Chapter 18

733 19 0
                                    

Nagising ako sa tumatamang liwanag sa mukha ko. Balak ko sanang tumayo ngunit bigla nalang kumirot ang nasa ibabang parte ng katawan ko. Shit! Anong ginawa ko?!


Dumapo ang tingin ko sa kumot na bumabalot sa hubad kong katawan na nagpagising lalo sa kaluluwa ko. Dahan dahan kong sinilip ang aking katawan sa loob ng kumot at para akong tinakasan ng hininga ng makitang hubo't hubad ako. Luminga linga ako na parang tanga sa kabuoan ng kwarto at kinabahan ako nang makita na wala ako sa kwarto ko! Teka- asan ba ako? Diba nasa Bolinao pa din ako? Pero hindi ko ito kwarto!


Ano na itong pinasok ko?!


K-kahapon.....sa parking lot......k-kasama ko si Maximo.....t-tapos a-ano.......t-tapos a-ano.....basta yun na yon! Hindi ako lasing ng mangyari yon kaya naaalala ko ang bawat pag-ungol ko na sobrang nakakahiyang maalala.


Nanlaki ang mata ko nang gumalaw ang kama kaya agad kong binalot ng maigi ang kumot sa katawan ko .


"Goodmorning...." Lumayo ako ng kaunti sa katabi ko dahil sa kalagayan ko ngayon.


"Paris—"


"Stay away from me...." Lumayo pa ako ng kaunti para hindi nya ako maabot.


Isang pagkakamali ang nangyari kagabi kaya hindi na dapat maulit pa yon. Nadala lang din ako sa init at sigurado ako na ganon din sya.



"Alam kong aayawan mo ako pagkatapos nito—"


"Of course Maximo!" Hindi ko mapigilan na hindi sya sigawan dahil naiinis talaga ako. Naiinis ako sakanya at sa sarili ko din dahil nagpadala ako sa init na binibigay nya saakin. "Hindi pa natin sobrang kilala ang isa't isa kaya mali ito!"


Nilibot ko ang aking paningin para hanapin ang mga saplot ko pero tanging underwear at bra lang ang nakikita ko.


"Where's my clothes?" Lumingon din ito kung saan-saan kaya ginamit ko ang pagkakataong iyon para kunin ang nagkalat kong underwear at bra sa sahig. Sinuot ko ang mga iyon at hinintay ito. He's wearing his boxer naman na kaya hindi ko na nakikita ang malaki nyang a-ano, nakikita ko pa din naman kung gaano kalaki pero ang ibig kong sabihin kanina ay hindi ko na nakikita ng literal ang ano nya.


Bumalik na ito at inabot saakin ang damit kong—- sira na.


"Sinira mo?" Pinakatitigan ko ang punit kong damit at nanghinayang dahil regalo iyon ng isang sikat na designer saakin noong birthday ko.


"I'm sorry papalitan ko nalang." Tumayo na ako at hindi ko na pinansin pa kung makita man nya akong naka bra lang at panty. Nakita naman na nya ang lahat kaya bakit pa ako nahihiya.


"Wag na. Aalis na ako." Nagdirediretso lang ako ng lakad patungo sa pinto dahil gusto ko na talagang lumabas at wala na akong oras pa makipag-usap kay Maximo. Hindi naman na mababago ang lahat kung mag-uusap pa kami.


"Paris, I'm really so—"


"Ako dapat ang nagsosorry dahil ako ang nagtulak pa sayo na galawin ako. Ayaw ko na maalala ang nangyari kaya please lang Maximo wag mo na imention saakin ang lahat ng nangyari dito at kalimutan nalang natin iyon."


"Kung ikaw kakalimutan mo pero ako hindi."


Maslalo umusok ang ilong ko dahil sa sinabi nito. Hindi nya kakalimutan? Nag-iisip ba sya kung ano ang pwedeng mangyari kung hindi nya kalimutan ang nangyari?



"I like you Paris" Natigilan ako sa pag-alis ng marinig ang mga katagang hindi ko inaasahan na marinig sakanya.


Unti-unti ko syang hinarap at umiling. "H-hindi mo ako gusto. N-naramdaman mo lang yan d-dahil sa nangyari kagabi..." Umatras ako ng kaunti nang humakbang ito palapit saakin.



The Captain's Heart (Will go under major editing)Where stories live. Discover now