Chapter 8

926 24 0
                                    

"Sergeant Castañeda, in the north!" Tinuro ko ang norte kung saan pupwesto sila Damon at ang ilang sundalo. "Clean that area."

"Yes Captain!" Sumunod naman ang mga ito.

Mabilis at maingat ang bawat kilos namin dahil isang mali lang ay tiyak na masisira ang plano at may mapapahamak saamin.

Pinakiramdaman ko ang bawat galawan ng mga kalaban bago ako nag-utos ng susunod na gagawin. Each of us may mga earplug para makapag-usap kami without hassle.

Kailangan ko nang makipag-usap sa kateam ko kaya hinanda ko na ang sarili sa mga lintek na code name nila. Kahit nahihiya man akong sabihin ang mga code name dahil maririnig iyon ng lahat at kasama na din si Lt. Gen.Mondejar pero kailangan ko pa din gawin dahil trabaho ito at wala dapat kaming kinakahiya pagdating ng trabaho.

"Smoothy, ano na ang napapansin nyong galawan nila sa loob?" Fvck!

"Master, we already detect kung nasaan yung mga hostage. Pwede kayong dumaan sa likod dahil nakikita namin na tulog ang ilang bantay doon." Tumingin ako kila Murphy at tumango saka sumenyas na lalakad na kami.


Minanmanan namin ang galawan ng dalawang gising na bantay. Sinenyasan ko si Sergeant Vando A.k.a Vanie at si Sergeant Hipolito A.k.a. Jk. Agad nilang sinunod ang utos ko at wala pang tatlong minuto tumba agad ang dalawang bantay. Nang makatunog ang ilang natutulog na bantay agad kaming sumalakay.


Mabilis naming pinatumba ang mga bantay ng walang kagalos galos. Nanguna ako sa pagpasok sa mismong pinagtataguan nila. Isa itong abandonadong factory warehouse at base sa pagkakaalam ko matagal na itong inabandona ng may ari dahil wala na itong pera para ipagpatuloy ang negosyo. Dahil nasa gubat ang lugar na to' maraming masasamang tao na nagtatago dito dahil nasa malayo sa bayan ang warehouse na ito at puro mga puno at matataas na damo ang nakapalibot dito.

"Alpha team." Hindi na kami nagulat nang magsalita si Lieutenant General Mondejar. Lahat ng mission namin kahit private man ito o hindi ay lagi syang nakabantay para sa ilang impormasyon at utos na ibibigay nya saamin. "Kailangan nyong mailigtas ang mga hostage mula sa mga teroristang iyan kahit anong mangyari. Captain Arcega, wala pa naman akong nakikitang mali sa ginagawa nyo pero sana wag kang magpadalos dalos sa mga desisyon mo. As a captain sa iyo nakasalalay ang mission na ito dahil ikaw ang magiging commander nila dyan so do your duty to protect our country."

"Yes! Sir!" Nang mawala sa linya ang general agad akong gumawa ng plano sa isip ko.

Kailangan kong isipin na may mga hostage na pwedeng malagay sa panganib kapag nagkamali ako.

"Baby...." Fvck! Bakit ba kasi ganun ang code name ni Damon?! Mukha tuloy akong may jowang tinatawagan sa mission. This is a mission Arcega so be a CAPTAIN!

"Yes, Master?"

"Tapos nyo na bang maclear ang harap? Wala kaming naririnig na kahit na anong kaguluhan dito sa loob."

"Yes, master. We already clean the mess here."

"Okay, hintayin nyo ang senyas ko kung kelan kayo papasok."

"Yes, Ca-- este Master." Napailing nalang ako at sumenyas sa mga kasama ko na sisimulan na namin ang trabaho.

"Magma boy, doon ka sa may bandang--"

Nagtago kaming lahat nang may isang armadong lalaki na tumatakbo papalapit sa isang lalaki na hinihinala naming kanang kamay ng leader nila.

"Sir! May mga sundalo pong nagtatago dito!" Nanggigil ako nang marinig ang sinabi ng lalaking iyon.

Sinenyasan ko ang mga kasama ko ngayon at nagbigay din ng sign sa ibang grupo.

The Captain's Heart (Will go under major editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon