Chapter 3

1.2K 24 0
                                    

I swear gwapo nga sya at mukha naman syang hindi manyakis pero kanina kasi nagbanta sya na  magpapaputok sya ng baril kapag di ako tumahimik kaya nagmukha na syang kawatan sa tingin ko.


Hinanap ko ang mga kapatid ko at natagpuan ko ito sa isang hindi naman ganoon kalayuan na pwesto sa kinatatayuan ko. Hindi manlang nila napansin na nawawala ako? at mas inuna pa nilang mambabae. Mga lalaki nga naman. Kaya minsan hindi ako sumasama sakanila kasi napagkakamalan din akong babae nila. Hello! Ako babae nila? Yuck! A big big yuck!


Lumapit ako sa mga kapatid ko at naupo sa sofa. Pinandilatan ko yung mga babaeng katabi ng mga kapatid ko dahil nang-iirap.

"Excuse me miss, nauna na kami dito kaya humanap ka nalang ng iba na para sayo." Woah! Kapal ng mukha talaga ng babaeng to' baka kapag sinabi ko na pansamantala lang sila ng mga kapatid ko iyak to'! Don't mess with Paris!


"Gusto mo baliin ko yang braso mo na nakaakbay sa kapatid ko? Ano?! Laban ka?" Pinanood ko ang paglaki ng mga mata ng dalawa. Pairap-irap pa kayong nalalaman dukutin ko mata nyo ehh!


Umalis na ang dalawa kaya nakahinga na ako ng maluwag. Naupo akong muli saka ininom agad ang kadarating na order ng kapatid ko.

Tinignan ko ang nananahimik na sila kuya Philip at Rome. "Ano yang tinitingin tingin nyo? Kung mambababae kayo doon kayo sa hindi ko nakikita." Tumayo ang dalawa at umalis. Aba! Sumunod nga!

Hinayaan ko nalang na maglibang ang dalawa dahil alam ko naman na tigang na sila sa pambababae dahil bawal iyon sa kampo at isa pa bantay sarado sila ni daddy doon.


"Waiter!" Sumigaw na ako dahil hindi ako maririnig ng waiter dahil sa ingay ng mga tao at tugtog dito sa club.


"Yes mam?" Sinabi ko ang mga order ko at napairap nalang ako sa hangin dahil 20 mins pa ang hihintayin ko for the food. Ano gagawin ko tutungga lang ako ng alak at walang pulutan?


"Okay. Kung mapapabilis pa yung paghahanda ng  food pakibilisan sana. Thanks." Nginitian ko sya ng napakaganda para bilisan nya.


Ininom ko ang last na inumin na naorder nila kuya Rome. Napakaweak naman ng inumin na to'! Hindi manlang gumuhit sa lalamunan ko ang alcohol!


Nang maserve saakin yung isang bote ng tequila napawow ako. Ayan! Tiyak na guguhit ka na sa lalamunan ko. Tinignan ko ang kabuoan ng bote. Masasabi ko na mahal ang isang to' dahil pansin palang sa itsura ng bote at kakaibang brand name nito. I like it!


Agad kong binuksan ang bote at kinuha ang shot glass saka tinungga. Oh! I feel it! Napapikit ako sa sarap ng alak kahit pait lang naman ang nalalasahan ko. Wala sa sariling niyakap ko ang bote ng alak pero nang makita ko ang mga kakaibang tingin ng tao binaba ko ito agad at umaktong parang walang nangyari. Uminom akong muli ng isang shot hanggang sa makalahati ko na ang bote doon lang naserve saakin ang inorder kong pork sisig, pork bbq at marami pang iba!


Nagpakasaya akong mag-isa at hindi alintana ang tingin ng ibang tao saakin. Hindi ko naman kasi ninanais na magkaroon ng kasama at isa pa buhay ko to' kaya lubayan nila ako!

Naubos ko ang isang bote pero hindi pa din ako nakuntento kaya umorder ako ng dalawa pang bote ng tequila at ibang brand naman.

"Kuya!" Tawag ko sa waiter na dumaan sa pwesto ko. "Orrderrr fa nga ako.....ng...tequila! Dalawang bote! Gustow ko yung.....finaka...mahal! Okay?" Nagthumbs up ako dito at natawa nalang ako nang magthumbs up din ito.

Nararamdaman ko na ang epekto ng alak pero hindi pa din ako kuntento. Bahala na sila kuya mag-uwi saakin!


Nang dumating ang order ko napangiti nanaman ako nang iabot saakin ang kakaibang style na bote ng tequila. Wow! Hindi ko maiwasan na hindi magtake ng picture bago inumin.

Uubusin kitang tequila ka!

Nang maubos ko ang isang bote sa mabilis na oras tumayo na ako dahil sa sobrang pagkapuno ng pantog ko.


Palapit na ako sa cr nang biglang may humapit sa baywang ko. Nilingon ko ito at sobrang pangit na mukha ang bumungad saakin.


"Stay away from me!" Malakas kong sigaw pero hindi pa din sya natinag kaya ang ginawa ko ay tinulak ko na. Nag-iinit na ang katawan ko dahil sa alak kaya wag na wag nya akong mahawakhawakan dahil kapag nag-iinit na din ang ulo ko!


Aalis na sana ako sa harap ng lalaki na bumagsak na pala sa sahig pero bigla itong sumigaw at hindi ko nagustuhan ang sinabi nya.


"Anong sabi mo?! Ako malande?! Ako lumandi sayo?! Fvck you! Kahit kailan hindi ako lumalapit sa mga lalaking tulad mo! Ikaw nga itong humawak saakin tap---"


"Tama na miss wag kayo mag-away ng boyfriend mo dito sa club nak---"


"Ano? boyfriend? Sya boyfriend ko? Sorry kuya hindi ko sya boyfriend dahil hindi naman ako pumapatol sa mga FUCKBOY na tulad NYA!" Inemphasize ko talaga ang salitang fuckboy at nya para tamang tama talaga sa lalaking yon.

"Hoy miss! Baka ikaw naman iton---"

"Excuse me to everyone, kami na ang bahala dito." Nilingon ko ang pamilyar na boses na iyon at tama nga ako galing iyon kay kuya Philip.


Hinayaan ko nalang na hilain ako ng kapatid ko palabas ng club. Tumigil kami ni kuya Philip sa tabi ng sasakyan namin at pilit nya akong pinapasakay na doon dahil uuwi na daw kami.

"Ayoko pa kuya!"

"No! Uuwi na tayo!"

"Ayoko pa nga ehh!"


"I said UUWI NA TAYO!" Pilit akong pinapasakay ni kuya pero nagmatigas ako.

"Kung gusto nyo umuwi edi kayo nalang ni kuya Rome! Maiiwan pa ako dito dahil--"

"Hindi pwede! Uuwi na tayong lahat!"

"Kuya!"

"Paris! Kapag sinabi kong uuwi, uuwi tayo!  Walang maiiwan!"

"Susumbong kita kay daddy!"

"Wala akong pakealam kung isumbong mo pa ako kay daddy basta umuwi na tayo." Pinagkrus ko ang mga braso ko at inirapan ko kuya.

"Wala pa naman si kuya Rome ehh....papasok na muna a---" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang lumabas na din si kuya Rome dala-dala ang isang bote ng tequila na sigurado ko na iyon yung inorder ko kanina at yung kumikintab kong cellphone.


"Let's go. Inayos ko lang yung gulo kanina at nagbayad. Tara uwi na tayo." Bored akong pumasok sa backseat at humiga doon.

Mariin kong pinikit ang mata ko dahil sa labis na pag-ikot ng paligid ko.


"Nga pala kuya I saw Maximo and his team habang palabas ako ng club." Minulat ko ang mata ko dahil narinig ko nanaman ang pangalang Maximo. Sino ba yon?

Sya ba yung nagsabi ng 'Are you lost baby girl?'.......

......ayy Massimo pala ang name nun hindi Maximo. Pero mukhang cool ang name nya ahh.

Narinig ko pa na nag-usap ang dalawa kong kapatid kaya kahit gusto ko pang marinig ang usapan nila hindi ko na nagawa dahil hindi ko na kayang labanan ang antok.

Kinuha ko ang isang bote ng tequila saka niyakap ito hanggang sa nakatulog ako.

Goodnight everyone! Tulog na si Paris!

---------------------

The Captain's Heart (Will go under major editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon