Special Chapter

906 26 13
                                    

Sorry for being inactive for many weeks😓 Bawi nalang ako next year😅

Enjoy Reading the SPECIAL CHAPTER!😉
————————————————————

"Madam! Kamusta ka na?" Napalingon ako sa pamilyar na boses at nakita ko ang isa sa kaclose ko na organizer here in Paris. He's also a Filipino pero tumira siya dito noong 15 years old palang siya dahil dito nagtatrabaho ang parents niya. Palagi niya ako iniinvite everytime may fashion month or week dito sa Paris na ino-organize niya pero matagal ko na din siya hindi nakatrabaho dahil nga naghiatus ako ng dalawang taon.

"Ito ayos lang....." Nakangiti kong sambit. Ganon pa din naman ang itsura niya pero nagbago lang ang kulay ng buhok niya.


Tinignan nito ang bata na nasa likod ko. Lumingon ako saka ngumiti. ".....at sino naman ang gwapong bulinggit na iyan?" Tumawa ako dahil sa maarte nitong pagsasalita. Wala pa din talagang pinagbago.


"My child." Ang dalawa nitong kamay ay napatakip sa bibig niya at gulat akong tinignan.


"WHAT? Who's the father? Epekelele me nemen eke." Natawa ako saka ngumiti nalang. "Ayy para saan iyon?" Hindi ko alam kung dapat ko pa ba sabihin na wala na sa mundo ang ama ni Axis o hindi na pero kasi base sa tingin nito parang hindi talaga siya titigil hangga't hindi ako nagsasabi.


"Uhm....ehh...." Nagdadalawang isip pa din ako kung sasabihin ko dahil hindi naman sa tinatago ko ang about kay Maximo ay kundi para hindi na maungkat pa ang usapang iyon.


"Sige na nga. Hindi na kita pipilitin, basta kapag may kailangan ka sabihan mo lang ako. Nandito man ako sa Paris pero handa naman ako lumipad papunta ng Philippines for you...." Nguniti ako saka nakipagbeso-beso dito. Nagpaalam din ito agad dahil tinatawag na siya ng secretary niya dahil ilang minuto nalang ay magsisimula na ang show.


Kailangan ko na din maghanda kahit na panghuli ako sa magp-present ng mga designs dahil ayaw ko na maghabol kapag malapit na ang part namin at isa pa hindi lang naman sampung minuto ang paghahanda dahil marami pang kakailanganing ayusin sa backstage kasama na doon ang mga ip-present ko na designs and also yung mga models na magp-present nito.

Pinaghandaan ko talaga ang araw na ito dahil ito ang magsisilbing pagbabalik ko sa industriya makalipas ang dalawang taon na pamamahinga. I think it's time to shine again.

Madami akong nakikita na celebrities and iba't-ibang personalities na may iba't-ibang pangalan sa industriya ng fashion. I know some of them are not here to enjoy the show and see the beautiful works of each designers but to criticize and hate it. Marami na akong nakakasalamuha na mga ganoong tao na panay pambabara at pagsasalita ng negative about sa designs mo lang ang ginagawa pero hindi ako nagpapatalo sa kanila. Palagi ko lang sila hindi pinapansin dahil kung papansinin mo ang mga papansin na tulad nila ay hindi ka uunlad at hindi ka matututo sa industriyang ito. Iba't-ibang tao ang makakasalamuha mo sa trabahong ito kaya kailangan pag-isipang mabuti kung kanino ka makikisama at sa hindi.


Maraming nagsasabi na ma-attitude daw ako, pero ginagawa ko lang naman iyon when it comes to my work dahil hindi naman biro ang paggawa ng designs na basta ka lang maglalagay ng kung ano-ano. Kailangan mo pag-isipan at isa pa medyo masungit ako sa paggawa dahil ayoko magkaroon ng kahit na anong palpak na makakaapekto sa design pero unti-unti ko iyong binago dahil napag-isip-isip ko na hindi naman ako uunlad sa pagiging maattitude ko. Binabawasan ko ang pagiging masungit sa employees ko dahil pare-prehas lang din naman kami gumagawa at napapagod at isa pa ayaw ko na din makita ang mga natatakot nilang reaksyon sa akin. Alam ko na may ilan sa kanila ay nagsasalita ng masama kapag ako ay nakatalikod at ayaw ko na mangyari iyon.


The Captain's Heart (Will go under major editing)Where stories live. Discover now