[50] Selos

2.3K 63 0
                                    

Natapos ang concert na hindi ako mapakali. He heard me. Hindi ko akalaing narinig niya ang sinabi ko. Ngayon alam na niyang mahal ko pa siya.

Kung tutuusin, wala talaga akong balak na sabihin sa kanya na mahal ko pa siya. Gusto kong maisip niya na naka-move-on na ako kasi alam kong ganoon siya sa’kin. Naka-move on na siya kaya hindi ko na dapat sabihin sa kanya ang nararamdaman ko para hindi na siya maguluhan pa.

Pero sa nangyari ngayon, mukhang alam na niya at mukhang mas lalo lang siyang magagalit sa’kin. Pagkatapos kong sabihin sa kanya dati na hindi ko na siya mahal, ngayon sasabihin kong mahal ko pa siya? Siguradong magagalit talaga siya sa’kin.

But why is he smirking earlier?

“Hoy!”

“Ay palakang butiki!”

“Ano ba? Tulala ka diyan. Balik na naman ba tayo sa dati? Tatawagin mo na naman ako ng kung ano-ano? Ngayon naman, palaka na nga, butiki pa? Hindi ba talaga ako maganda sa paningin mo?” sunod-sunod na tanong ni Yanna.

Umiling ako. “Sorry naman. Maganda ka, Yanna. Huwag ka lang kasing nanggugulat at hindi ko napipigilan ang bibig ko sa pagsasalita ng kung ano-ano. Ano ba kasi ‘yon?”

“Tulala ka kasi, eh. Iniisip mo pa rin ba ‘yong nangyari kanina? Ang tanga mo ba naman kasi. Sigaw ka pa ng sigaw,” sabi niya.

“Akala ko kasi hindi niya ako maririnig, eh. Sa lakas ba naman ng hiyawan, imposibleng marinig pa niya ‘ko.”

“Sabagay. Pero kasi nasa harapan tayo kaya may possibility talaga na marinig ka niya.”

Ginulo ko ang buhok ko. Nakakainis naman! Mabuti na lang at pagkatapos nito, hindi na talaga kami magkikita. Malungkot man dahil hindi ko na siya makikita, mas okay na rin ‘yon para hindi na madagdagan pa ulit ang galit niya sa’kin.

Naalala ko pa rin ang sinabi niya noon. He doesn’t want to see me again. Pero dahil lang sa isang interview, nagkita kami. This time, kailangan ko talagang piliting huwag kaming magkita. Tama na ‘yong nagkita kami ng isang beses. Hindi na dapat maulit pa.

**

Apat na araw na ang nakalipas simula nang mangyari ang concert. Apat na araw na rin akong nagpapaka-busy sa trabaho. Malapit na ang release ng magazine kaya fina-finalize na namin ngayon lahat para masimulan na ang printing next week.

“Girl, tara na. Nag-text sa’kin si Jake. Nandiyan na daw siya sa labas,” sabi sa’kin ni Yanna habang pinapatay ang computer niya.

Pinatay ko na rin ang computer ko at inayos ang mga gamit ko. It’s Friday again, meaning, oras namin ‘tong magkakaibigan.

Pagkalabas namin sa office ay naabutan namin si Jake na nakasandal sa kotse niya. Napangiti siya nang makita kami.

Pagkatapos ng kaunting kamustahan na akala mo ay hindi kami nagkita-kita last week at hindi nagkaka-text araw-araw ay umalis na kami para pumunta sa mall na napag-usapan naming pupuntahan ngayon. It’s a different mall. As much as possible, sa iba’t ibang mall kami nagpupunta although minsan sa kung saan malapit na lang kapag tinamad kaming lumayo.

Nang makarating kami sa mall ay naglibot-libot muna kami dahil maaga pa. Habang naglalakad kami ay napansin ko ang dami ng tao ngayon. Anong meron? May artista bang magpe-perform mamaya?

Hmm, siguro dahil start na ng weekend kaya maraming tao. Karamihan pa naman ngayon ay mga estudyante at mga naka-uniform pa.

Nang mapagod kami sa paglalakad ay nagpasya kaming kumain na. Sa Sbarro na lang kami nag-dinner dahil puno ang ibang kainan.

Rainbow After The RainWhere stories live. Discover now