[25] Harana

2.2K 50 0
                                    

Featured song: Not A Bad Thing – Justin Timberlake

**

Natapos na ang second semester. Sa buong bakasyon, walang ibang ginawa si Haru kundi ang turuan akong mag-gitara. Kahit papaano ay nagpapasalamat ako sa kanya dahil natuto na ‘ko kahit medyo lang. May natutugtog na rin akong mga kanta. Bukod pa doon, tuloy pa rin si Haru sa ginagawa niyang panliligaw sa’kin. Bilib din ako sa kanya dahil hindi siya nagsasawa at napapagod sa pagsuyo sa’kin.

Ngayong araw na ‘to ay enrollment na ulit. This time, third year college na kami. Napag-usapan naming sabay na mag-enroll dahil ang magaling na best friend ko ay nauna ng nag-enroll. Nagtampo pa ‘ko sa kanya dahil hindi man lang niya ako sinabihan. Sabi na lang niya ay mas okay daw kung si Haru ang kasama ko. Hindi ko tuloy maiwasang maghinala na baka nag-usap sila ni Haru para sabay kaming mag-enroll.

Well, okay lang naman sa’kin.

Nang makapagbihis na ‘ko ay bumaba na ako. Naabutan ko doon si Haru at si Mommy na kasalukuyang nag-uusap. Tumayo si Haru nang makita niya ako.

“Mom, alis na po kami,” sabi ko.

“Oh sige, heto ang pang-enroll mo,” sabi niya at saka iniabot sa’kin ang isang sobre na naglalaman ng pang-enroll ko. “Mag-iingat kayo, ha? At kung may date kayo, sabihan niyo muna ako.”

Nakaramdam ako ng hiya nang sabihin niya iyon.

“Mommy naman, eh. Wala kaming date. Sa school kami pupunta,” sagot ko.

“Alam ko. Sinasabi ko lang.”

Nagpaalam na kami ni Haru kay Mommy. Nang makarating naman kami sa school ay dumiretso na kami sa registrar’s office at kumuha ng application form para maiayos ang magiging schedule namin.

Hindi kami masyadong nakapag-usap ni Haru dahil minadali na naming matapos ang pag-e-enroll. Sabi kasi niya ay gusto daw niya akong makasama ng matagal bago umuwi kaya minadali na lamang namin ang pag-e-enroll para makapagkwentuhan pa.

Nang matapos kami sa pag-e-enroll ay umalis na kami sa school. Akala ko ay may iba pa kaming pupuntahan pero nagulat ako nang sa bahay kami nagpunta.

Napakunot-noo ako. “Teka, akala ko ba hindi pa tayo uuwi?” tanong ko.

Nginitian niya ako. “Ikaw hindi pa uuwi dahil iuuwi muna kita sa’min.”

“Huh?”

Hindi na siya nagsalita pa ulit at dumiretso na lamang sa bahay nila. Sumunod naman ako. Ano kaya ang gagawin namin dito sa kanila?

Pagpasok namin ay binati ko ang Mommy ni Haru. Tapos ay umakyat kami sa kwarto ni Haru. Nang makapasok kami sa kwarto niya ay saka ko naisip kung ano ang pwede niyang gawin sa’kin ngayong kami lang dalawa ang nasa kwarto niya.

Oh my! May binabalak ba siyang masama sa’kin? Napalunok ako sa naisip at napailing. Hindi naman ganoong tao si Haru.

Umupo siya sa kama niya at saka tinapik ang kama. “Upo ka.”

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. May binabalak ba talaga siya? Napatakip ako sa katawan ko at hindi ako lumapit sa kanya.

Napakunot naman siya ng noo dahil sa ginawa ko. “Anong ginagawa mo?” tanong niya.

“Anong balak mo sa’kin?”

Bigla naman siyang napangiti at mukhang napagtanto niya kung ano ang ibig kong sabihin.

“Relax. Wala akong balak gawin sa’yo. Haharanahin lang kita,” sagot niya.

Harana?

Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Tumayo naman siya saglit at saka kinuha ang gitara niya. Anong nakain niya at balak niya akong haranahin ngayon?

Rainbow After The RainWhere stories live. Discover now