yanna at saka tumango.

"Sige na. Ako ng bahala," sabi niya.

Sumulyap muna sa'kin si Haru saka umalis. Pagkaalis niya, tumingin naman ako kay Yanna at tinanong siya.

"Ano 'yong binulong niya sa'yo?" tanong ko.

"Wala 'yon. Tara na, pumasok na tayo," pagkasabi niya 'non ay hinila na niya ako papasok at dumiretso sa upuan namin.

"Yanna, ano nga 'yon?"

"Wala. Binilin lang niya sa'kin na bantayan ka kasi alam niya na natatakot kang makita si... alam mo na," sabi niya.

Magsasalita pa sana ako pero pumasok na ang prof namin kaya umayos na kami ng upo.

**

Pagkatapos ng klase, sabay kaming nagpunta ni Yanna sa canteen para mag-lunch. Pero habang papunta kami doon ay napaisip ako dahil baka naroon si Jake ngayon.

Rainbow After The RainWhere stories live. Discover now