[5] Crush

4K 84 0
                                    

Kinabukasan, maaga akong umalis ng bahay dahil ayokong maabutan ako ni Haru. Alam ko kasing papaulanan niya na naman ako ng mga utos niya kaya naman hindi na ako sasabay sa kanya sa pagpasok. Hindi ko na rin naman kailangang samahan siya sa pagpasok dahil alam naman na niya kung paano pumunta sa school.

Nilabas ko na ang bike ko. Ito ang ginagamit ko minsan kapag hindi ko trip pumasok sa school na naglalakad. Hindi naman kasi ako pwedeng mag-kotse dahil napakalapit lang. At isa pa, wala pa akong driver’s license. Saka na kapag nasa tamang edad na ‘ko.

Akala ko ay makakapasok ako sa school ng maayos dahil hindi ko makakasabay si Haru. Pero napasimangot ako nang makita siyang lumalabas din ng bahay nila habang may hawak na bike. Teka. Bike?

“Hoy! Ba’t may bike ka? Gaya-gaya ka ba? Idol mo yata ako, eh,” sabi niya.

Tinaasan ko siya ng kilay at ni-head to foot siya. “Ang kapal naman ng mukha mo! Bakit naman kita gagayahin? Dati pa akong gumagamit ng bike, ‘no. Baka naman ikaw ang gaya-gaya diyan.”

“Kung alam ko lang na gumagamit ka pala nito, sana hindi na lang ako bumili.” Pagkasabi niya ‘non, sumakay na siya sa bike niya at naunang umalis.

Mabuti naman at wala siyang balak na utusan ako ngayon. Okay! Maayos akong makakarating sa school ngayon. Thank you, Lord.

**

Nang makarating ako sa school, hindi ko na nadatnan si Haru sa pagpaparking-an ng bike. Malamang ay nauna na. Mas okay ‘yon kaysa hintayin niya pa ako para lang utusan.

Taas-noo akong naglakad sa corridor papunta sa first class ko. Pero habang naglalakad ako, hindi ko alam kung sinadya ba talaga akong patirin o napatid lang talaga ako. Pero naisip kong mukhang sinadyang patirin ako nang makita ko kung sino ang dahilan kung bakit ako napatid.

“Oops! Sorry. Ang tanga mo naman,” sabi niya ng nakangisi.

Seriously? Bakit ba lagi na lang nila akong sinasabihan ng tanga? Una si Haru. Ngayon naman si Leslie? Si Leslie lang naman kasi ang pumatid sa’kin.

Tumayo ako at hinarap siya. Tinaasan ko siya ng kilay. “Ano bang problema mo?”

“Me? Wala naman. Ikaw, meron ba? Hindi mo kasi tinitingnan ang dinadaanan mo, eh. Ayan tuloy, nadapa ka,” sabi niya at saka tumawa.

“Wala akong problema. Ikaw? Ano bang problema mo sa’kin at lagi mo na lang akong ginaganito? Wala naman akong ginagawang masama sa’yo, ah.”

Natigil siya sa pagtawa. “Hmm, let’s see. Wala ka ngang ginagawa… pero kasi nakakainis na ‘yang pagmumukha mo.”

I smirked. “Ganoon ba? Bakit? Masyado ba akong maganda kaya ka naiinis sa pagmumukha ko? Kunsabagay, sino nga ba ang hindi maiinis sa pagmumukha ko kung hindi sila kasing-ganda ko?”

Nakita ko ang paglukot ng mukha niya. Mukhang galit na siya. Ayos ‘yan. Akala ba niya uurungan ko siya?

“What did you say? Sinasabi mo bang insecure ako sa mukha mo?”

“Wala naman akong sinabing ganyan. Ikaw lang ang nag-isip niyan. Ang talino mo naman,” sarcastic kong sabi.

Lumapit siya sa'kin. “FYI, hindi ako nai-insecure sa mukha mo dahil una sa lahat, maganda ako. Mas maganda kaysa sa’yo. At kung sinasabi mong matalino ako, of course. Matalino ako hindi katulad mo.”

“Talaga? Hindi kasi halata, eh,” sabi ko.

Dahil sa sinabi ko, hindi na siya nakapagtimpi at sinabunutan ako. At siyempre, hindi ako nagpatalo. Sinabunutan ko rin siya. Pansin kong walang umaawat sa’min kahit isa. Mukhang enjoy pa nga sila sa panonood sa’min, eh.

Rainbow After The RainWhere stories live. Discover now