[14] Confession

2.6K 61 0
                                    

“Hoy!”

“Ay tikbalang!”

Napasimangot siya nang sabihin ko ‘yon. “Grabe ka naman, girl! Lagi mo na lang akong nilalait. Tikbalang? Sa ganda kong ‘to, tikbalang ang tingin mo sa’kin? Ouch, ha!”

“Bakit ka ba kasi nanggugulat diyan? Pwede mo naman akong kalabitin, ‘di ba?” sabi ko.

“FYI, kanina pa kita kinakalabit dito. At kanina pa ‘ko nagsasalita dito, hindi ka naman pala nakikinig. Ano ba kasing nangyayari sa’yo?”

Bumuntong-hininga ako at saka yumuko. “Wala naman.”

“Sus! Wala? Ako pa niloko mo? Siguro tungkol ‘yan sa inyo ni Haru, ‘no? Speaking of Haru, ano nga pala nangyari noong nagkausap kayo noong school festival?”

Huminga ako ng malalim at saka sinimulan ang pagkukwento. Kinuwento ko kung anong napag-usapan namin ni Haru hanggang sa pag-utos niya sa’kin na mag-confess kay Jake.

Iyon ang dahilan kung bakit kanina pa ako parang wala sa sarili. Kanina ko pa iniisip kung susundin ko ba ang pinapagawa ni Haru o hindi. Hindi ako makapagdesisyon dahil una sa lahat, nahihiya ako. Siyempre naman, babae ako at parang nakakahiya naman kung ako ang unang mag-confess, ‘di ba?

“So, anong balak mong gawin?” tanong ni Yanna pagkatapos kong magkwento.

“Iyon nga ang kanina ko pa iniisip, eh. Sa tingin mo, dapat ko bang gawin ang inuutos ni Haru?”

“Hmm, ewan ko lang, ha? Pero I think, tama si Haru. Mas okay naman na sabihin mo na ‘yong feelings mo sa kanya para hindi ka na nahihirapan. At least, mapapanatag na ang loob mo kapag nasabi mo sa kanya. Madali ka na ring makaka-move-on,” sagot niya.

“Pero kasi, nahihiya ako, eh.”

Tumingin siya sa’kin. “Girl, huwag mo na munang isipin ‘yang hiya mo.”

“Yanna naman. Babae ako kaya malamang mahihiya ako. Parang kapag ako naman kasi ang unang nag-confess, parang lumalabas naman na ako pa ang nanliligaw sa kanya. Aish!”

“Huwag mo na kasing iisipin ‘yong sasabihin ng iba. Saka hindi ka naman manliligaw. Magco-confess ka lang. Mas okay na ‘yong sabihin mo na sa kanya ‘yang nararamdaman mo kasi mas lalo ka lang masasaktan kapag ipinagpatuloy mo pa ‘yan.”

Napabuntong-hininga ako. “Ewan ko, Yanna. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko.”

Siguro nga dapat ko ng sabihin ang nararamdaman ko. Bahala na kung anong mangyayari.

**

Nandito ako ngayon sa garden kung saan madalas kaming tumambay ni Jake. Pagkarating ko doon, nakita ko agad si Jake na kasalukuyang nakaupo sa ilalim ng puno. Nang makita niya ako, agad siyang napatayo at lumapit sa’kin.

“Jhea! Buti naman nandito ka na. Kanina pa kita hinihintay, eh,” sabi niya.

Napangiti ako. “Bakit naman?”

“Wala lang. Ang boring kasi kapag walang kasama.”

“Ah, oo nga,” sagot ko.

Ngumiti naman siya. “Tara, upo tayo.”

Bago pa man niya ako mahila, pinigilan ko na siya. “Sandali. Hindi rin ako magtatagal. May sasabihin lang ako sa’yo.”

Napalingon naman siya sa’kin nang sabihin ko iyon. Bakas sa mukha niya ang pagtataka.

“Sasabihin? Ano ‘yon?”

Nag-half smile ako sa kanya. “Actually, hindi ko alam kung paano ko sisimulan. At sa totoo lang, matagal ko ng gustong sabihin sa'yo 'to.”

Rainbow After The RainWhere stories live. Discover now