Chapter 5

1K 29 0
                                    

"Murphy, bilisan mo nga! Hindi mo na kailangan pang magbihis ng kung ano pa dyan at magpagwapo dahil si Lieutenant General lang naman ang pupuntahan natin at hindi naman sya naghahanap ng gwapo."


"Hindi naman kasi ako kay Lieutenant General nagpapagwapo kundi doon sa sinasabing anak daw na babae ni general. Madami ang nagsasabi na maganda daw yon at mukhang alagang alaga at hindi basta basta pinapalabas ng bahay yon."

Anak? Babae?

Humarap ako sa malaking salamin at nagsuklay din saka naglagay ng kaunting gel sa buhok. Ayan! Pwede na!


Bumaba ako mula sa ikalawang palapag at naabutan ko agad ang tatlo kong magigiting na sundalo.....kahit hindi ganon kahalata.

"Nasaan si Damon?" Lumingon lingon ako kung saan-saan dahil ayaw magsisagutan ang tatlo. Nasan na kaya ang Damonyo na yon?

"Captain! Salute!" Muntikan na akong mapatalon dahil sa pagsulpot ng Damonyo.

Nangmakumpleto na ang lahat sa sala nagbigay lang ako ng kaunting paalala kapag kaharap na namin ang heneral. Hindi kami pwedeng magkamali sa harap nito dahil tiyak may katumbas itong parusa.


"Let's go Alpha team." Nauna na akong sumakay sa passenger seat at hinayaan na magmaneho si Murphy the magma boy.

Habang nasa byahe kami papunta sa bahay ng heneral hindi talaga maiiwasan na magkaroon ng kakaibang usapan sa loob ng sasakyan lalo na't ang mga kasama ay mga taong ito.

"Actually, kung gusto nyo bumili ng panghampas meron ako sa condo ko 1k ang pinakamababang presyo."

"Sigurado bang mapapasarap ang sexlife namin kapag bumili--"

"Syempre naman! Kung gusto nyo mag-ala Christian Grey sa harap ng mga sexy girls edi bumili na kayo saakin. Kumpleto ako at masisiguro ko na sasaya ang bawat gabi nyo." Fvck! Nag-uusap nanaman sila about bdsm.

"Captain, gust--"

"No. Kahit kailan hindi ako bibili ng binebenta mo dahil sinturon at necktie ko palang tiyak na magiging memorable agad ang harutan namin sa kama." Ngumisi ako at tinignan ang mga itsura nila sa rear view mirror.

"Woah!! Sino ba yan captain?"

"Wala."

"W-wala?"

"Oo, kasi wala naman akong asawa o gilfriend."

"Ehh Captain pwede naman yung mga babae sa bar?"

Umiling iling ako. "No way. This c*ck of mine is my future wife's property." Ngumisi nanaman ako dahil sa napakaganda kong sinabi.

Nilingon ko sa kaliwa si Murphy dahil kanina ko pa sya hindi naririnig na magsalita at nakakapanibago iyon para saaming lahat.

"Hey, are you okay?" I'm their Captain so it's my responsibility to take care of my team.

"Naguguluhan lang kasi ako captain." Kumunot ang noo ko at pinatahimik yung apat na nag-iingay sa likod dahil hindi ko marinig si Murphy.

"Bakit?"

"Kasi captain yung sinabi mo kanina na yung c*ck mo ay property lang ng future wife mo....ehh hindi pa naman kita nakikitang may alagang manok." Muntikan na akong mapaubo at mahulog sa kinauupuan ko dahil sa sinabi nito.

"Fuck! Murphy! Hindi mo alam yung c*ck?" Rinig kong sambit ni Damon.

"Ofcourse! c*ck is chicken! Yung pangsabong?" Napahilamos kami lahat sa mukha namin. Tama naman talaga si Murphy pero iba kasi ang ibig naming sabihin.

"Captain, ako na bahala mag-explain sakanya dahil expert ako dito." Tumango ako kay Damon.

"Damon, expert ka sa sabungan?" Fvck! Unti nalang talaga kukutusan ko na si Murphy.

"Ofcourse not!" Binaling ko nalang ang atensyon ko sa mga building na nadadaanan namin here in Makati. "Yung ibigsabihin kasi namin sa c*ck ay ari ng lalaki! hindi manok!"

"Ehh? Bakit c*ck ang tawag nyo at hindi d*ck diba iyon naman talaga ang english ng t*t*?" T*ngina! Gusto ko na bumaba ng sasakyan!

"Tama na nga yang usapang t*t*!" Malakas kong sigaw dahil hindi kami matatapos sa usapan kapag walang gustong tapusin ito. Gets nyo ba?

"Ayyay Captain! Edi p*ssy nalang ang pag-usapan natin!" Napailing iling nalang ako at hindi na pinansin ang bawat isa sakanila dahil napupuno na ng d*ck at p*ssy ang utak ko at hindi na nya kaya pang tumanggap ng kabastusang word.

Nang makarating kami sa bahay ni Gen.Mondejar nabigla kami sa laki ng bahay nito. Pinasok namin ang sasakyan at sinalubong kami ng tatlong katulong at limang body guard pagkababa namin.


"Welcome po. Nasa opisina na po si sir at hinihintay na po nya kayo doon." Sumunod kami sa isang katulong na hula ko ay sya ang mayordoma dito. Pagkapasok palang namin halata mo agad ang napakagandang desenyo ng bahay. Dumiretso kami sa ikalawang palapag ng bahay.

"Pumasok na po kayo dito mga sir." Tumango at nagpasalamat kami kay manang bago pumasok.

"Salute!" Sabay sabay naming sambit at sumaludo sa Commanding General.

"Maupo kayo." Sumunod kami agad sa utos nito at hinintay ang sasabihin ng Lt. Gen.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, kaya ko kayo pinapunta dito kahit pahinga nyo palang ay dahil may nabalitaan akong nagsisimula nanaman ang grupo ng terorista sa Mindanao kaya kayo ang ipapadala ko para tapusin ang mga teroristang gumagawa nanaman ng gulo. Kasama nyo sa mission ang ilang grupo ng sundalo na ipapadala ko. Bukas ng gabi mangyayari ang mission at mag-ingat kayo dahil kailangan pa kayo ng bansang Pilipinas." Tumango kami at sumaludo sa Commanding General.

"Alam kong kakayanin nyo ang mission, Alpha team." Tumayo kaming lahat at sumaludo.

"Yes sir!"

"Nga pala bago kayo umalis nagpahanda ako ng pagkain kaya halina sa baba at para makakain na kayo." Sinundan namin ang heneral kung saan sya pupunta at dinala kami nito sa dining area. Namangha kami sa dami ng hinanda nilang pagkain para saamin.

"Maupo na kayo." Nahihiya kami sa heneral kaya puro tango at ngiti lang ang palagi naming ginagawa at kapag nagtanong naman sya na labas sa militar agaran ang pagsagot namin kahit maikli lang.

"Sir! Si mam Paris po!" Nagulat kami nang biglang tumayo si Lt. Gen.Mondejar.

"Anong nangyari kay Paris?!" Sinundan namin ng tingin ang big boss habang paalis ito.

"Tara sundan natin?" Nagsitinginan kami kay Murphy at sumang-ayon dahil baka kailangan kami sa emergency na nangyayari.

"Paris! Bakit nagkakaroon ng sabong dito?!"

----------------------

The Captain's Heart (Will go under major editing)Where stories live. Discover now