Chapter 59

670 18 2
                                    

-Update again.....Kapag ito umabot ng 5 comments update ko na next chapter😂 Char! Nasa 10% palang nagagawa ko sa next chapter kaya kape muna kayo kahit mainit😂

Enjoy Reading 😉
——————————————————

Isang Linggo na ang lumipas ngunit ang pangyayari ay sariwa pa din sa akin. Akala ko noong araw na iyon ay nawala ko na pati ang anak ko pero mabuti nalang ay mabilis akong nadala sa ospital. Sabi ng doktor ay ayos lang ang bata sa sinapupunan ko at yung pagdurugo na nangyari ay gawa ng sobrang stress sa buong maghapon. Hindi nga sana ako papayagan nila mommy na pumunta sa dalawang araw na burol ni Maximo dahil baka maslalo lang ako mastress lalo na't sinabi ng doktor na mahina ang kapit ng bata kaya kung ipagpapatuloy ko pa na mastress lalo ay baka hindi na kayanin ng bata. Doble ingat ang ginawa ko at buti nalang ay ginagabayan ako palagi ni mommy at ng mother ni Maximo dahil first apo daw nila ang pinagbubuntis ko.

Alam na din ni daddy ang about sa pregnancy ko at tatlong araw niya akong hindi pinansin dahil sa lahat ng taong naroon sa ospital noon ay siya lang ang walang alam sa pangyayari. Sa tatlong araw ba iyon na hindi ako pinansin ng tatay ko ay ramdam ko pa din ang suporta niya dahil nagpapadala palagi siya mga paborito kong pagkain. Kinakamusta din niya ako kay mommy ng ilang beses sa isang araw pero nanatili pa din ang tigas ng puso niya. Hinayaan ko nalang dahil alam kong nagtatampo lang ito.


"Paris, ready ka na ba?" Tumango ako saka tumayo.

Ngayon ang cremation ni Maximo at nagplano si mommy na pumunta doon mag-isa para damayan ang pamilya ni Maximo at ng ibang sundalo na namatay din sa pagsabog. Gaganapin iyon ng pribado dahil una palang ay hindi na iyon nilabas sa media ngunit may mga nakakalusot pa din pero sa hiling ng mga pamilya na nawalan ng mahal sa buhay ay gagawing pribado at walang papapasukin na kahit na sino maliban sa kaanak ng namatay sa mismong lugar.


Base sa kwento na narinig ko kila mommy noong nag-uusap sila ni daddy at nila kuya ay hindi na daw makilala ang mukha ng ilan kaya napagdesisyonan ng bawat pamilya na i-cremate nalang ang bawat bangkay na hindi makilala. Mabilis naman nakilala ng mga sundalong nag-imbestiga kung sinu-sino ang mga iyon dahil sa mga dog tag na dala nila palagi tuwing may mission at sabi ni kuya ay isa sa hindi makilala ay si Maximo.


Gusto ko pa siya makita kahit sa huling sandali nalang ngunit napagdesisyonan ng pamilya ni Maximo na hindi na buksan ang kabaong sa dalawang araw na burol bilang respeto. Nasilip ng magulang ni Maximo ang labi niya pero pinagbawalan ako nila mommy at ganoon din ang daddy ni Maximo na makita pa iyon dahil baka maslalo lang daw makadagdag sa sakit na nararamdaman ko. Hindi nalang ako nagmatigas at inisip ko nalang na para sa akin at sa anak ko naman ang desisyong iyon.


Sumakay na ako sa sasakyan at yung driver naman ni mommy ang nagmaneho. Tumabi sa akin ang nanay ko saka kami umalis. Patungo kami sa simbahan dahil kailangan muna dasalan ang mga labi bago sila i-cremate. Pinayagan ako ng doctor ko na sumama basta hinay-hinay lang masyado sa lahat ng gagawin.


Pagdating namin sa chapel ay maraming sasakyan na akong nakita sa labas na nakapark at kasama na din doon ang ilang sasakyan na pang-sundalo na nagdala sa mga kabaong ng mga namayapa.

Pagkalabas ko ng sasakyan ay binuksan agad ni mommy ang payong saka inakay ako patungo sa loob. Medyo tirik ang araw ngayon kaya kailangan na agad namin makapasok.


Sa loob ng chapel ay naroon na ang bawat pamilya ng mga namatay na sundalo at tanging mga labi na lamang ang hinihintay na ipasok sa loob. Medyo malaki ang chapel na ito kaya kasya naman ang lahat. Tanging pamilya at ilang kaanak ng mga namatay ang naririto at karamihan ng mga sundalo ay nasa labas lamang. Hindi naman kalayuan sa chapel ay naroon naman ang lugar kung saan gagawin ang pagc-cremate sa mga labi. Sa lugar na iyon ay kaunti lamang ang maaaring pumasok dahil hindi kalakihan ang lugar mabigyang respeto din ang bawat pamilya.


Pumasok kami sa loob ni mommy at diretso lamang ang lakad ko patungo sa pwesto nila tita Maricris. Mabilis kong niyakap ang ina ni Maximo at doon bumuhos muli ang luha ko.

Hindi din naman nagtagal at kumalas din ako sa pagkakayakap kay tita saka pinunasan ko ang luhang kanina ko pa pinipigilan.


Bumaba ang tingin ko sa yakap ni tita at doon nakita ko ang isa pang uniporme ni Maximo na may nakalagay pa na apelyido niya. Binigay iyon sa akin ni tita kaya agad ko iyong tinanggap saka niyakap din.


"That's one of my son's uniform and I want to give it to you as remembrance. Maaari mo din yan ipakita sa apo namin kapag lumaki na siya at ikwento mo sa kaniya kung gaano katapang ang kaniyang ama." Tumango ako habang patuloy pa din sa paghikbi.

Pinunasan ko na muli ang mata ko saka ngumiti ng pilit dahil alam ko kung nasaan man si Maximo ay masaya na siya kaya dapat tanggapin ko na din ang lahat.


Nagsilingunan ang lahat sa likod kaya lumingon na din ako. Nasa labas na ang mga kabaong at isa-isa na itong pinasok sa loob. Pinaupo na muna ako nila mommy upang sa gayon ay hindi ako masyado mangalay.


Pinanood ko lang ang bawat pagpasok ng mga kabaong sa loob na dinadala ng mga sundalo. Ang mga nasa loob na sundalo ay sumasaludo sa mga namayapa nilang kasamahan at ang iba sa kanila ay patuloy lang sa pag-iyak.


Napalingon ako muli sa likod nang ipasok nila ang huling kabaong. The color of the casket is different from the others. Ako ang pumili ng kulay ng kaniya dahil nirequest ko iyon kay daddy at buti naman ay pinayagan niya ako.


Masaya kami noon ni Maximo nang mapunta ang usapan namin sa casket. Palagi niya sinasabi sa akin na kapag nawala siya ay pilian daw dapat siya ng magandang kulay ng kabaong. Tumatawa siya ng sinasabi niya sa akin iyon kaya tumatawa din akong nakikinig sa kaniya pero natandaan ko lahat ng mga sinabi niya kasama na doon ang kulay na gusto niya. It sounds creepy noong panahong pinag-uusapan namin iyon pero ngayon ay wala akong maramdaman na kahit na ano kundi sakit.


Napwesto na lahat sa harapan kaya pagkalipas ng ilang minuto ay nagsimula na din ang misa.

Mabilis lang din natapos ang misa at ngayon ay patungo na kami sa crematorium. Bago ipasok mga kabaong sa loob ay nagpaalam na sa labas ang bawat pamilya. May ginawang seremonya pa ang mga sundalo tulad ng pagtutupi at pagbibigay ng mga bandila na nakapatong sa bawat kabaong ng mga sundalong namatay sa pamilya ng mga ito.


Ang bandila ay iniabot sa ama ni Maximo na mangiyak-ngiyak nitong tinanggap. Sa huling sandali ay lumapit ako sa kabaong na nakasara lamang saka niyakap iyon.


"I l-love you......I-I love you my c-captain. T-Thank you for b-being there if I n-need you...." Halos hindi ko maituloy ang sinasabi ko dahil sa patuloy kong paghikbi ngunit pinilit ko pa din ang sarili ko na magpatuloy upang sa gayon ay masabi ko ang gusto kong sabihin sa huling sandali. "I-I promise that I w-will protect and l-love our baby. T-Thank y-you for all the t-things that you did for m-me......I-I love you and I will m-miss you so much...." Nais ko pa magsalita at sabihin sa kaniya ang lahat ngunit pinigilan ko na ang sarili ko. Umalis na ako sa pagkakayap sa kabaong at doon ay naramdaman ko ang maingat na paghila sa akin ni mommy upang malayo na ako doon. Sa huling sandali ay kumaway ako bago ito ipasok sa loob.


We will miss you so much.......my captain.

The Captain's Heart (Will go under major editing)Where stories live. Discover now