Chapter 44

494 13 2
                                    

Magiging busy ako uli for next week kaya sigurado no update nanaman ako kaya mag-update na muna ako ng Chapter 44. Btw, thank you sa lahat ng naghihintay ng bawat update ko at sana mabasa nyo ito hanggang huli.
———————————————————

Nagising ako sa liwanag na tumatama sa mukha ko. Mukhang naiwan ko nanamang nakabukas ang kurtina sa kwarto kagabi. Gagalaw na sana ako nang maramdaman ang braso na nakapatong sa baywang ko. I can't help but to smile. Nangyari nanaman ang pilit kong iniiwasan. May promise ako sa sarili ko na kasal muna bago honeymoon pero hindi ko na ito tinutupad.


Umikot ako upang magharap ito at sakto naman na pagharap ko ay gising na sya at malaki nanaman ang ngiti sa labi. Kahapon magkaaway kami pero dahil sa sinabi nya kagabi bati nanaman kami. Sobrang rupok ko na talaga.


"Good morning baby......"

Ngumiti ako. "Good morning din...." I kiss him then I laughed when I saw his face na parang nalugi.

"Give me french kiss baby." Natawa ako nang humirit ito.

"Ayoko nga! French kiss mo nalang sarili mo."

"How?! Turuan mo ako." Ngumuso pa ito pero hindi ko pa din sya binigyan ng halik. Bahala sya sa buhay nya.

Aalis na sana ako sa pagkakahiga dahil nasa bahay kami ng parents ko tapos ganito ang ginawa namin, pero agad nya akong hinila pahiga saka ngumiti.

"Why?" I asked.

"I know after this hindi nanaman tayo magkikita ng matagal so I want to give this to you so that you can remember me always and never look for another guy that can replace my position as your hot boyfriend." Napakunot ako ng noo at balak ko sanang matawa dahil sa huli nitong sinabi pero hindi ko magawa dahil seryoso ang binibigay nitong tingin sa akin.

Binigay nito ang isang kwintas at alam ko kung ano iyon dahil may ganon sila kuya at daddy noon na pinapakita nila sa akin.

"Alam kong alam mo ang tawag dyan dahil pinapalibutan ka ng mga nasa militar. Mayroon akong dalawang dog tag at sinasama ko yon tuwing may mission kami. Hindi yan official dog tag ko dahil kailangan sa trabaho yung totoo pero gusto kita bigyan ng ganyan so that you can track me kung buhay ba akong babalik sayo."


"Paano? Wala namang tracking number itong dog tag na toh." Hindi malinaw sa akin kung para saan ang mga ganito dahil sa una palang ay hindi naman na ako nangingielam sa buhay militar ng pamilya ko at palagi ako hindi nakikinig tuwing nag-uusap sila ng tungkol sa trabaho nila.


Tumawa ito. "Ganto gawin mo sa dog tag na yan. Itago mo yan hanggang wala ako sa tabi mo. Alam kong mali itong gagawin ko pero sasabihin ko sayo kung kailan kami magkakaroon ng mission so that you will know kung nasaan ako. Once na makabalik ako sa mission isuot mo sa akin yan....."


Ayokong itanong ito pero...... "What if not?"


Ngumiti ito ng kaunti. "Then, keep that para magkaroon ka ng remembrance mula sa akin." He smiled again. I know that's not a good question to ask pero ginawa ko pa din. Kaya ngayon na-g-guilty ako dahil nag-iba ang expression nya.


Niyakap ko sya ng mahigpit saka ginawaran ng mabilis na ngiti sa labi. "I know that thing will never happen. Ikaw pa ehh sabi mo nga sa akin sa nga text mo noon na hindi ka susuko hangga't may bala ka pang natitira. Kaya gawin mo yon. I want to build a family with you so please stay safe." Nawala ang lungkot na dinadala nito at napalitan iyon ng saya.


"I will." Naupo ako sa kama at tinitigan ito na nakahiga at nakapatong ang ulo nya sa pinagpatong nyang kamay.


"Paris......"


The Captain's Heart (Will go under major editing)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin