Chapter 33

585 17 0
                                    

Agad kong kinuha yung iba naming pinamili sa sasakyan nya saka nauna nang lumakad. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko nang makita si Dana kanina.


Dana is also my friend pero simula nang mawala ang kuya nya hindi na kami gaanong nagkakausap at isa pa nagtatrabaho na din kasi sya sa ibang lugar at mukhang nagbabakasyon lang ngayon.


Dana is my ex-boyfriend's sister. Naalala ko pa noon tuwing nagd-date kami ni Darick minsan sinasama ko si Dana para kapag nagagalit si Darick ay may pagtataguan ako.


Hindi ko alam kung paano sya kakamustahin uli lalo na't nalaman ko na kilala din pala sya ni Maximo. Darick is also a soldier kaya siguro nagkakilala sila ni Maximo noon pero bakit hindi ko alam?


Lahat ng mga kaibigan ni Darick ay nakilala ko na kasi noong huling birthday nya ay pumunta daw lahat ng kaibigan at ilang kakilala nya pero bakit hindi ko nakita ang itsura ni Maximo doon?

Nauna akong pumasok sa elevator at akala ko ay wala nang sasakay kaya pipindutin ko na sana ang button nang biglang bumungad si Maximo at hinarang ang pagsara nh elevator.

Sinara ko ang bibig ko dahil sa gulat sa pagsulpot nito saka gumilid ng kaunti. Sumara na ang elevator at dalawa lang kaming nasa loob nito. Kung dati ay tuwang tuwa ako kapag walang sumasabay sa amin sa elevator pero ngayon ay parang gusto ko nalang maghagdan para maiwasan ang nagtatakang tingin ni Maximo.

Nang makarating kami sa floor ng unit ko nauna akong muli at saka binuksan ang unit. Pagkapasok ko diniretso ko agad ang pinamili sa kitchen at doon nagkunwaring busy.


Natigilan ako saglit nang bigla nitong binaba ang mga bitbit nya sa tapat ko at dumikit sa akin.


"Kindly explain yung nangyari kanina?" Iniba ko ang tingin ko at tinuon muli ang pansin sa paglalagay ng ilang delata sa lagayan nito.

"Paris......" Nanatili akong tahimik.

"Paris......"

"I said Paris.....eyes on me!" Parang nagpintig ang tenga ko nang marinig ang sigaw nya na naging dahilan ng paglingon ko sakanya.

He is not the soft Maximo right but the real Maximo who are fearless.

"I'll answer but you don't need to shout at me." Mariin kong sambit dahil ang ayoko sa lahat ay yung sinisigawan ako. Alam ko naman ang rason nya pero may part pa din kasj sa akin na ayaw ang ginawa nya.

"Answer me now!"

"I said you don't need to shout!" Naiinis na talaga ako ahh!

Tahimik ito pero ang atensyon pa din nito ay nasa akin.

"Sasagutin ko ang tanong mo kapag tapos na ako dito kaya pumunta kana sa living room at iwanan mo muna ako dito." Tinuon ko na ang pansin sa lahat ng pinamili saka nilabas lahat ng pagkain na nasa sumunod na paper bag.

Kung tatanungin nya ako agad ng agaran hindi ko talaga sya kayang masagot. Until now bumabalik pa din sa akin lahat ng nangyari pero buti nalang hindi na gaano kalala ang epekto nito sa akin pero tuwing inaalala ko ang trabaho ni Maximo bumabalik pa din.

Darick is a soldier at namatay sya sa isang labanan kung saan ay hindi maaaring ilabas sa buong bansa. Ang mission nilang iyon ay kailangan itago upang hindi maalarma ang lahat lalo na't natalo ang mga sundalo noon. Madaming namatay pero lahat ng detalye ng pagkamatay nila ay tinago at pinalabas nalang na namatay sila sa isang gyera na kung saan ay binalita sa lahat.


Naalala ko pa noong huli ko syang nakasama. We're very happy dahil nagpropose sya sa akin. He promised to me that after his mission he will marry me pero hindi iyon nangyari kasing pagkatapos ng misyon nila hindi na sya bumalik ng buhay sa akin. I beg for my father para gumalaw ito sa pangyayari pero hindi naman Diyos ang tatay ko para buhayin nya si Darick at yung iba pang sundalo.


Kaunti nalang ang bumalik ng buhay noon at halos karamihan pa sakanila ay sugatan pa at kritikal ang lagay. Halos gusto ko na magwala nang iharap nila sa akin ang kabaong ni Darick pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. Nahihiya din akong humarap noon sa pamilya nya dahil sa nangyari pero tinanggap pa din nila ako noong burol dahil hindi ko naman kasalanan. Oo, hindi ko nga kasalanan ang nangyari pero kasi parang nararamdaman ko ay ako ang may gawa kung bakit sya namatay.


Nagalit din ako kay daddy noon dahil kung hindi ko pa nalaman sa dalawa kong kapatid ang nangyari ay wala akong kaalam-alam. Balak ng tatay ko na hindi sabihin sa akin at kung hindi pa ako magmakaawa sa tatay ko ay hindi sya gagalaw as Lieutenant General. Naging pakealamera ako that time pero kasi nasasaktan ako dahil isa yung fiancée ko sa namatay at wala manlang gawin ang tatay ko para kahit tago ang pangyayari ay maayos ang gagawing pagbuburol sakanila at hindi nalang basta ililibing nang walang pagkilala na namatay sila para ipagtanggol ang bansa.


Nang matapos ako sa ginagawa inayos ko na lahat ng paper bag at ilang kalat sa kitchen bago puntahan si Maximo sa living area. Nagtimpla na din muna ako ng kape at gumawa ng sandwich bago pumunta.

Naabutan ko syang nakaupo sa pang-isahang sofa kung titignan mo ay parang payapa lamang syang naghihintay pero nang makalapit kana at tignan ka nya ay doon mo mararamdaman ang tensyon.

Naupo ako sa mahabang sofa saka binigay sakanya ang isang baso ng lemon juice at isang plato ng sandwich.

Mahabang katahimikan ang nanguna sa aming dalawa pero nang putulin nya iyon huminga ako ng malalim bago magsalita at sabihin na sakanya ang lahat.

Maximo deserves to know the truth. Ayoko naman na itago sakanya ang past relationship ko at yung rason ko kung bakit gusto kong layuan na ako ni Maximo.

Habang nagkukwento iba't-ibang reaksyon ang nakikita ko kay Maximo pero ang isang nangunguna sa lahat ay ang pagtataka.

Pinahid ko ang luhang tumulo saka hinarap si Maximo.

"M-Maximo........I'm sorry......because I'm scared to love you......but for you I will risk my heart again..."


Tumayo ako saka dumiretso na muna sa kwarto at doon tinago ang ilang luha na noon ko pa gustong ilabas pero yung iyak ko ngayon ay may halong kasiyahan dahil sa wakas ay para na akong nakawala sa nakaraan.


Siguro nga ito na din yung sinasabi nila sa akin na ilabas ko na lahat ng sakit na naramdaman ko noon para wala na akong isipin ngayon.


Nasa ala-ala ko pa din si Darick at may parte pa din sya sa akin pero syempre nandyan na si Maximo at ayoko naman na ikulong ang sarili ko sa nakaraan. Ayokong mawala si Maximo kaya hangga't maaari tapusin ko na ang issue ko.


Siguro naman hindi na mangyayari sakanya ang nangyari kay Darick noon dahil kung mangyari pa din iyon ngayon hindi ko na alam ang mangyayari sa akin..........

The Captain's Heart (Will go under major editing)Where stories live. Discover now