Chapter 24

672 16 0
                                    

Tanghali na ako nang magising dahil sa puyat. Tinotoo naman ng lalaki ang sinabi nya kagabi na hindi naman nila ako gagalawin. Kasalukuyan akong kumakain ng tanghalian habang katapat ang babaeng hindi ko malaman kung ano bang mali ang nagawa ko sakanya. Kung makatingin kasi sya sa akin para na nya akong kakatayin ng buhay.


"Bakit ganyan ka makatingin?" Maarte kong sambit dahil naiirita na ako sa tingin nito.


"Bakit bawal kita tignan?" Aba!! Lumalaban pa! Ibabato ko na sana dito ang tinidor dahil punong-puno na talaga ako buti nalang dumating si Mr.Villavega kasabay ang asong cute pero malaki.


"Gising kana pala." Tumango ako dito saka naghintay sa susunod nitong sasabihin. "Handa na yung sasakyan sa labas kaya pagkatapos mong kumain at mag-ayos pwede kana makaalis." Tumango-tango ako pero agad din namang kumunot ang aking noo dahil hanggang ngayon ay hindi pa din nya nasasabi ang nais nya sa akin.


"Bakit mo nga pala ako dinala dito?" Tinigil ko ang pagkain saka hinarap ito ng seryoso. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nalalaman ang nais nito dahil baka mamaya ay masama pala iyon at ikamatay ko pa kaya masmaganda malaman ko agad ang lahat para makapag-ingat.

"Important reasons...."

"Ano namang important reasons yon?"

"I can't tell you...."

"Why..."


"Because it's private so stop asking me that damn question anymore because it's useless." Napairap nalamang ako saka binalik ang atensyon sa masarap na tanghalian.


Gusto kong tumingin kung saan-saan habang kumakain pero baka mawalan lang ako ng gana dahil makikita ko ang babaeng kanina pa walang ginawa kundi samaan ako ng tingin.


Mabilis kong inubos ang pagkain ko saka nagmadali nang mag-ayos ng sarili dahil excited na akong umuwi sa bahay. Sigurado ako na may mga nag-aalala na sa akin pero ieexplain ko nalang dahil sigurado na hindi naman ako pagtatanggol ng lalaki na nandito. 


Inayos ko ang sarili ko para kahit papaano ay fresh akong babalik. Pagkalabas ko ng kwarto halos muntikan akong mapatalon dahil sa babaeng kaharap ko ngayon.


"Phone mo" Sambit nito habang nakataas pa ang kilay. 


Kinuha ko ang phone ko saka inirapan ito. Wala naman kasi akong ginagagawa sa babaeng yon tapos lakas lang ng trip nya magsungit. Umalis na ito sa harap ko matapos umirap muli. Hindi ko nalang pinansin ang ginawa ng babae dahil baka mamaya kulang lang sa pansin. Binuksan ko ang phone ko at napamura ako ng mapansin na ayaw nitong bumukas. Pinilit ko pa ng isang beses ang pagbukas pero wala talagang nangyayari at nananatili lang ito na nakapatay. Wala akog nagawa kundi ang magtungo na laman sa sala at naabutan ko doon ang bag ko na agad kong kinalkal dahil may mga gamit ako doon na importante at kapag nawala yon patay na.


Nakahinga ako ng maluwag nang makita na wala namang nawawala kahit isa doon. Kinuha ko ang isang extra phone ko at nagbabakasakali na makakatulong iyon sa akin pero nang mapansin ko na nakapatay at hindi din ito bumubukas halos muntikan ko na ibato ang cellphone na hawak ko.

The Captain's Heart (Will go under major editing)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora