Chapter 16

718 17 0
                                    

Shit! Fvck! Nakakainis! Kung pwede lang sabihin ko na lahat ng bad words para lang malabas ko ang galit ko pero wala pa ding magagawa yon!


Kinalma ko ang sarili ko dahil baka makita ako ng ibang tao na namomroblema. I'm Paris Mondejar at bihira makita saakin ang problema kaya kailangan ko kumalma dahil baka mamaya kung ano ang lumabas sa news tungkol sa nangyari dito.


"Dalia!" Tawag ko sa sekretarya ko na halata na din ang problema sa mukha. "Kumalma ka muna. Tawagan mo ang managers ng mga napili kong model at tanungin mo sakanila na kung BAKIT NAAGAWA SAATIN NG IBON NA YON ANG MGA MODELS KO!!" Ivon talaga ang pangalan ng mang-aagaw pero dahil sa ginawa nya mukha na syang ibon sa paningin ko. Maganda ang pangalan nya at bet ko yon pero yung ugali nya ang hindi ko bet.


"Yes po madam." Dali-dali nang umalis ang secretary ko at ako naman dito sa back stage ay napapahilamos nalang dahil walang model ang natira saakin.


Tinawagan ko ang kakilala kong mataas din ang katungkulan sa MMA para magpatulong dito na magpull-out ng ilang models para magpresent ng gawa ko. Wala na akong pake kung juniors palang basta kayang ipresent ang designs ko. Kapag natapos talaga itong event na to' kakalbuhin ko talaga si Ivon!


Inayos ko ang mga swim wear saka pinagbantay ang isa ko pang assistant at dalawa kong body guard na pinadala ni daddy sa pwesto namin.
Nang makalabas ako agad sumalubong saakin ang napakalamig na simoy ng hangin at ang masarap sa tenga na tunog ng pag-alon ng tubig sa dagat.


Gusto ko magrelax na muna pero hindi ko magawa kasi nga madami pa akong problema dito sa event. Akala ko kasi magiging maayos ang magaganap na event at wala nang mangyayaring nakawan kahit nandito sa Ivon dahil napakatahimik naman nya these past few days kaya naging kampante ako sa lahat at hindi ko na ginawa pang magdouble check sa lahat. Nasecure ko nga na hindi mawawala saakin ang mga designs ko pero yung mga models ko naman ang nawawala ngayon.


"Ms.Mondejar, nalaman po namin ang nangyari sainyo kaya po ginagawan na namin ng paraan ang problema nyo. Busy po ang lahat ng tao ngayon kaya kaunting pasensya lang po." Tinaasan ko ng kilay ang lalaking kaharap ko.


"Pasensya?! Alam kong busy lahat ng tao dito at ako din! Ninakaw ang mga models ko! Sino sa tingin nyo ang magmomodel na sa mga ginawa kong designs! This is a big event at ayokong pumalpak dito! Ngayon lang nangyari saakin ang ganito so please tulungan nyo ako na ibalik lahat ng models na pinili ko saakin." Ayokong umiyak sa harapan nila dahil hindi ko naman sila kilala at ayokong may makakitang iba saakin na umiiyak.


Nagpaalam na ang security team saakin at ang isang manager na kasama nila. Bumalik na ako sa loob ng tent dahil wala namang mangyayari kung magmumukmok lang ako sa labas.


Sumipsip ako sa iced coffee na kanina ko pa pinagawa sa secretary ko. Hindi na sya gaanong malamig pero ayos lang naman. Pinaypayan ko gamit ang aking kamay ang sarili ko dahil naiinip na ako. 2 hours nalang at magsisimula na ang event at hanggang ngayon wala pa din akong models. Kailangan nila mag-ayos at hindi kaya ng 2 oras lang ang pag-aayos!


"Ms.Mondejar, dalawang lalaki at dalawang babaeng models lang po ang nakuha namin....." Napamura ako ng mahina nang makita ang aapat lang na models.


"Marami akong designs na hinanda! Hindi kaya ng apat lang ang dami ng designs ko!!" Gusto ko na talaga maglumpasay sa inis at galit. Malilintikan talaga saakin ang Ivon na yon kapag nagkita kami mamaya.


Tinignan ko ang assistant at secretary ko. Alam kong hindi pwede itong gagawin ko dahil kailangan ko din ang dalawang ito pero no choice na talaga ako at isa pa maganda at sexy naman ang dalawa kaya pwede na din.


The Captain's Heart (Will go under major editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon