Chapter 20

743 15 0
                                    

"What?! Wag mo sabihing na-fuck and run ka ghorl?!" Napairap ako sa sinabi ng kaibigan ko.

"Ang ingay mo! Nandito tayo sa café tas yang bunganga mo pang-announcer sa boxing!"


"Okay sorry na sorry na! Mukha ka nang papatay ehh! Btw, back to our topic......nafuck and run ka?" Pabulong na ang pagsabi nya sa huli pero nabwiset pa din ako dahil nakakahiya!


"Hindi naman nya ako tinakbuhan!" Ngumuso ito na parang hindi naniniwala.


"Paano mo nasabi? May ebidensya ka?" Hindi ako umimik. Wala akong ebindensya pero alam ko na hindi ako tinakbuhan dahil noong nagising ako nasa tabi ko pa din naman sya at alam ko kung nasaan sya ngayon. He's a soldier so he need to do his job.


"Nadiligan ka, paano kung may sumibol?!" Kunot noo kong tinignan ang kaibigan ko na mukhang tsismosa na sa kanto.


"Sumibol? Ano naman ang sisibol?" Sumandal ito sa upuan saka umirap.

"Edi ano pa, edi bata! baka may sumibol na bata na dyan sa tiyan mo lukaret ka!" Napahawak ako bigla sa tiyan ko at kinain ng kaba.

Hindi pwede.........

"Base sa nakikita ko sayo Paris.......mukhang hindi kayo gumamit ng mahiwagang condom....." I bit my lip.


I'm not sure what will happen next but Ofcourse there's a possibility na mabuntis ako because we don't use any protection.

Nagkatinginan kami ng kaibigan ko at mukhang alam naman nya na miserable ako ngayon kaya nanahimik nalang.

Sumimsim ako sa binili kong frappe saka tinitigan lamang ang isang slice ng carrot cake sa harap ko.


Carrot cake is one of my favorite cake pero dahil nga sa problema ko nawalan ako ng mood na kainin ito.

"Paris....." Inangat ko ang aking tingin sa kaibigan ko na titig na titig saakin.

"Yes?"

"What if mabuntis ka.......Sasabihin mo ba kay Maximo?" Napatanga ako sa sinabi nito.

Umiling ako. "I don't know....."

"Mygosh Paris! Baka mapatay sya ng daddy mo kapag nalaman nila na nabuntis ka ng taong hindi mo naman gaanong kilala—"


"I'm not pregnant!" Tumigil kaming dalawa. Nirelax ko na muna ang sarili ko dahil nap-pressure na ako ngayon.


"Fine, as your bestfriend maaasahan mo naman ako pagdating sa secret. Don't worry I will zip my mouth." Umakto pa ang kaibigan ko na parang nagzizipper at saka nagthumbs up.


Tumango ako at napahilamos nalang sa mukha. Kung sa iba hindi ito gaanong big deal but for me big deal ito dahil nakasalalay dito ang career ko. Paano kung mabuntis nya ako? Hindi kami gumamit ng proteksyon kaya may posibilidad na magbunga ang pagkakamali namin. Hindi ko naman maitatago ang pagbubuntis ko kung mangyari iyon dahil lalaki at lalaki ang tiyan ko at isa pa wala sa isip ko na ipalaglag ang bata. Kung binigay saakin ang Diyos ito tatanggapin ko.


Sabay na kaming umalis ni Avie dahil meron pa akong pupuntahang meeting at yung kaibigan ko naman ay may lakad din kung saan.


"Bye!" Matinis na bati nito. Ngumiti lamang ako pabalik dahil wala ako masyado sa mood at kilala naman ako ni Avie kaya hindi na ito nagtaka pa. Naglakad na ako patungo sa sasakyan ko at umalis na.


May meeting ako sa isang business man daw base sa schedule na binigay saakin ng secretary ko. Hindi ko kilala ang business man pero pupunta pa din ako dahil ayoko namang mawalan ng big client.


The Captain's Heart (Will go under major editing)Where stories live. Discover now