Chapter 37

584 11 1
                                    

-So sinipag ako mag-update ngayon kaya ENJOY! 😂😊
———————————————
Today is our second day here at San Quintin at sabi nila ay ipapasyal at maliligo daw kami sa sinasabi nilang river dito sa Brgy. Nangapugan. Kasalukuyan kaming naghahanda ng mga pagkain at mga gagamitin namin doon.

"Baby......"

"Yes?"

"Are you angry?" Nilingon ko si Maximo gamit ang kunot noo. Actually, nung sinabi nya kagabi sa akin na hindi nya pwede sabihin ang tungkol sa nangyari para akong nadisappoint but at the same time naiintindihan ko naman kung bakit ayaw nya sabihin. Just like my father, Maximo is also a soldier too at may mga sinumpaang tungkulin sila at hindi ako pwedeng manghimasok doon dahil iba ang trabaho sa relasyon.


"Alam kong curious ka—"

"Yes. I'm very curious about what happen that day but please don't explain yourself to me. Nasa pamilya ako ng mga sundalo at alam ko kung hanggang saan lang ako. I understand your reason baby......." Lumapit ako dito saka hinalikan sya sa labi. Hindi din naman nagtagal ang halik na binigay ko dahil agad din akong lumayo dahil kumakatok na sa labas si Tita Maricris.


"I'm sorry for bothering you last night. Wag na muna natin pag-usapan ang tungkol dito dahil nasa bakasyon tayo at ayoko naman na mabahidan ng kung ano ang bakasyon na to'. I know kapag bumalik na tayo ay babalik ka na din sa trabaho at syempre babalik na din ako sa trabaho kaya hindi na tayo masyado makapagkita dahil nga nasa kampo ka."


"Fine. I'm sorry too." Ngumiti lang ako saka pinagpatuloy na ilagay ang mga ibang gamit sa bag ko na dadalhin sa papasyalan namin.


They said maganda daw doon dahil kitang-kita mo ang mountain view habang nagtatampisaw ka sa ilog at gustong-gusto ko yon dahil nabibigyan nya ako ng peace of mind.


Nauna na akong lumabas sa kwarto dahil may tumawag pa kay Maximo at mukhang isa yon sa mataas na opisyal sa Philippine Army.


"Tara na?"

"Ayy nasa kwarto pa po si Maximo. May kausap po about sa trabaho po yata." Tumango-tango si tita saka nagsimula na sila maglagay ng mga gamit sa likod ng sasakyan ni Maximo. Nakitulong na din ako sa ginagawa nila habang naghihintay at buti nalang lumabas agad ito kaya sakto.


Si Maximo ang nagdrive at sa tabi naman nya ang daddy nya kaya kami ni tita Maricris ang nasa likod. Nasa gitna ako dahil nasa magkabilang gilid ko ang tita ni Maximo at si tita. Hindi naman gaano kalayo ang pinuntahan namin pero para sa akin ay sobrang layo dahil unti-unti akong na a-out of place. Kapag tinatanong nila ako sumasagot ako agad at kapag nagtatawanan sila ay nakikitawa din ako ng kaunti kahit hindi ko masyado maintindihan ang pinagk-kwentuhan nila at syempre lalo na nang magsalita ang tita ni Maximo ng language nila dito which is Ilocano daw ay maslalo akong na nosebleed at iniiwas ko nalang ang tingin ko sa ngingiti-ngiting si Maximo.

Mamaya nga magpapaturo ako kay Maximo ng Ilocano para kahit papaano ay may maintindihan naman ako at isa pa parang nakaka-excite magsalita ng iba pang language.


Nang makarating kami sa bumungad agad saamin ang salitang WELCOME TO DIPALO at ang magandang view ng bundok na sinasabi nila sa akin.


Hindi gaano kainit ngayon at sakto lang na magtampisaw sa ilog. Naramdaman ko agad ang paghapit ni Maximo sa baywang ko na agad ko din tinanggal dahil baka kung saan nanaman mapunta iyon. I don't know why but when it comes to Maximo pumapayag nalang ako basta-basta sa mga gusto nya pero syempre yung alam ko naman na hindi lalabag sa akin.


The Captain's Heart (Will go under major editing)Where stories live. Discover now