Chapter 52

504 15 1
                                    

Happy 3k reads everyone!!!

Update again!

Btw, Thank you readers for staying with me for almost 1 year. Ang balak ko is April tapusin ko na ang story but nakita ko sa notes ko na May ko siya sinimulan kaya balak ko ay kung kailan ako nagsimula iyon din ang araw na tatapusin ko ang istoryang ito.

———————————————

Isang oras nalang aalis babalik na ako sa kampo. Nakabalik na sila Murphy doon at nagsisimula na magtraining at ako nalang ang hinihintay pero kada lilipas ang bawat minuto ay para akong nanghihina lalo na nang makita ko ang reaksyon ni Paris nang sabihin ko sa kaniya na buo na ang desisyon ko.

Kasalukuyan kaming nasa kwarto niya dahil binigyan muna kami ng oras ng pamilya niya na makapag-usap ng maayos. Ngunit sa sitwasyon namin ngayon ay parang walang gustong magsalita.

Tinignan ko ang relo ko at napansin na sampung minuto na pala ang lumipas at kung hindi pa kami mag-usap ay baka maslalo lang gumulo ang sitwasyon namin.


"Baby....I'm sorry." Inangat nito ang tingin sa akin.


"Don't. Wala ka namang kasalanan at isa pa karapatan mo magdesisyon para sa sarili mo. Don't worry narealize ko naman na dapat tinatanggap ko din mga desisyon mo tulad ng pagtanggap mo sa mga desisyon ko—-"


"Pero magiging pamilya na tayo...."

"I know......pero hindi naman iyon basehan para panghimasukan ko na ang desisyon mo para sa sarili mo. Sabi mo nga kanina na last naman na ito kaya sasama ka pa din. Tama ka naman. Matagal kang nagtraining para maging sundalo at magkaroon ng pwesto sa trabaho mo at dahil malapit ka na umalis ay dapat gawin mo na ang lahat para maging memorable ang huli mong trabaho sa pagsusundalo." Lumapit ako sa kaniya saka lumuhod sa harapan niya. Nakaupo lang siya mula pa kanina dahil may nararamdaman daw siya na kung ano pero buti nalang tumigil din agad at dadalhin pa sana namin siya sa ospital para magpacheck-up pero ayaw niya kaya hindi na namin pinilit dahil baka maslalo kang ma-stress.


Hinalikan ko ang mga kamay niya saka ngumiti dahil sa wakas ang kaba na nararamdaman ko at iniisip ko na aalis ako na magkaaway kami ay unti-unti na nawawala.


"Thank you, baby. Don't worry pag-iigihan ko ang huli kong mission."

"Mag-ingat din kayo. Pinag-igihan niyo nga ang trabaho niya tapos hindi naman kayo mag-iingat....edi wala din mangyayari. Remember this.....ayaw ko na mangyari ang nangyari noon dahil masakit.....then kung mauulit iyon this time ay baka hindi ko na kayanin dahil ayoko man i-compare ang relationship ko noon sa ngayon ay masasabi ko na masgrabe ang epekto sa akin ng relationship natin kaysa sa past relationship ko." Naramdaman ko ang mahigpit nitong hawak sa akin. Ngumiti ako upang bigyan siya ng senyas na magtiwala sa akin.

"Don't worry.....gusto ko pa kayo makasama ng anak natin." Tumawa ito kaya tumawa na din ako.

Tumayo ito kaya inalalayan ko para hindi matumba.

"I'm okay! Wag ka mag-alala."

"I just want to make sure."

Nang makatayo ito inayos niya ang mga gusot at ilang parte sa uniform ko.

"Good luck. Mag-ingat kayo sa mission niyo." Tumango ako saka hinalikan siya sa labi ng buong tamis. Mamimiss ko nanaman siya pero tuwing naiisip ko na pagkatapos ng misyon namin ay makakasama ko na siya ng matagal dahil hindi ko na kailangan bumalik sa pagsusundalo.

The Captain's Heart (Will go under major editing)Where stories live. Discover now