Chapter 48

480 15 4
                                    

Ayoko na maglagay ng date dahil hindi ko naman tinutuloy😂
———————————————————————-

Naupo ako sa sofa habang hinihintay ang pinadeliver ko na food. Katatapos ko lang kumain kanina ng dinner pero ginugutom nanaman ako kaya hindi nanaman ako mapakali kanina.

Natatawa nga si mommy dahil palakas na ako ng palakas kumain kung kaya dala din siya ng dala ng mga pagkain dito. Minabuti ko na muna kasi na hindi pumasok para less stress. Ayaw ko naman kasi i-risk ang buhay ng baby dahil lang sa pinaggagawa ko. Ang trabaho ko ay nandyan lang pero kapag baby ang nawala hindi ko na mababalik ang buhay niya kahit maglumpasay pa ako kung saan-saan.


Nagpaplano na din ako sabihin ang totoo kay Maximo bago ko sabihin kay daddy dahil hindi din kasi ako mapakali kapag may hindi ako nasasabi. Ayoko na patagalin ang lahat at malaman pa nila sa iba dahil maslalo lang magkakagulo. Alam ko at ni mommy ang ugali ng tatay ko kaya minsan sinasabihan din ako ng nanay ko na wag nang patagalin yung sikreto na toh. Ayoko naman na talaga patagil pero gusto ko muna sabihin kay Maximo bago kay daddy para isahang sagutan with daddy nalang ang mangyari.


Sinandal ko ang likod ko sa sofa saka tinatamad na hinawakan ang tiyan ko.


"Baby, last na kain na natin ito for today. Bukas naman para makapagpahinga na si mommy, okay?" Sabi ng nanay ko kausapin ko daw paminsan-minsan yung baby para magkasundo kami. Natatawa man akong isipin pero ginagawa ko pa din.


Ngumiti ako pero maslalong gumanda ang ngiti ko nang marinig ang doorbell. Ayan na siya!!! Kinuha ko ang cash ko sa wallet saka nagmamadaling tumungo sa pinto. Cash on delivery kasi ang napindot ko imbes na debit card para less hassle.


Binuksan ko ang pinto at muntikan na akong mapamura nang makita kung sino ang nagdeliver ng pagkain.


"Hi, baby. Papunta kasi ako dito tapos nakasabay ko papasok yung delivery boy. Tumigil siya doon sa guard kasi tinanong kung kanino dadalhin tapos narinig ko yung pangalan mo kaya lumapit ako sa kaniya at ako na yung nag-akyat." Nangingiti akong tumingin dito at sa pagkain na naaamoy ko na.


"COD yan. Nabayaran mo na ba?"


"Of course. Binigyan ko pa nga ng tip yung delivery boy." Natawa ako nang makita ang itsura nitong bilib na bilib sa sarili. Siguro malaki ang binigay na tip kaya grabe ang bilib niya sa sarili.


"Pasok ka." Niluwagan ko ang bukas ng pinto para makapasok na ito.


Pinadiretso ko sa kaniya yung pagkain sa dining saka inabot ko sa kaniya ang bayad ko na kinakunot naman ng noo niya.


"Para saan toh?" Tinaasan ko kang siya ng kilay saka kumuha agad ng pagkain saka binuksan ang TV.


"I never ask you to pay. Treat ko na ito sayo." Kinuha niya ang wallet ko na nasa coffee table saka binalik doon ang pera. Hindi ko na masyadong pinansin yung ginawa niya dahil masyado akong busy kumain.


Kumuha siya ng burger at spaghetti sa paperbag saka tahimik na kumain. Tinitigan ko lang ang ginawa niya dahil isa lang ang binili kong spaghetti pero kinuha niya. Para akong naluluha na tinitignan kung paano siya kumain ng spaghetti. Masyado syang tutok sa TV kaya hindi niya napapansin ang tingin ko kaya binaba ko na muna ang kinakain ko na burger saka tuna pie at tinitigan lang siya. Malaki siya kung kumain kaya unti-unti akong nanlumo nang makita na unti nalang ang natira at pinagsabay-sabay niya pa kainin yung tatlong sausage na kinahinayang ko pa lalo. Wala na finish.


Kunot noo niya akong nilingon saka binaba nilagay na sa isang paper bag yung lagayan niya ng spaghetti na ubos na.


"Why?" Tinignan ko lang siya saka pinahid ang butil ng luha na nasa gilid na ng mata ko at malapit nang tumulo.

The Captain's Heart (Will go under major editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon