[53] Apologies

2.2K 62 1
                                    

What is he doing here?

“Anong ginagawa mo dito?” I asked coldly. Hindi ko mapigilang magalit sa kanya dahil sa mga sinabi niya sa’kin kahapon.

Pagkatapos niyang sabihing ayaw niya na akong makita, nandito siya ngayon? Aba’t ang gulo niya rin, ah!

“Pasok ka, Haru,” sabi naman ni Mommy at pinaupo niya ito sa sofa.

Pumasok naman si Haru at hindi na ako pinansin. Nilampasan niya ako at nginitian si Mommy.

Aba, ang kapal naman ng mukha niyang lampasan ako!

Kahit na naiinis ako ay umupo na lang ako sa tabi ni Mommy. Sinigurado kong malayo ako sa kanya at hindi ako nakatingin sa kanya pero nakikita ko siya sa peripheral vision ko.

“Anong gusto mo? Magpapakuha ako kay Manang ng merienda,” tanong ni Mommy.

Umiling siya. “Hindi na po. Busog pa naman po ako.”

Tumikhim si Mommy at saglit na lumingon sa’kin bago bumaling kay Haru. Oo nga pala. Iniisip pa rin siguro niya na hindi pa kami nagkikita ni Haru, na ang huli naming pag-uusap ay three years ago pa.

Hindi ko naman kasi sinabi kay Mommy ang tungkol sa pag-interview ko kay Haru pati na rin ang pagkanta ko kasama siya sa isang mall show. Alam lang niyang nandito sa Pilipinas ang banda ni Haru dahil nabalita sa TV.

“Mabuti naman at napasyal ka dito. Nabalitaan ko sa TV na nandito nga raw kayo ng banda mo. Hindi ko akalaing may oras ka palang libre para bumisita. Naisip ko rin kasing busy ka. I’m so happy, Haru. Natupad mo pala ang pangarap mo,” sabi ni Mommy habang nakangiti.

Napangiti rin siya. “Thank you po. Actually, hindi naman po masyadong busy ang banda ngayon dahil tapos na ang mall shows. Nandito na lang po kami para sa awards night. Kaya po naisipan ko na lang na dumalaw muna dito at kamustahin kayo.”

“Kumusta naman ang Mommy at Daddy mo?”

“Maayos naman po sila. Sinabi ko po kay Mommy kagabi na pupunta ako dito kaya pinapasabi po niya na nami-miss na niya kayo. Pasensya na rin daw po kung hindi niya na kayo matawagan.”

Napabuntong-hininga si Mommy. “Oo nga, eh. Nami-miss ko na nga rin siya—“

Naputol sa pagsasalita si Mommy nang may tumawag sa kanya. Sinagot niya muna iyon.

“Hello?”

Habang may kausap si Mommy ay napatingin ako kay Haru. Napansin kong nakatingin din siya sa’kin ng seryoso. Agad akong umiwas ng tingin.

Bakit ba kasi siya nakatingin?

“Okay. Sige. Sige.”

Natapos na sa pakikipag-usap si Mommy sa cellphone niya at bumaling na ulit kay Haru. Napansin kong medyo balisa si Mommy. Napakunot-noo ako. Sino ang tumawag?

“Naku, pasensya na. Hindi na yata tayo makakapag-usap ng matagal. Nakalimutan kong may usapan pala kami ng mga kaibigan ko. Hinihintay na nila ako sa mall ngayon,” sabi ni Mommy kay Haru.

Oh, yes! Aalis si Mommy, ibig sabihin kailangan ng umalis ni Haru. Ayoko talaga siyang makita ngayon.

“Ganoon po ba? Sayang naman po. Anyway, dito na lang po muna ako... kung okay lang?” tanong ni Haru.

Nagulat ako sa sinabi niya. Ano namang gagawin niya dito?

Maski si Mommy ay nagulat nang sabihin niya iyon. “Ha? Ano namang gagawin mo dito?”

Bigla siyang napatingin sa’kin. Ang seryoso pa rin ng tingin niya. “Kailangan ko pong makausap si Jhea.”

Nanlaki ang mata ko. Tama ba ang dinig ko? Bakit naman niya ako kakausapin? Kahapon, sabi niya ayaw niya akong makita. Tapos ngayon nandito siya at gusto pa niyang makipag-usap sa’kin?

Rainbow After The RainOù les histoires vivent. Découvrez maintenant