[6] Kuya

3.6K 64 0
                                    

Ang ganda naman ng araw na ‘to.

Katatapos lang ng conversation namin ni Jake. At hanggang ngayon, kinikilig pa rin ako. Friends na kami!

Naglalakad na ako ngayon papunta sa second class ko. Hindi pa rin talaga mawala ‘yong ngiti sa labi ko. Pagpasok ko sa room, wala pa ‘yong prof namin. Nakita naman agad ako ni Yanna. Nilapitan niya ako sa upuan ko.

“Girl, bakit hindi ka pumasok kanina? Ang daya mo, ha?”

I smiled. “Pasensya na girl. May inutos kasi ang mahal na hari, eh.”

Napakunot-noo siya. “May inutos? Kung ganoon, bakit iba naman yata ang reaksyon mo ngayon? Samantalang kapag inuutusan ka niya eh lagi kang haggard at nakasimangot.”

Kinuwento ko sa kanya ‘yong nangyari simula doon sa pag-aaway namin ni Leslie hanggang sa naging pag-uusap namin ni Jake. Grabe! Kinikilig pa rin talaga ako kapag naiisip ko ‘yon.

“Grabe naman si Leslie, girl. Pasalamat siya at wala ako doon kanina kundi sasabunutan ko talaga ‘yon hanggang sa maubos ang buhok niya!” inis na sabi ni Yanna pagkatapos kong magkwento.

“Hayaan mo na. Maganda naman ang kinalabasan, ‘di ba? Kita mo naman, naging friends kami ni Jake.”

“Hmm, sabagay. Pero ingat ka pa rin, girl. Kapag nalaman ‘yan ni Leslie, I’m sure hindi ka niya titigilan.”

“Hayaan mo siya. I’m ready anytime.” Napatawa ako ng malakas.

“Baliw ka na. Ewan ko sa’yo, girl. Tara na nga.”

Napatingin naman ako sa kanya. “Saan tayo pupunta? May klase pa tayo,” sabi ko.

“Bulag ka ba? May nakikita ka pa bang estudyante dito?”

Napatingin ako sa buong room at napansin kong wala ng ibang tao doon kundi ako at si Yanna. Saan nagpunta ang mga classmates namin?

“Nasaan na sila?” tanong ko.

“Lumabas na. 30 minutes ng late ang prof natin kaya ibig sabihin, wala na tayong klase,” sabi niya.

Ganoon? Siguro dahil sa pagkukuwento ko, hindi ko na namalayan ‘yong oras.

Lumabas na kami ng room at nagpunta sa canteen. Naisipan naming kumain na lang kahit di pa lunch time. Mamaya pa naman ang next class namin. May three hours vacant pa.

Pagkatapos naming um-order ng makakain, kumain na kami at nagkwentuhan.

“Girl, kumusta nga pala ‘yong pagiging slave mo?”

Napasimangot ako dahil sa tanong niya. “Naku, girl! Ayoko ng isipin ‘yan. Naiinis lang ako kapag naiisip ko, eh.”

“Kailan daw ba kasi matatapos ‘yang slave thingy mo?”

“Ewan ko ba doon. Pahirap talaga sa buhay ko ‘yong lalaking 'yon, eh,” sabi ko sabay inom ng coke.

“Pahirap pala sa buhay, ah.”

Muntik ko ng maibuga ‘yong iniinom ko nang marinig kong magsalita si Haru sa likod ko. Bakit nandito ‘to? Bigla na lang siyang sumusulpot.

“Hi, Haru!” bati ni Yanna.

Nginitian lang niya si Yanna tapos umupo siya sa tabi ko. Ngiti-ngiti siya diyan samantalang pagdating sa’kin, ang sungit sungit. Lagi pa ‘kong pinapahirapan. Ugh!

“At bakit ka nandito?” tanong ko.

“Masama bang kumain?”

“Wala ka bang klase?”

Rainbow After The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon