Chapter 6

989 26 0
                                    

"Dad!" Magiliw akong lumapit kay daddy at kinawit ang aking kamay sa braso nya.

"I'm very thankful to you dad dahil nagbigay ka ng malaking budget for me kaya napag-isip isip ko na bigyan ka ng gift. Nakita ko sa facebook na gustong gusto daw ng mga tatay ang manok kaya nagpabili ako kay Manong Carlo ng apat na chicken! Look dad ohh there's a cock fighting right now and nagkakaroom kami ng pustahan kung sino ang mananalo and elimination round palang ito." Nakangiti akong tumingin sa mga manok na naglalaban.

"Paris, alam mo naman na bawal yan dito....." Napanguso ako at sumimangot. "Your smile is enough to me kaya hindi na kaila--"

"Bawal talaga ito?" Tumango si daddy.

"Yes, tapos nagpupustahan pa kayo."

"Pero yung premyo naman sa pustahan is yung chocolate sa ref."

"Pero Pa--"

"Sayang magkakaroon pa naman kami ng tournament sa pagluluto mamaya."

"Anong lulutuin nyo?"

"Yung matatalong manok. Sabi kasi ni mang Carlo kapag nagkakaroon daw ng sabong yung mga natatalong manok daw ginagawang tinola or adobo kaya magkakaroon ng cooking contest later."

Naglakad na ako papasok ng bahay dahil sa sobrang pagkadissapoint sa nangyari. Naaawa ako sa manok dahil ayaw sya ni daddy. Tinaas ko ang tingin ko at bumungad agad saakin yung manyak na lalaki sa club na pinuntahan namin nila kuya.

"Dad!" Tumili ako at tinuro ang lalaki. "May manyak! at may mga kasama pa sya!" Tumakbo ako at nagtago sa likod ni daddy.

"Lt.Gen.Mondejar, it's just a misunderstanding." Pinanood ko ang pagpapaliwanag nito mula sa likod ni daddy.

Hinili ako ng aking ama patabi sakanya at pinaharap kay manyak.

"Wala pa naman akong naaalala na pinakilala ko si Paris sainyo......magkakilala na ba kayo dati pa?" Umiling ako. "Ehh saan naman kayo nagkakilala?"

Tumingin ako sa ibaba at naghanap ng pwedeng palusot. Hindi alam ni daddy at mommy na pumunta kami ng club kagabi nila kuya kaya lagot na ka-----

"Sir, nagkita po kami sa club kagabi. First time ko palang po syang nakita at hindi ko po alam na kayo pala ang ama nya." Tinignan ko ng masama ang lalaki pero hindi ito nakatingin saakin kaya sa doon nalang sa lalaking cute na nasa likod nya ako tumingin ng masama.

"So it means.....totoo nga talaga ang inamin ng mga kapatid mo na pumunta nga kayo sa club...." Wala na!

"Dad, sorry." Humawak ako sa laylayan ng kanyang damit at tumingin sa ibaba dahil sa sobrang hiya. May ibang tao ngayon sa bahay kaya hindi ako pwedeng mapahiya ng sobra.

"Sir, I will take the punishment you will give to me." Umangat ang aking tingin.

"Hindi kita bibigyan ng parusa hangga't hindi ko alam ang nangyari kaya sa ayaw at sa gusto nyo ikwento nyo lahat saakin kung ano ang nangyari kagabi."

"Yes sir!" Sumaludo pa ito.

Nagkwento ito na parang storyteller talaga na kinabwiset ko pa lalo. Tinitignan ko yung mga kasama nya at sinesenyasan na patigilin na nila magsalita yung kasama nila dahil nakakarindi na talaga.

"So it means na misunderstand ka ni Paris."

"Yes sir. Hindi ko naman po kasi makakaila na maganda po talaga ang anak nyo." Ene daw? Putek nambola pa! Maganda naman talaga ako dahil isa akong greatest master piece nila mommy at daddy pero hindi ko yon pinagkakalat.


"Okay." Hinarap ako ng aking ama at tinignan ng seryoso. "Say sorry to him, Paris." Tumingin ako sa lalaki na nakangiti saakin. Plastic ampotek!

"Ayoko." Tinaas ko ang kilay ko at handa nang umakyat sa ikalawang palapag ng bahay.

"Paris! I said say sorry to him! Hindi ka namin pinalaki ng mommy mo na ganyan kaya matuto kang humingi ng tawad sa taong ginawan mo ng kasalanan." Umirap ako sa hangin at bored na tumingin sa lalaki.

"Sorry." Maikli kong sambit.

"Paris! That's not the right way to say sorry to someone! Say it properly!"

"Sorry po manong." Pinagkrus ko ang aking mga braso saka tamad na yumuko dito at nang iangat ko ang aking tingin muntikan nang mahulog ang aking victoria secret panty dahil sa umiigting nitong panga. Fuck that jaw! Kung bati lang kami ng lalaking to' baka niyaya ko na sya sa kwarto ko para mag-excersise like yung ginawa nila Tinay at Archie.

"Paris! Hindi sya manong! He's a captain from Philippine Army." Napanganga ako. " He's Capt.Maximo Arcega of Alpha team."


So it means sya yung binabanggit ni mommy. Napahawak ako sa aking dibdib at nakanganga sa handsome revelation ngayon.

.........but still wala akong pake kung kapitan man sya .

"Ohh! Capt.Maximo Arcega....." Lumapit ako ng bahagya dito at hindi alintana ang ilang nakakakita saaming dalawa. "Sorry." Bored kong sambit. Agad akong lumayo at tinaasan ito ng kilay. Hindi porket gwapo sya magkakandarapa na ako sakanya.......pero hindi ko naman makakaila na malapit na. Sumaludo ako dito habang ang pinakamaliit kong daliri ay nakaangat. Sorry, I'm not a soldier.

"Akyat na ako." Iniwan ko na silang lahat sa baba at dumiretso sa kwarto ni kuya Philip para magreklamo na hindi ako nainform sa pag-amin nila ni kuya Rome kay daddy tungkol sa pagtakas namin kagabi.

Bukas ang doorknob kaya pumasok nalang ako basta at naabutan ko itong nakahiga sa kama at natutulog.

"Kuya!" Hindi pa din sya gising.

"Kuya!" Aba matibay.

"Kuya!" Aba mukhang nasa fantasy world pa si kuya.

"Kuya!" Bumangon ito kaya napangiti ako.

"Ano ba Paris! Natutulog ang tao ehh!" Sumimangot ako dahil sa pagsigaw nito.

"Kakausapin lang naman kita tungkol doon s----"

"Mamaya na Paris at natutulog pa ako."

"Psshhh!" Nagdabog akong lumabas ng kwarto at hindi sinara ang pinto.

Ayaw mong gumising edi may gagawin ako.

"Daddy! Si kuya Philip nanonood ng PORN!" Inemphasize ko talaga ang salitang porn para magulantang si daddy.

Dali dali akong tumakbo sa kwarto at sinara ang pinto dahil tiyak may pupunta saakin....in 3...2...1...

"PARIS!!!"

"PARIS! BUKSAN MO ANG PINTO!" Naupo ako sa kama at hindi pinakinggan ang pagkatok ni kuya sa labas.

"Daddy, hindi yon totoo! Natutulog lang ako!"

"PARIS BUKSAN MO ANG PINTO AT IEXPLAIN MO KAY DADDY NA HINDI TOTOO ANG SINABI MO!" Si kuya talaga feeling virgin eyes pa din. Umiling iling ako at naglagay nalamang ng airpods sa tenga para hindi marinig ang sigawan sa baba.

Grabe hindi sila nahiya sa mga bisita! Whahaha!

-------------------

The Captain's Heart (Will go under major editing)Where stories live. Discover now