Chapter 47

475 14 0
                                    

-Update again! Thank you sa lahat po ng naghintay at sana masuportahan nyo po ang story hanggang sa huli.

Chapter 48 update: March 20, 2021 (9pm)
-Not sure po dahil pwedeng mapaaga or malate pero it-try ko na makapag-update sa date na yan. Thank you and Enjoy Reading!
———————————-

Napaupo ako sa pang-isahang upuan saka huminga ng malalim. Katatapos lang ang pag-uusap namin dito sa trabaho para sa susunod naming hakbang.

Matagal silang nanahimik pero ngayon nakatanggap kami ng mensahe na nagsisimula nanaman sila sa panghohostage.

Sumunod namang nagsipasukan ang ilan kong kaibigan. Wala si Murphy dahil may inutos sakaniya kanina kaya at si Lennon naman ay pumunta sa mga nagt-training na sundalo.

"Captain, anong plano mo?" Huminga ako muli ng malalim.

"Hindi ko alam. Hindi ako sigurado kung ano ba ang magiging pasabog nila pero masmaganda kung palagi tayong may back-up plan para hindi nila totally mabasa lahat ng galaw natin."


Tumayo ako saka binuklat ang notebook na matagal nang nasa table ko. Kahit kailan ay hindi ko pa nilalagay iyon sa drawer dahil palagi ko iyon binabasa tuwing nandito ako at isa pa wala din namang nagtatangkang kunin sa akin yung notebook.


Naupo ako sa may swivel chair ko saka binasa ang bawat detalye na kailangan ko.


Yung kinalaban nila Darrick noon ay haharapin namin sa mga susunod na araw. Nagbigay sila ng mensahe sa amin kung saan kalakip nito ang mga litrato ng mga nahostage nila at karamihan doon ay mga misyonaryo na nagpupunta ng bundok para magbigay aral sa marami.


Tuwing nakakatanggap kami nito, agad namin iyon nirereport sa mga nakatataas dahil sila ang makikipagcommunicate sa iba at kapag may binigay nang utos ang mga nasa matataas na pwesto ay doon lang kami gagalaw. Ngayon ay nagmamadali kami kung ano ang dapat naming gawin dahil hindi namin pwedeng patagalin ang pagpaplano dahil may mga hostage na nakasama.


Tinignan ko ang mga kaibigan ko na kapwa nasa team ko din. Alam kong nag-aalangan sila na sumali sa gagawing plano dahil sa nangyari noon. Maraming buhay ng sundalo ang nawala noong nakalaban nila ang grupong iyon. Maraming luha at pamilyang nagluksa dahil sa nangyari at para sa akin ay ayoko nang maulit iyon. Alam naming nakakatakot pero hindi kami titigil dahil kahit kailan hindi naging choices ang umayaw tuwing may mga taong nangangailangan ng tulong namin.


Tinigil ko muna ang pag-iisip ko ng kung ano-ano dahil maslalo ko lang ginugulo ang isip ko.

Kinuha ko ang cellphone ko saka tinawagan ang stress reliever ko. Which is my baby. Paris Mondejar.

"Baby....." Bungad ko agad.


("Yez? Bakit ka napatawag?")

"I miss you....."

("I miss you too! How's your day?")

"Hindi masyadong okay...." Narinig ko ang paghinga nito ng malalim sa kabilang linya. Ayokong problemahin niya ang problema ko pero kasi syempre hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na hindi magshare sakaniya lalo na't kailangan ko ding may nakikinig sa akin.

("Why? Pwede mo naman ikwento sa akin dahil hindi naman ako busy today dahil nasa bahay ako ngayon.") Sumandal ako sa swivel chair saka binalik ang notebook sa kinalalagyan nito kanina.

"Bakit palagi kang nasa bahay? Tinatamad ka ba palaging pumasok?" Narinig ko ang tunog na parang may binubuksan ito sa kabilang linya.

"Anong ginagawa mo?"


The Captain's Heart (Will go under major editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon