Chapter 12

807 19 0
                                    


Tinanggal ko lahat ng saplot ko at nagbabad sa bathtub.

That girl........


Pumikit ako dahil sa inis nang maramdaman kong nag-iinit nanaman ang buo kong katawan. Ano bang meron sa katawan ko!


Hindi ko hinawakan ang aking pagkalalaki dahil pagod na akong magsariling sikap kaya hinintay ko nalang na huminahon iyon.


Umalis ako sa bathtub nang huminahon na ang alaga ko. Mabilis akong nagtapis ng tuwalya at lumabas ng banyo. Nagsuot ako ng boxer brief at  topless na humiga sa kama.


"Hmm...." Dinama ko ang malambot kong kama at kiniskis ang sarili ko doon.


Namiss ko talaga ang kama ko dahil wala namang ganto sa kampo.


Pipikit na sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kainis! Gabi na may nagtetext pa din!


From: Private Zapanta

Sir, bukas po pala pupunta ako dyan sa bahay nyo para ibigay yung wedding invitation namin ni Joanna. Salamat po.


Ikakasal na pala si Marky......sana all.


Binaba ko ang cellphone ko sa bedside table at pumikit na pero wala pang dalawang minuto ang nakalipas tumunog ulit ng sabay sabay ang cellphone ko.


Mukhang imbetado din yung mg makukulit kong team..........


Binuksan ko ang mensahe na nanggaling kay Gideon at ang tanong nito ay kung dadalo ba ako
sa kasal. Nagreply ako ng simpleng oo saka ko tinignan ang ibang mensahe. Parehas lang naman ang mga mensahe nila kaya copy paste lang ng reply ko kanina. Hindi ko na binasa ang ilang mensahe na nanggagaling lahat sa alpha team dahil kahit mahaba ang sinabi nila isa lang din naman ang sagot. Ang pinakahuli kong nireplyan ay si Damon. Hindi ko na binasa ang mensahe nya at nag-oo nalang ako pero ang hindi ko pagbasa sa mensahe nya ay labis kong pinagsisihan dahil hindi nya pala ako tinatanong kung sasama ba ako sa kasal kundi tinatanong nya ako kung bibili ba ako ng SPG things nya.


From: Damonmon

Sure ka captain! Woah! Wala ng bawian yan ahh! Yung offer ko sayo na bagay ay 5000 lang dahil nagpromise ako na may 50% discount ka saakin kapag bumilo ka at bundle na yon captain kaya hindi kana magsisi na bumili ka saakin. Goodnight Captain Maximo! Deliver ko nalang dyan yung binili mo bukas at isama ko na sila Murphy kasi pag-uusapan daw natin kung ano yung susuotin natin sa kasal ni Private Zapanta.


Napahampas nalang ako sa pader dahil wala ng bawian ang sinabi ko! Anong gagawin ko doon?! Wala naman akong girlfriend! Pangit naman kung ireregalo ko yon!


Pinangtalukbong ko ang unan sa aking mukha dahil sa sobrang hiya. Ano nalang kaya ang sasabihin ng ibang tao kapag nalaman nila na may ganon ako?

*

Maaga akong nagising dahil maaga ding nagsipuntahan ang mga kaibigan ko. Malalapit lang naman ang bahay namin sa isa't isa para kapag may pag-uusapan mabilis kaming nakakapunta sa lugar na iyon ng sama-sama. Hindi talaga kami lahat taga maynila lahat. Si Murphy ang pinakamalayo saamin dahil taga Cebu ito. Minsan dito natutulog iyon kapag ayaw nya sa apartment nya dahil tuwing uuwi daw sya laging may kantahan sa kapitbahay nya at hindi daw sya makatulog ng maayos. Ayos lang naman saakin na matulog sila dito sa bahay dahil mag-isa lang din naman ako dito at para may nakakausap din ako dito.


"Kumain na kayo ng umagahan?" Tanong ko dito nang makababa ako. Tumango ang mga ito.


"Nagbreakfast kami sa jollibee" Bida nga talaga ang saya kay Murphy.


The Captain's Heart (Will go under major editing)Where stories live. Discover now