Chapter 21

670 16 0
                                    

Fvck! Di sya sumasagot!

I just want to talk to her and say sorry again. I don't know pero nag-aalala din ako sakanya. Not because I'm not sure kung may magbubunga ba sa ginawa namin pero may nararamdaman kasi ako.


Tinignan ko ang buong team ko saka binalik na ang cellphone sa bag. Hindi dapat ako nagbubukas ng telepono ngayon lalo na't patungo kami ngayon sa misyon namin pero hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko.


Tumigil ang sasakyan namin sa isang lugar na hindi na gaano nadadaanan ng mga tao. Nauna akong bumaba ng sasakyan at kinumpirma ang lugar.

Ito na nga yon.

Sinenyasan ko ang lahat na magsibaba na at humanda na sa magiging misyon namin. Tinignan ko isa-isa ang alpha team. Alam na nila kung ano ang nais kong iparating sakanila kaya hindi na ako nagsalita pa.


Binigyan ko na sila ng kanya-kanyang ruta at hindi pa kami nakakapasok sa mapunong lugar ay bigla agad kaming sinalubong ng dalawang sugatan na sundalo. Sinenyasan ko si Private Castro at Private Del Rosario na alalayan ang dalawang sundalo. Lumapit ako sa mga iyon ay nakita ko agad ang tama ng baril sa hita ng isang sundalo.


"Dalhin nyo na yan sa truck at gamutin."

Tinanong ko ang isang sundalo na nakilala ko na si Private Hernandez. Ang grupo nila ay ang unang pinadala dito.

"Nasaan ang ibang kasamahan mo?" Kahit na may hiwa din ito sa kanang braso pinilit nitong ituro ang kanlurang bahagi ng gubat.


Sinenyasan ko sila Murphy na manguna sa iba pa naming kamiyembro. Iniba ko ang ruta ng ibang sundalo para hindi kami magkumpulan sa isang lugar.


Tinungo ko ang kanlurang bahagi ng gubat at hindi pa ako nakakailang hakbang nang makarinig ako ng sunod-sunod na putok ng baril. Tinakbo ko ang lugar kung saan nagmumula ang putukan at nakita ko ang tatlong sundalo at apat na miyembro ng kalaban namin.


Nagtago ako sa may likuran ng malaking puno para hindi ako mapansin. Mabilis akong umisip ng paraan kung paano ko matutulungan ang mga kapwa ko sundalo na makatakas sa pagcorner sakanila ng mga armadong lalaki.

"Master, this is burrito. I received a call from Lieutenant General Mondejar. I will connect him to you" Who the fuck is burrito? But I don't care who he is because we're in the middle of the battle and there is no place for me to be curious about their codenames.


Habang nagtatago ako nakita ko na din ang iba pang sundalo na nagtatago din at naghihintay ng senyas ko upang umatake. Tinignan ko ang nangyayari at masyado pang delikado dahil pwedeng may masaktan na sundalo kapag sumalakay kami agad.

("Arcega. Just hear what I am going to say and don't you dare to reply on what I'm going yo say.") Tumango ako dahil ito lang ang pwede kong magawa .


("Use the back up plan and don't hesitate to do all decisions in your mind because I trust you Arcega that you can make it.")


As a captain I will do everything just to protect my team and my country.


Sinenyasan ko ang si ang dalawang una kong nakitang sundalo at naintindihan naman nila ang nais kong iparating kaya nang sumenyas akong muli ay naging mabilis ang pangyayari. Nagkaroon ng putukan sa gitna ng mga sundalo at mga rebelde.

Lalakad na sana ako patungo sa mga armadong lalaki nang biglang may nagpaputok sa lugar kung nasaan kami.

"Captain!" Nagtaka ako nang sumigaw si Murphy pero huli na nang mapagtanto ko kung bakit ito sumigaw.

Napaluhod ako nang maramdaman ang tama ng baril sa biyas at braso ko. Fvck! Gusto ko tumayo pero hindi kaya ng kanan kong paa at hindi ko naman matungkod ang isa kong kamay dahil may tama din iyon.

Sinenyasan ko ang mga bata ko na wag na akong alalahanin at ituloy lang nila ang laban dahil sa oras na tumigil ang mga ito dahil sa pag-aalala saakin tiyak na patay kaming lahat. Tinulungan ako ng isa pang sundalo na sugatan din pero hindi gaano upang magtago.

Habang patungo kami sa pwedeng pagtaguan labis ang hiya ko sa sarili at sa lahat ng kasamahan ko dahil kapitan ako pero wala akong nagawa sa mission na ito.

Naupo kami sa madamong lugar at doon naglinis ng sugat. Tinakpan ko ng tela ang sarili kong tama. Habang patuloy akong naglilinis ng sugat patuloy ko ding nilalabanan ang hilo ko. Alam kong madami na din ang lumabas na dugo sa katawan ko pero hindi dapat ako mawalan ng malay dahil may nakaasa pa din saakin. Kailangan kong labanan ang hilo ko kahit kaunting tulak nalang saakin ay tiyak na mawawalan na ako ng malay. Ayokong maging pabigat sa mga sundalong sumasabak pa din pahanggang ngayon sa gyera.

"Capt.Arcega, namumutla na po kayo. Tara na po at daalhin ko na kayo sa sasakyan natin. Huwag nyo na po alalahanin ang iba dahil tiyak na mananalo tayo sa laban na to'." Umiling ako.

"Kapitan, kung magmamatigas kayo baka ikamatay nyo ito. Marami na ang nawalang dugo sainyo kaya kung ikamamatay nyo yan tiyak na mamamatay din ang puso ng team." Napangisi ako sa sinabi ni Private Jimenez. Naiinintindihan ko ang gusto nyang iparating kaya imbes na magmatigas pa muli sumama nalang din ako dahil tanggap ko naman na din na wala na akong magagawa sa mission na to' dahil sugatan na ako at hindi na kayang lumaban ng katawan ko. Gusto ko man lumaban pero ayaw naman nila akong hayaan.

Binigyan ko ng tawag ang isa sa katiwala ko na sya na muna ang pansamantalang kapitan sa misyon na agad naman nitong tinanggap.

"Mag-ingat kayo....."


"Yes! Captain! Mag-ingat din kayo." Pagkatapos non ay pinilit ko na lumakad patungo sa sasakyan kung saan pwede akong gamutin.


Nang makarating kami sa sasakyan tinulungan ako ng kasama ko na mahiga at balak ko na sanang abutin pa ang telepono kong nakatago pero sa kamaang palad nagiging malabo at gumagalaw na ang paningin ko dahil sa labis na kawalan ng dugo at sakit ng tama ng baril sa katawan ko. Sesenyasan ko pa sana si Jimenez pero huli na ang lahat at bumagsak na ang katawan ko at wala na akong marinig sa paligid.

The Captain's Heart (Will go under major editing)Where stories live. Discover now