Chapter 17

722 16 0
                                    

Tapos na ang event at kasalukuyan na kaming kumakain sa isang restaurant dito. It's my second time here at Bolinao, Pangasinan dahil yung last na SFW ay dito din ginanap. Maganda ang place at balak ko nga na isama dito sila mommy para dito kami magbakasyon pero busy kasi sila lahat. Si daddy laging nasa Philippine Army Headquarter at yung dalawa ko namang kapatid ay pinapadala sa iba't-ibang mission kaya kahit gusto ko silang makasama hindi pwede dahil may kanya-kanya kaming ginagawa.


"Ms.Mondejar, nag-email si Mr.Rosario at balak daw po nya na magpagawa ng wedding gown for his daughter na ikakasal na next month." Binaba ko ang hawak kong kutsara at tinidor saka kinuha ang ipad na inaabot ni Dalia saakin. Binasa ko ang email saka tumango din agad at binalik na sa sekretarya ko ang ipad.


"Okay. Pakisabi nalang na sa Monday pumunta sa office ko ang anak nya para masukatan at makausap about sa design." Tinuloy ko na muli ang naudlot kong pagkain.



Kasama namin ngayon sila Maximo at mga kaibigan nya. Hindi alam nila Dalia at Razmen na mga sundalo pala ang mga rumampa kanina sa stage at saka lang nila nalaman nang ipakilala ko sila Maximo sakanila.


Hanggang ngayon hindi ko pa din matignan ng matagal si Maximo dahil nadoon pa din ang kakaibang feeling na binibigay nito saakin. I know he's staring at me! At hindi ako mapakali dahil sa tingin nya.


Bakit ba kasi nya ako tinitignan ng kakaiba?


Natapos kaming kumain at hinintay ko nalang na iabot saakin ng waitress ang resibo para makapag bayad na ako. Lumapit ang waitress sa table namin at aabutin ko na sana ang dala nya nang bigla itong hablutin ni Maximo. Para akong napahiya sa ginawa nya kaya umarangkada nanaman ang pang-iirap ko.


"Ako na ang magbabayad—-"


"Ako ang nagyaya kaya ako ang magbabayad." Palaban kong sambit at hinihintay itong iabot saakin ang resibo pero imbes na iyon ang gawin nya inabot nya ang resibo sa waitress kasama ang—- uhm...wait....may black card sya?


It's not my first time to see a black card......pero nakakamangha lang.


Hindi na ako umangal pa sa ginawa nya dahil huli naman na at nasa counter na ang waitress. Nanahimik nalang ako sa tabi dahil nahihiya nanaman ako. Kahit naman may ugali ako nahihiya pa din ako at nararamdaman ko yon palagi kapag nandito si Maximo.



"Let's go?" Pagyayaya ko sakanila nang maibigay na ng waitress kay maximo ang black card nito.



Gusto ko na bumalik sa rent house namin dahil hindi ko na kayang makipagtitigan kay Maximo. Kanina nya pa ako tinitignan ng kakaiba at hanggang ngayon ganon pa din ang tingin nya at hindi ko alam kung ano ang meaning non!



"I'm tired. Pupunta na ako sa rent house namin." Tinignan ko ang dalawa kong sekretarya para iparating dito na aalis na kami pero sarap lang talaga kurutin singit nila dahil tumanggi pa ang mga ito dahil nagyayaya daw sila boy na nakalimutan ko nanaman ang name, na pumunta sa isang night club dito. Actually, may hinanda na night party ang MMF para sa lahat ng pumunta sa event at isa sa nga niyaya ng chief ay itong mga sundalo na to'.


Nagpaalam ang dalawa na pupunta sa night party at pumayag na ako dahil deserve naman nila na magparty party matapos maging successful ang event for us. Gusto ko man pumunta ng party para uminom ng kung ano-anong alak ay hindi ko na ginawa dahil sigurado ako na makakasama namin si Maximo. Papalampasin ko muna ang alak ngayon dahil sa lalaking tingin ng tingin saakin.


Nang magpaalam ako sakanila agad akong umalis at diretso lang ang lakad patungo sa rent house.


"You're ignoring me.....why?" Napatigil ako sa paglalakad at pinilit ang sarili na hindi lumingon at diretso lang pero hindi talaga kaya ng sarili ko.


The Captain's Heart (Will go under major editing)Where stories live. Discover now