Chapter 34

597 16 0
                                    

Warning: SPG⚠️

Matapos kong malaman lahat ng relasyon nya kay Darick para akong nahimasmasan but at the same time I feel so guilty on what happened to him.

Tumingin ako sa pinto ng kwarto nang sumara ito matapos tumungo ni Paris doon. Siguro hahayaan ko na muna syang mapag-isa.

Darick is one of the most best friend of mine. Palagi kaming magkasama tuwing free time namin. Nang malaman ko ang nangyari sakanya matapos ang labanan ay para akong nanlumo at nainis sa sarili ko.

Dapat kasi nandoon ako..........

dahil ako dapat yung nandoon..........

I was injured after our training kaya sya ang pinadala sa private mission na iyon imbes na ako. He was shot three times and there is no one who will save him that time. They said I have a valid reason kung bakit hindi ako ang naipadala sa mission na yon pero sinisisi ko pa din ang sarili ko at nag-guilty pa din ako sa nangyari. He died because of me.

Ako dapat yung nandoon...........

Napatawad na ako ng pamilya ni Darick at sinabi nila sa akin noon na hindi ko naman kasalanan ang lahat dahil injured ako at wala namang may gusto sa nangyari...... pero kahit na anong sabihin ng mga tao sa paligid ko ay hindi ko pa din magawang mapatawad ang sarili ko sa nangyari.

Sinandal ko ang likod ko sa sofa saka huminga ng malalim at umiling upang matanggal lahat sa isip ko ang mga pangyayaring gusto ko nang alisin sa utak ko.

My friends are right. I need to move on too.......pero mukhang matatagalan iyon dahil kaibigan ko ang nawala sa akin.

Those 5 friends of mine that still here with me, I cherish them at hangga't maaari ay nilalayo ko sila sa lahat ng ikapapahamak nila. Alam ko ang trabaho namin at hindi namin alam ang pwedeng manyari sa susunod pero tuwing binibigyan ko sila ng kanya-kanyang utos ay sinisiguro ko na muna na maayos ang lahat at hindi sila malalagay sa panganib dahil ayaw ko na maulit ang nangyari noon.

Tumayo ako saka kinatok ang pinto ni Paris.

"Baby?"

"Baby, please answer me......." Kumatok akong muli saka naghintay na pagbuksan ako nito.


Oo, nakaramdam ako ng kaunting selos dahil sa hindi malamang dahilan. Alam ko naman na mas nauna nyang nakilala si Darick kaysa sa akin pero nakakaramdam pa din ako ng selos na dapat hindi ko maramdaman.


"Paris, I want to hug and kiss you so please let me in......"

Actually, Paris and I are not officially in a relationship dahil hindi pa ito handa sa ngayon at isa pa hinahanda palang nito ang sarili para iharap ako sa pamilya nya. Para sa akin kung kailan sya handa doon ako. Ayokong pilitin sya sa mga bagay-bagay dahil nirerespeto ko lahat ng desisyon nya.

Sabi nga ng iba......in a relationship you need to respect and be honest to your partner.

Ito ang una kong magkagirlfriend dahil wala naman sa isip ko ang mga ganoon noon. Pinipilit ako ng mga kaibigan ko na makipagdate pero lahat ng mga nakakadate ko ay hindi din tumatagal. May hinahanap kasi ako sa isang babae. Ayokong tignan ang babae bilang isang girlfriend ko lang ang gusto ko kasi makita sya as my wife at iyon ang hinahanap ko.


Hindi maganda ang unang encounter namin ni Paris pero mukhang tinamaan ako sakanya.


Umatras ako sa pinto nang bumukas ito at lumabas si Paris na namumugto ang mata. Ngumiti ako ng kaunti saka nilapitan ito ay niyakap.


The Captain's Heart (Will go under major editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon