Chapter 38

583 16 0
                                    

-Update again! Dahil ayoko kayong bitinin sa Let's talk privately ni Kapitan Arcega kaya itutuloy ko na!😂 Pero after ng update ko today ay hindi ko nanaman alam kung kailan ako makakapag update uli pero kung gusto nyo ako mag-update agad bigyan nyo ako ng magandang rason😂😂 CHAROT!

Enjoy Reading!

—————————————————-
"I don't want you to drink pero ginawa mo pa din! Yes, I respect you but please stop drinking dahil sobra sobra na yung mga nainom mo noon...... you can drink pero kaunti lang...."


"Wala pa naman namamatay sa pag-inom ahh."

"What?! Ano gusto mo? Hintayin mo pa mamatay ka bago ka maniwala? At isa pa may namamatay na dahil sa pag-iinom." Tumayo ako saka sinalubong ang matatalas na tingin ni Maximo.

Nababanas na talaga ako pero pinipigilan ko lang ang sarili ko na saktan sya dahil una hindi naman ko nananakit at pangalawa alam ko naman na may mali ako kaya bakit ako mananakit?


"Babalik tayo doon pero hindi kana tatanggap ng isa pang shot ng alak kasi kapag nakita pa kita na uminom ule pwes uuwi na talaga tayo." Tumayo ito saka lumabas ng kwarto. Sumunod naman ako.


"Hey! Wala naman akong ginagawang mali ahh!"


"You are drinking! Paano kung malasing ka?"

"I'm not! Hindi agad ako nalalasing—-"

"Enough Paris. Kung ano ang desisyon ko yun na yon."

"How about me? Hindi mo ba tatanungin yung desisyon ko?"

"What?" Shit! Naiinis na talaga ako!

"Ayaw ko munang umuwi." Tumingin lang ito saka nagdirediretsong umalis na din. Sumunod uli ako hanggang sa makarating kami sa sasakyan ay pinagbuksan nanaman nya ako ng pinto. So yun lang ang pag-uusapan namin?!


Hinintay ko syang makapasok ng sasakyan at paandarin ito. Ang akala ko ay babalik na kami sa Dipalo River pero nang mapansin ko na ibang daan ang tinatahak namin ay nagpanic ako.


"Maximo! Saan mo ko dadalhin? Wag mong sabihing uuwi na tayo?!" Hindi ako nito pinansin kaya maslalong dumami ang sumasagi sa isipan ko.


"Hey! Answer me or else tatalon ako dito sa sasakyan mo!"


"The door is locked."

"I don't care! Edi sirain ko nalang itong sasakyan mo!" Muntikan akong mahulog sa inuupuan ko nang bigla nyang itigil ang sasakyan. Shit! Bakit kasi nakalimutan kong magseatbelt!

"Hindi pa tayo uuwi." Nagmaneho uli ito at dahil ayaw ko na din makipagsigawan pa sakanya ay tumahimik nalang din ako.


Tumigil kami sa parang ginagawang malaking bahay na nandito pa din sa Nangapugan. Naunang bumaba si Maximo saka naglabas ng payong at pinagbuksan pa din ako. Tignan mo to' mahal pa din ako.

Bumaba ako ng sasakyan at akala ko sya ang maghahawak ng payong para sa akin pero nagkakamali ako kaya babawiin ko na ang sinabi ko kanina.


"Thank you!" Sarkastiko kong sinabi.


"Welcome." Aba! Lumalaban!


Sige mag gera nalang kami.......pero ako pa din talo. Inuman nalang kaya para kung sino unang mamatay edi sya talo.



Nag-ala buntot nanaman ako at sinundan sya patungo sa mga naggagawa ng bahay. Tuloy tuloy lang ang lakad ko at hindi pinapansin ang mga nadadaanan kaya sa huli ay natapilok ako dahil sa malaking bato na hindi ko pinansin kanina. Napaluhod ako saka minasahe ang nananakit kong paa.



The Captain's Heart (Will go under major editing)Where stories live. Discover now