Chapter 36

593 11 0
                                    

Sabay kaming lumabas ni Paris sa kwarto nang biglang tumawag si mama mula sa labas. I still want more pero ayaw na ni Paris so I respect her.


Hinila ko ang isang upuan saka pinaupo doon si Paris saka ako naupo sa tabi nito. Napapansin ko pa din sakanya ang kaba pero hindi lang nya pinapahalata sa akin.

Hindi naman nangangain sila mama at isa pa ito ang unang beses ko magdala ng babae sa bahay at iharap sa mga magulang ko. Nagkakaroon din naman ako ng mga fling pero hanggang doon nalang iyon at hindi ko na sila dinadala sa bahay.

As I said.....Paris is different. Hindi ko sya tinignan as a fling kundi tinignan ko sya as my soon to be wife. Malapit na din ako mawala sa kalendaryo at sinisiguro ko na bago ako mawala sa kalendaryo ay may maipapakilala na ako sa mga magulang ko.


May kinukwento si mama about sa malaking lupa na gusto daw nilang bilhin dito para sa akin kaya sa huli ay nasaamin ang atensyon ng mga magulang ko dahil balak nila na makapagpatayo din ako ng bahay o kaya magamit ko iyon para mabigyan ng trabaho ang ilang tao dito.


Tinignan ko si Paris na tahimik lang sa kinakain na bbq at natigilan nalang din nang bigla syang tawagin ni mama.

"Nga pala Paris, alam ba ng father mo na kasama ka ni Madox?" Nagkatinginan kaming dalawa.

Hindi siya nagpaalam sa parents nya na pupunta kami dito sa SQ dahil ang sinabi lang nya ay magkakaroon sya ng project sa Bolinao uli at kailangan ko sumama pero base naman sa itsura ni Mr. Mondejar noong nagsabi si Paris ay parang may alam na ito pero hindi lang nagsasalita. He really love his daughter na dadating sa punta na mananahimik nalang ito para pagbigyan ang anak. I already talked to Mr. Mondejar at wala naman akong nakikita na kahit na anong pagtutol mula sakanya kaya para maibalik ang tiwala na binibigay nya sa akin ay aalagaan at mamahalin ko si Paris ng tunay. Nakakacringe man but this is my true feelings for his daughter.

"H-Hindi po ako nagpaalam.......but—-" Pinutol ko ang sasabihin nito dahil alam kong kinakabahan sya. Hinawakan ko ang kamay nya mula sa ilalim ng mesa.

"Nakausap ko na ang dad nya at alam ko na naman na may alam na ito kung saan kami pupunta—" Binalik ko ang tingin kay Paris saka pasimpleng kinindatan.


"Pero baka mamaya pagalitan ka nya anak. Ang dad ni Paris ang pinakamataas sainyo kaya baka mamaya-"

"Don't worry mom I can handle it. If her dad will give me a lot of push-ups then I will accept that until I will get her blessings for his daughter." Tinignan ko muli ang katabi ko na ngayon ay hindi na makatingin sa akin at hindi na din maitago ang pamumula nito.

Ngumiti ako. Shit! I really love this girl! Kung pwede lang siguro ay baka papakasalan ko na sya so I can own her.

Natapos ang early dinner namin at ngayon ay kami na ang nagpresinta ni Paris na magligpit. Sa una ay ayaw ni mama pero nagpumilit din ang kasama ko kaya sa huli ay nagpaubaya na din si mama.


Habang naghuhugas ng plato si Paris hindi ko mapigilan ang yakapin sya sa likod. Wala namang nakakakita sa amin dito dahil nasa tagong lugar ang hugasan at medyo madilim pa dito dahil hindi pa daw tapos ni papa na ipaayos ito.


I kiss her neck down to her shoulder pero hanggang doon lang iyon dahil bigla syang humarap sa akin saka pinahid ang mga bula sa kamay nya saka nagtuloy sa paghuhugas.


"Yang kalandian mo itigil mo muna yan kung ayaw mong ibuhos ko sayo lahat ng sabon dito." Tumawa ako ng mahina saka kinuha ang nga plato na tapos na nyang sabunan para banlawan ko na.


The Captain's Heart (Will go under major editing)Where stories live. Discover now