Epilogue

928 16 4
                                    

-Before you read this last chapter, I would like to thank all the readers and also my loyal readers who give so much inspiration to me and I will dedicate this last chapter to all of you! Thank you again and have a nice day!

Enjoy reading😊

————————————————————————

2 years later...........

Nagmamadali akong tumungo sa opisina upang gawin ang mga hindi ko natapos na design for the upcoming fashion month in Paris. End of the month gaganapin ang fashion month at one week nalang ay dapat tapos ko na ang lahat para mapadala ko na ang mga design ko.

Matagal ako nawala sa fashion industry due to my pregnancy and mental health. Akala ko noong natapos na ang lahat ay mapapadali na ang pagmomove-on ko ngunit nangkakamali ako dahil maslalo ako nahirapan magmove on lalo na't palagi ko napapanaginipan si Maximo at pinaglihian ko din ang picture niya. Nahirapan sila mommy noong panahong iyon dahil panay ang hanap ko sa mga gamit na may kinalaman kay Maximo pero sa lahat ng gamit ay paboritong pabango lang ni Maximo ang nagpapatigil sa akin kaya tuwing hindi ko naaamoy ang pabangong iyon ay nagwawala ako kaya palaging alerto sila mommy at kapag nawala ang amoy ay agad sila nags-spray ng pabango.


Miserable ang buhay ko pagkatapos ng mga pangyayari pero nawala ang mga iyon noong naisilang ko na ang anak ko. Nagsilang ako ng isang healthy baby boy na pinangalanan ko ng Axis short for Max Israel Arcega. Noong pinanganak ko siya ay kinakabahan ako dahil baka magkaroon siya ng sakit o kung anuman dahil ilang beses din akong dinugo noong pinagbubuntis ko palang siya but thanks to God dahil maayos naman siya at malusog.


"Ms.Paris, nadeliver na po yung ilang materials na gagamitin at tatlo nalang po ang hinihintay pero kanina tumawag sa akin yung magdedeliver na ngayon na daw po niya idedeliver yung atin." Tumango ako saka nginitian ang sekretarya ko slash ninang din ng anak ko.


Wala akong halos na kaibigan kaya noong pinapili ako ng ninang at ninong ng anak ko ay pinili ko ang mga taong madalas kong nakakasama at mga taong nandyan tuwing kailangan ko sila. Para sa ninong naman ay pinili ko ang nag-iisang kaibigan ni Maximo na nakaligtas sa pagsabog which is Lennon. Nauna daw siyang umalis noon kesa sa mga kaibigan  niya na naiwan para isakay ang mga nahuli nilang rebelde at kasama na doon ang leader ng grupo. May tama siya ng baril sa binti kaya minabuti daw na paunahin na siya upang sa gayon ay maagapan ang tama niya at hindi daw niya alam na iyon na pala ang huling kita niya sa mga kaibigan niya.

Tinapos ko ang pagkukulay sa huling design na gagawin ko dahil mamaya ay dapat ko na siya maibigay at pupunta pa ako sa gawaan para mamonitor at gawin ang dapat kong gawin doon.


"Ms.Paris."

"Yes?" Tinuloy ko lang ang pagkukulay dahil malapit na ako matapos.

"Mommy niyo po tumawag..." Tinignan ko ang sekretarya ko saka inabot ang cellphone.

Pagkalagay ko sa tenga ko ng cellphone ay rinig ko agad ang sigaw ng anak ko sa background.

("Anak...") Kinabahan ako.


"Anong nangyayari mommy?" Tinigil ko ang pagkukulay at tinuon ang atensyon ko sa katawag.

("Kanina pa kasi nagwawala si Axis pagkagising palang niya. Kanina pa ako nagtataka at yung daddy mo naman ay hindi na alam ang gagawin para mapatahan si Axis. Sigaw kasi ng sigaw ng mommy ehh alam naman namin na may ginagawa ka kaya ayaw ka naman namin maistorbo—")


"No mommy. Okay lang, dalhin niyo dito si Axis at ako nalang po ang bahala." Patuloy ko pa din naririnig ang anak ko na sigaw ng sigaw ng mommy kaya nagpasya nalang ako na dalhin nila dito ang bata dahil baka hindi titigil iyon hangga't hindi ako nakikita. Iniwan ko kasi kila mommy ng tulog dahil hindi ako makakaalis kapag gising siya dahil gusto palagi kasama. Tuwing busy sila mommy ang parents naman ni Maximo ang nagbabantay kaya nagpapasalamat ako dahil hanggang ngayon ay hindi nila ako pinapabayaan lahat.

The Captain's Heart (Will go under major editing)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum