[42] Pilit

1.4K 34 0
                                    

Patuloy pa rin ang ginawa kong pag-iwas kay Haru sa mga sumunod na araw kahit na alam kong nahahalata na niya ang ginagawa ko. Mukhang hindi lang naman siya ang nakapansin kundi pati na rin ang mga classmates ko na madalas kaming makitang magkasama. Minsan kasi ay tinatanong nila ako kung bakit hindi ko kasama si Haru.

Ang iba nga ay mas napapansin pang madalas kong kasama si Jake kaysa kay Haru kaya ang akala ng iba ay break na kami ni Haru. Itinatanggi ko naman iyon. Maging si Yanna ay napansin iyon kaya nang minsang magkasama kaming dalawa ay tinanong niya ako.

“Girl, pansin ko lang nitong mga huling araw hindi mo na madalas kasama si Haru. Si Jake ang madalas mong kasama. May problema ba kayo?” tanong niya habang nag-aayos kami ng mga requirements na ipapasa namin mamaya.

“Wala naman.”

“Hmm, sabagay. Sa tuwing makikita ko naman kayo, mukha naman kayong maayos. Pero nagtataka lang ako. Bakit nga ba hindi na kayo madalas magkasama? Pansin ko rin na kapag niyayaya ka niyang mag-date, tumatanggi ka. Nagugulat na nga lang ako at bigla mo akong hinihila sa kung saan para lang matanggihan siya. Teka nga. Iniiwasan mo ba siya?”

Napabuntong-hininga ako. Tinigil ko sandali ang ginagawa ko at nag-isip. Siguro nga kailangan ko ng sabihin kay Yanna ang balak ko tutal naman dalawa lang kaming nandito ngayon.

Dahan-dahan akong tumango. Narinig ko ang pagsinghap niya. “Pero bakit? May nagawa ba siyang kasalanan sa’yo? O may nagawa kang kasalanan sa kanya?”

Umiling ako. Sinimulan kong sabihin sa kanya ang dahilan kung bakit ko ito ginagawa. Sinabi ko rin sa kanya lahat ng pinag-usapan namin ni Jake noon pati na rin ang ginawa niyang pagtulong sa’kin kahit na ayaw niya sa plano ko. Nang matapos akong magkuwento ay nakatitig lang siya sa’kin.

“Alam mo girl, sang-ayon ako kay Jake. Hindi ko rin gusto ang plano mo kasi parehas kayong masasaktan. Kaya pala lagi ko rin napapansing tulala si Haru kasi hindi mo siya pinapansin. Siguradong nami-miss ka na ‘non,” sabi niya.

“I miss him, too.”

“Iyon naman pala, eh. Huwag mo na ngang pahirapan ang sarili mo. Kung ikaw nahihirapan, paano pa si Haru? Bakit ba kasi hindi mo na lang hayaan si Haru kung ayaw niyang tanggapin ‘yong offer na ‘yon?”

Napabuntong-hininga ako. “Yanna, akala ko ba naiintindihan mo ako?”

“Oo, naiintindihan ko kung bakit gusto mong kunin ni Haru ‘yong offer na ‘yon. Ang hindi ko maintindihan, bakit kailangan mong pahirapan ang sarili mo pati na rin siya?”

“Wala na kasi akong maisip na paraan, eh. Kaya hinahayaan ko na lang ang sarili kong masaktan.”

“At hinahayaan mo ring masaktan siya?”

Hindi ako nakapagsalita. I hate to admit it pero tama si Yanna. Bakit nga ba kailangan ko pang pahirapan ang sarili ko pati na rin si Haru? Pero hindi na ako pwedeng umatras. Nasimulan ko na ‘to, kaya tatapusin ko ito hanggang sa dulo. Besides, ito lang ang paraan na naisip ko.

Napailing na lang si Yanna at napabuntong-hininga. “Ano pa nga bang magagawa ko? Mukhang nakapagdesisyon ka na. Basta girl, if you ever need a shoulder to cry on, nandito lang ako. Tawagan mo lang ako kapag kailangan mo ‘ko at pupuntahan agad kita. You can count on me.”

Pagkasabi niya ‘non ay natawa na lang ako ng mahina dahil bigla siyang kumanta ng ‘Count On Me’ by Bruno Mars.

**

Pagkatapos naming maipasa ang mga requirements namin, agad kong inayos ang gamit ko para umuwi na. Kailangan kong maunahan si Haru sa pag-uwi.

Ganoon ang lagi kong ginagawa. Nauuna akong umuwi para hindi na kami magkasabay. Ganoon din ang ginagawa ko kapag pumapasok. Maaga akong pumapasok para hindi na kami magkasabay sa pagpasok. Kaya nga kapag nagkikita kami sa school ay lagi niya akong tinatanong kung bakit hindi ko siya hinihintay. Lagi ko na lang sinasabi na maaga akong nagigising o di kaya ay maaga kaming pinapauwi ng instructor namin.

Malapit na ako sa bahay nang mapansin kong may nakatayo sa harap ng gate namin. Nakapamulsa siya at naka-uniform pa rin. Mukhang hindi pa siya umuuwi sa kanila para magbihis samantalang nasa tapat lang naman ng bahay namin ang bahay nila. Nakayuko siya habang pinaglalaruan ng paa niya ang mga batong nakakalat.

Magtatago na sana ako para hindi niya ako makita pero bago ko pa man magawa iyon ay nakita na niya ako. Umayos siya sa pagkakatayo at hinintay ako na lumapit sa kanya.

Habang papalapit ako ay napansin ko ang itsura niya. Halatang puyat na puyat siya dahil sa dark circles sa mga mata niya. Ang buhok niya ay medyo magulo. Halatang pagod siya at hindi ngumingiti kahit na nakita niya ako. Hindi siya tulad ng dati na kapag nakikita ako ay ngumingiti siya agad at yayakapin ako. Iba ngayon.

Nginitian ko siya pero nanatiling blangko ang ekspresyon niya. Kinagat ko ang labi ko at tinanong siya.

“Bakit ka nandito?”

“Hindi ba ako pwedeng pumunta dito? Hindi ko ba pwedeng dalawin ang girlfriend ko?” he asked.

Napabuntong-hininga ako at napaiwas ng tingin. “Papasok na ‘ko.”

Pero bago pa man ako makapasok sa gate ay hinawakan niya ang braso ko.

“May problema ba tayo?” tanong niya.

Tumingin ako sa mga mata niya. “Wala, Haru.”

“Kung ganoon, bakit mo ako iniiwasan?”

Hindi ako sumagot. Tiningnan ko lang siya. Gusto kong ma-realize niya kung bakit ko ‘to ginagawa sa kanya.

Napakunot-noo siya. “May nagawa ba kong masama? Sabihin mo sa’kin kung ano ‘yon.”

Dinig ko ang frustration sa boses niya. “Wala. Wala kang nagawang masama.”

“Kung ganoon, ano? Bakit mo ako iniiwasan? Akala mo ba hindi ko napapansin? Ang tagal mo ng ginagawa ‘yan. Simula noong... wait a minute.”

Bigla siyang napahinto sa pagsasalita na para bang may napagtanto. Napapikit siya ng mariin. Pagkabukas ng mga mata niya ay tinitigan niya akong mabuti.

“Is this about that offer again?”

Hindi ako sumagot. Napayuko lang ako. At mukhang nakuha na niya ang sagot sa tanong niya dahil sa reaksyon kong iyon.

“Fuck! Iyon pa rin? Jhea, gusto mo ba talagang magkahiwalay tayo?” tanong niya.

Umiling ako ng ilang beses. “No.”

“Kung ganoon, bakit mo pa rin ipinipilit ‘yon?” tanong niya. Ramdam ko ang galit sa boses niya nang sabihin niya iyon.

“Ayokong magkahiwalay tayo. Pero kaya ko namang maghintay, eh. Kaya kong maghintay para sa ating dalawa.”

“Kung ikaw kaya mo, ako hindi! Hindi ko kayang maghintay at hindi ka nakikita dahil baka kapag wala ako, may mga lalaking umaligid sa’yo at agawin ka sa’kin. Ayokong mangyari ‘yon, Jhea. Ayoko!”sabi niya habang paulit-ulit na umiiling.

“Hindi ko naman sila papatulan, eh. Wala ka bang tiwala sa’kin?”

“May tiwala ako sa’yo pero sa mga taong umaaligid sa’yo, wala. Kaya please, Jhea, huwag mo ng ipilit ‘yon dahil hinding-hindi ako papayag.”

“Pero Haru—“

“Pumasok ka na. Uuwi na ‘ko,” sabi niya at saka tumalikod para umuwi sa kanila.

Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi ko na alam kung paano ko siya makukumbinsi.

Rainbow After The RainWhere stories live. Discover now