Prologue

14.6K 228 4
                                    

Rainbow After The Rain
Written by: jglaiza

•••••

PROLOGUE

Sabi nila, masarap daw ma-in love. Kapag in love ka, makakaramdam ka ng saya, mai-inspired ka, kikiligin ka. Pero siyempre, hindi naman laging ganoon. Kapag in love ka, mararanasan mo ring masaktan, umiyak, maiwan.

Kapag in love ka, marami kang pwedeng mapagdaanan at maging kaaway. Pain, time, boundary, temptation, limitation, rules… at minsan, kahit sarili mong pamilya, makakaharap mo kasama ang taong mahal mo. Kahit alin sa mga ‘yan, pwede niyong harapin. Para ‘yang isang napakatagal na pag-ulan… pag-ulan ng mga problema.

Pero ‘di ba, pagkatapos ng mahabang ulan, may makikita kang rainbow? Pagkatapos ng lahat ng paghihirap niyo, magkakaroon kayo ng panibagong pag-asa. Pagkatapos niyong masaktan, magiging maayos na ang lahat.

Pero what if sa sobrang sakit na ng nararamdaman mo, hindi mo na kayanin? Is pain a reason to let go of the person you love? Kaya mo ba? Kaya mo bang magkalayo kayo?

At the end of the rain, will you be able to see the rainbow?

Rainbow After The RainWhere stories live. Discover now