Chapter 1

1.8K 38 0
                                    

Hindi ako pumasok agad ng bahay at nanatili lang muna akong nakatanga ng ilang minuto sa labas. Namiss ko ang bahay na ito.....

"Mam Paris, nandyan na po pala kayo. Nasa hapag na po sila mam at ser pati na din po mga kuya mo." Tumango ako at nginitian lang si manang.

Nang makapasok ako ng bahay lalo akong nakaramdam ng pagkamiss. Dalawang taon palang naman simula noong umalis ako dito dahil gusto kong makapag-isa at gusto ko na muna malayo sa taong nagpapaalala saakin ng pangyayari.

Dumiretso ako sa dining room at naabutan ko doon sila mom and dad kasama ang dalawa kong kuya na nagtatawanan. I miss my family.

"Oh! Paris! Nandito ka na pala!" Hindi ako makagalaw nang yakapin ako ng dalawa kong kapatid.

"Grabe miss na miss kana namin! Ampanget mo pa din kapatid!" Tamad kong tinignan ang kapatid ko na nagsabi na panget ako saka ngumiti ng pilit. Tatama talaga itong kamao ko sa pagmumukha nitong kapatid ko.

"Gusto mo lumipad?" Bahagyang lumayo saakin si kuya Rome pero nilalapitan ko pa din sya.

"Mommy! Si Paris ohh! Papaliparin nya daw ako!" Walang kabuhay buhay kong pinanood si kuya Rome na magtago sa likuran ni mommy.

Hinarap ko naman sa isang tabi ko si kuya Philip at nginitian ito. Hindi ko na pinansin ang dalawang tukmol at dumiretso nalamang ako kay mommy upang halikan ito sa pisngi at pati na din si daddy.

"Kamusta ang business mo?" Hinarap ko si daddy at nginitian.

"Ayos lang naman po." Naupo ako sa tabi ni mommy at naunan nang sumandok ng pagkain.

Susubo na sana ako nang mapansin ko na lahat sila ay nakatingin saakin. Anong meron?

"What?"

"Nothing baby, nagulat lang kami." Nagkibit balikat lang ako sa sinabi ni daddy.

Kumain na din sila at nagkwentuhan pero wala akong alam sa pinag-uusapan nila dahil puro ito tungkol sa militar.

Pinapalibutan ako ng mga taong nasa militar ngayon. Si daddy kasi ay isang heneral sa Philippine Army, ang dalawa ko namang kapatid ay may mataas ding katungkulan pero hindi ko alam kung ano yun kasi hindi naman ako gaano nakikihalubilo sakanila pagdating sa pagsusundalo. Si mommy ay isang lieutenant noon pero umalis na sya dahil nagdesisyon sila ni daddy na kailangan may maiwan din dito sa bahay para may makasama ako kaya ngayon ang buhay ni mommy ay isang business woman nalang simula noong pumayag syang manahin ang company na pinagpipilitan ni lolo sakanya.

"......yes dad, buti na nga lang nandoon si Maximo." Naagaw ng atensyon ko ang sinabi ni kuya pero syempre bilang isang dakilang walang pake sa iba hindi ko nalang pinansin ulit at kumain lang ng madami. Sa susunod ko nalang aalalahanin ang diet ko dahil namiss ko ang food ngayon.

"Paris, pupunta pala kami ng tita Reiza mo sa Greece baka gusto mong sumama para naman makapagrelax ka from work." Nilingon ko si mommy at napaisip sa sinabi nya.

Gusto ko magrelax pero hindi pa kasi tapos yung ibang ginagawa kong gown at malapit na din ang deadline non at kapag di ko natapos yon tiyak na deadsky na din ako.

"Sorry mommy, maybe next time nalang madami pa kasi akong work na dapat tapusin dahil malapit na ang deadline nila." Hindi ko na tinignan ang reaksyon ng pamilya ko at nagsimula akong kumain muli.

Hindi naman ako galit sa pamilya ko kaya ganito ako umakto sakanila pero ayoko kasing isipin nila na hindi ko pa din kayang mabuhay mag-isa nang hindi nila ako ginagabayan. Kilala ang buong pamilya ko na matatapang at nakakatakot na tao dahil sa mga aura na pinapakita ng mga ito sa ibang tao pero pagdating dito sa bahay at kapag kaharap na nila ako para silang kuting na parang walang kalaban laban. Ako ang nag-iisang anak na babae sa pamilyang ito at isang miracle baby pa kaya noong bata ako walang buwan na hindi kami pumupunta ng ilang beses sa ospital para ipacheck-up ako. Hindi ko naman masisisi ang pamilya ko dahil nga isa din akong sakitin na bata pero noon yon hindi na ngayon.

The Captain's Heart (Will go under major editing)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora