Prologue

2.4K 41 1
                                    

Bored akong tumingin sa secretary ko na laging nagugulat. "Cancel my meeting with Ms.Abello." Binalik ko ang mata ko sa ginagawa kong design na gown for the upcoming wedding ng isang client ko which is my fake friend Angel.


"But....Ms.Paris--"


"But? What?" Tumingin akong muli sa secretary ko na nangangapa ngayon ng sasabihin. Bakit ba mga takot sila saakin? Hindi ko naman sila kakainin.


"W-wala po."


"Good." Bumalik muli ako sa ginagawa ko.


Bakit ba napakaboring ngayon? Para akong namamatay sa sobrang katahimikan dito sa shop. Masmaganda pa siguro kung nandito pa ang dalawa kong fake friend atleast may ka plastikan ako to the max!


"Fvck!" Bwiset kong sambit dahil naputol ang ginagamit kong color pencil. Tinawag ko ang isa kong assistant para tasaan ang pencil. Sinandal ko muna ang likod ko sa upuan at huminga ng malalim.


Boring Amputek!


"Ms.Paris, ito na po yung color pencil nyo." Hindi ko tinignan ang assistant ko at kinuha ko lang sakanya ang color pencil ko.


Alam nila ang ugali ko dito at wala akong pake kung ano ang sasabihin nila sa likod ko dahil sanay na din naman ako...ikaw ba naman kasi palibutan ng fake friend ng ilang taon tignan lang natin kung hindi ka pa masanay.


Dumako ang mata ko sa cellphone kong tunog ng tunog. Sino naman kaya ang may lakas ang loob na tumawag saakin?


Binaba ko ang hawak kong pen saka kinuha ang kumikintab kong cellphone. Hindi ko pinansin ang tumatawag at pinuri ko lang ang kumikintab kong telepono. Kinapa ko ang mga maliliit na real diamonds at bawat pagdampi ng balat ko sa bato ay lalo kong pinupuri ang cellphone ko. Sabihin na nilang baliw ako wala pa din akong pake. Tinigil ko ang labis na pagpuri sa phone ko saka sinagot na din ang tawag nang hindi tinitignan ang caller's ID.


"Hello!" Masigla kong bati dahil sa wakas makakadaldal na din ako!


("Are you busy honey?") Kunot noo kong tinignan ang caller's ID at napanganga ako na si mommy pala ang tumatawag saakin.


"Not really mom." Maarte kong sambit.


("Good. Your daddy said we're having a dinner later because it's your brothers day-off today from the military.") Napangiwi ako. Nge! Makikita ko nanaman yung dalawang tukmol.


"Where?" Maikli kong sambit at pinagpatuloy ang pagkulay ng pink sa wedding dress ng fake friend ko. Haisst! Wedding dress pero pink. Hindi naman ako ang magsusuot nito kaya wapakels nalang at isa pa nakakatamad makipag-away sa babaeng iyon.


("Sabi ng mga kuya mo sa house nalang daw.") What?! Sa bahay lang?!


"Okay. What time?"


("Kailangan mga 7:00pm nandoon kana. Also may request ang dad mo sabi nya kung pwede daw doon kana matulog sa house.") Napatigil ako. I know daddy really loves me because I'm the only daughter in the family kaya lahat ng gusto ko binibigay nila daddy at pati na din sila kuya. Pero.......nasasaktan pa din kasi ako sa mga nangyari ilang taon na ang nakaraan......alam kong hindi ko dapat isisi sa tatay ko ang nangyari pero.......pero......basta! Ayoko nang maalala yon!


("Hey honey...are you still there?......Alam kong galit ka pa din sa da--")


"Pupunta ako mommy. Bye." Binaba ko agad ang tawag at pinahid ang kumawalang luha sa mata ko.


Kilala akong bilang isang masayahin at matapang na babae kaya hindi ako pwedeng umiyak dahil ang pag-iyak ay para lang sa mahihinang tao.......

The Captain's Heart (Will go under major editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon