Special Chapter #2.1

575 12 2
                                    

Maaga akong nagising ngunit masmaaga pa din magising ang mga katabi ko. Yes, I sleep with them and no explanation for that.

Inayos ko ang hinigaan namin saka ako nagtungo sa banyo upang maghilamos bago lumabas ng kwarto.

I saw my child alone at his playpen kaya nagtungo ako roon at hinalikan ito as a sign of good morning. He smile at me and kiss me on my cheek.

"Love you mimmi!" Ngumiti ako sa paglalambing nito.

"I love you too baby!" Hinayaan ko na ito maglaro saka nagtungo sa kusina dahil may naamoy ako na parang nasusunog.

Pagkarating ko sa kitchen ay bumungad agad sa akin si Maximo na naka busangot at nakatingin sa nasunog na tinapay.

"Anong ginawa mo?" Sambit ko saka lumapit dito.

"Nagtoast kasi ako ng bread pero bigla kasi may tumawag sa akin. Ayon hindi ko nabantayan kaya nasunog...." Napairap na lamang ako saka tinignan ang iba pang pagkain. Maayos naman ang pagkakaluto ng iba ngunit doon lang siya nagkamali sa toasted bread na ginawa niya.

"Ako nalang dito sa bread. Kunin mo na lang si Axis doon para makakain na tayo." Akala ko kasi ay wala pang naluluto kaya hindi ko muna dinala si Axis dahil baka maglaro lang ng kung ano-ano.

This is Maximo's house kaya hindi ko siya pinapakealaman sa mga pinaggagawa niya dito sa bahay.

Noong nag-aayos palang kami nila mommy para titirahan at sa panganganak ko ay napag-usapan na namin lahat including the parents of Maximo ang about sa bahay ni Maximo. Gusto nila na dito kami tumira ng anak ko dahil ito daw ang natitirang pinaka ala-ala ni Maximo sa lahat. Noong una ay umayaw ako dahil hindi pa naman kami kasal ni Maximo pero pinapilitan ng mga magulang niya na sa amin talaga mapunta ang bahay at nasa akin din ang huling ala-ala nito which is ang anak namin.

Hindi naging madali ang mga unang buwan na pagtira ko dito dahil dala dala ko pa din ang ala-ala niya lalo na tuwing pumupunta ako sa kwarto nito. Hindi ako natutulog sa kwarto ni Maximo dahil baka iyak lang ang gawin ko palagi kapag nandoon ako. Hindi naman ako mag-isa sa bahay dahil palagi ko kasama ang parents ni Maximo or kaya sila mommy dahil nag-aalala sila sa kalagayan ko noon. Doon ako natutulog sa isang guest room kasama ko si mommy at sila tita Maricris naman sa kwarto ni Maximo.

After a few months, napagdesisyonan ko na sa kwarto na ni Maximo matulog dahil alam ko na sa sarili ko na kaya ko na. First night ko doon ay para akong tanga dahil tinatakot ko pa ang sarili ko na baka mamaya katabi ko siya, pero hindi din nagtagal ay nasanay na ako hanggang sa maipanganak ko si Axis.

*

Kumain na kami matapos ko gawin ang toasted bread. Magana kumain si Axis lalo na sa toated bread na lalagyan mo ng ham and cheese. Mahilig din naman siya sa rice pero dahil nakita niya na may ham ay nagpagala na ito agad ng sandwich sa tatay niya.

Marami akong kinain for the breakfast because it is the most important meal for the day. Sometimes kasi isang sandok ng rice or vegetable salad lang kinakain ko for lunch pero pagdating kay Axis ay dapat palagi siya kumain ng rice.

"Mimi!" Tinignan ko ang anak ko. Pinapatanggal nito ang lettuce na nilagay ni Maximo sa bread niya.

"Eat that. Lettuce lang yan Axis kaya kainin mo yan."  Umiling ito.

"Guto ko iwalay po!" Huminga ako ng malalim. Naalala ko na may pagkakambing din ang anak ko dahil minsan gusto niya sa mga gulay ay fresh pa at hindi pa nalalagay sa mismong pagkain.

Kinuha ko ang inabot nitong lettuce na may mayo na saka inabutan ito ng fresh lettuce at iyon ang kinain niya kasabay ng hawak niyang sandwich. Ubos na niya ang rice niya sa plato kaya sandwich naman ang inasikaso.

The Captain's Heart (Will go under major editing)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt