Chapter 14

771 15 0
                                    

Hindi maganda ang mood ko ngayon sa hindi malamang kadahilanan kaya umakyat na ako sa kwarto ko kahit nandoon pa sa sala ang lima.


Hindi ko talaga alam na sya ang nagmamay-ari non dahil wala naman akong kaalam alam tungkol sa babaeng yon pero act like a cool kid nalang ako kanina para hindi halata na wala kaming kaalam alam at isa pa gusto ko syang mabwiset pero mukhang ako pa itong nabwiset.


Tinanggal ko lahat ng saplot ko sa katawan maliban nalang sa boxer brief saka nahiga sa kama at kiniskis muli ang sarili ko doon na palagi kong ginagawa tuwing nandito ako sa bahay. Hindi kasi malambot ang higaan namin sa kampo kaya nakakamiss lagi ang kama ko.


Natigil ang pagpapantasya ko sa kama nang marinig ang boses na alam kong nagmumula kay Murphy sa labas ng kwarto. "Captain, pupunta na muna kami sa grocery para bumili ng ilang ingredients kasi gusto namin magluto dito."


"Sige!" Pagsagot ko agad.


Nasa kalagitnaan ako ng pag-idlip nang makarinig ako na parang may bumangga sa labas. Dali-dali akong sumilip sa balkonahe ko para makita kung ano ang bumangga at napanganga nalang ako sa nakita.


Nagsuot ako ng short at v-neck t-shirt saka bumaba at lumabas ng bahay para puntahan ang nakabangga sa gate ko.


Kinatok ko ang sasakyan dahil hindi pa lumalabas doon ang nakabangga. Nakailang katok ako doon dahil mukhang wala yatang balak na magbukas ng pinto.


Kumatok ako ng maayos dahil ayoko namang gumawa ng eskandalo dito lalo na't may mga nakatingin na tao. Alam kong gate lang ang nabangga pero hindi kasi simpleng sira ang inabot nito kaya hindi ko iyon palalampasin.


Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya umatras ako para makalabas ito at laking gulat ko nang makita ang palagi kong nakikitang mukha.


"What are you doing here Ms.Paris Mondejar?" Pormal kong pagtatanong dito.


"May pupuntahan ako sa subdivision na to' at bumangga lang ako sa gate mo." Wow! May gana pa syang ipakita saakin ang attitude nya kahit sya naman itong nakabangga sa gate ko.


"Okay." Tinignan ko ang gate ng bahay saka tumingin muli sakanya para ipakita dito ang nasira nya.


"Don't worry I will pay you." Napanganga ako sa maattitude nitong pagsasalita. Hindi ako makapaniwalang tinignan sya na nakapamaywang pa sa harap ko.



"I know you have a lot of money pero ang gusto ko ikaw ang magbayad ng gate ko at ikaw din mismo ang humanap ng gagawa nyan." Kung ma-attitude sya pwes ma-attitude din ako.


"What?!"


"Ikaw ang nakasira ng gate ko..." Nakapameywang ko din itong tinignan. "Kung hindi mo sana binangga yang sasakyan mo sa gate ko edi sana maayos ang lahat." Oo, sundalo ako pero syempre isa din akong dakilang gaya-gaya.


"So sinasabi mo na bobo ako magdrive?" Tinaasan ko ito ng kilay at inosenteng tumingin sakanya.


"Luh, ikaw nagsabi nyan hindi ako." Umalis ako sa harap ng ma-attitude na babae saka hinawakan ang gate kong nasira.


Ayaw kong gumawa ng gulo o eskandalo sa harap ng mga kapitbahay ko pero mukhang mapapa-eskandalo ako dito kapag hindi tumigil ang pagiging ma-attitude ng babaeng yon at isa pa may hangganan din naman ang pasensya ko.


Habang sinusuri ko ang sira narinig ko itong may kinausap pero hindi ko nalang pinansin dahil hindi naman ako belong sa usapan nila. Sinuri ko din ang sasakyan nya at nakita ko na may yupi at gasgas ang harapan nito.


"Paris! OMG what happen?" Nilingon ko ang nagmamay-ari ng matinis na boses na iyon at hindi sya pamilyar saakin kaya tinuon ko nalang ang pansin ko sa cellphone ko dahil tatawagan ko pa ang limang itlog na nasa grocery pa yata hanggang ngayon.


"Hindi naman ito ang bahay ko kaya bakit dito mo pinark ang sasakyan mo-- Oh! shit! Bakit mo binangga yung gate? Wag mo sabihin saakin na hindi mo na alam magdrive ngayon?"


Umatras ako ng bahagya para picturan ang nabangga ko gate para ipakita iyon sa gumawa ng gate ko.


"Hello sir....." Nilingon ko ang babaeng hindi pamilyar saakin. Nakangiti ako saakin pero alam kong kinakain lang nito ang hiya.


"Yes?" Shit! Bat ang hot ng pagkakasalita ko?


"Ako na humihingi ng pasensya sa nagawa ng kaibigan ko sa....." Tinignan nito ang gate saka pilit na ngumiti saakin. ".......gate nyo. Wag ka mag-alala dahil babayaran naman yan ng kaibigan ko kahit magkano pa yan." Tumango tango ako saka nilingon ang nahihiyang Paris na nasa likod ng kaibigan nya.


Pinanood ko na mag-usap ang dalawa at base sa nakikita ko pinipilit sya ng kaibigan nya na lumapit saakin at makipag-ayos pero hindi ito sumusunod. Ma-pride.


"Bayaran mo nalang ang nasira mo then umalis kana." Pumasok na ako ng bahay dahil lalo lang nag-iinit ang ulo ko sa nakikitang pag-iinarte ni Paris. "Tch. Spoiled brat."


Naupo ako sa sofa at hinintay na may tumawag mula saakin sa labas. Hindi gaano kahaba ang pasensya ko sa mga taong hindi ko naman kaano-ano. Yes, she's beautiful, sexy, and professional pero kung ganon ang ugaling pinapakita nya ay nawawala ang pagkamangha ko sakanya.


"Tao po!" Nilingon ko ang gate at tumayo.


"Yes?" Seryoso kong tinignan ang dalawang babae. Tulad ng senaryo kanina nasa likod pa din si Paris ng kaibigan nya at mukhang napilitan lang na lumapit dahil hawak sya ng kaibigan nya.


"Pasensya pala ulit sa naga--"


"Hindi ikaw ang nakasira ng gate ko kaya bakit ikaw ang nagsosorry imbes na yang kaibigan mo?" Tinuon ko ng pansin si Paris na maarteng nakatingin saakin.


"Uhm.....ahh....ehh.....P-Paris! Ikaw na kasi ang humingi ng sorry!" Nag-iba ang posisyon ng dalawa. Kasalukuyan ko nang nasa harapan si Paris pero wala pa din itong imik.


"Babayaran ko yang nasira ko at ako na din ang magbabayad sa mag-aayos." Salamat naman at nagsalita na din pero yung hinihintay kong sorry nya ay wala.


"Then?"


"Then what?" Umiwas ito ng tingin pero agad din nyang binalik at malambot na ang itsura nito nang tumingin saakin. "Fine. I'm sorry. Hindi ko naman talaga sinasadya na bumangga dito may nahulog kasi akong importanteng gamit sa sasakyan at pinulot ko yon habang nagdadrive ako kaya bumangga ako sa gate mo. Kaya s-sorry n-na......" Napansin ko ang pagpula ng pisngi nito dahil nakatuon talaga ang pansin ko sakanya.


Yung inis na naramdaman ko kanina ay unti-unti nalang nawawala dahil lang sa pagpula ng pisngi nya?! Ano na bang nangyayari saakin? Bat ang rupok ko?!


"Uyy Capt--- Ms. Paris?" Natuon ang pansin namin lahat sa limang lalaki na may mga bitbit na plastic bag.


"Anyare dito? Umalis lang kami mukhang may nangyayari na hindi namin alam? May tsismis ba?" Lintek talaga si Murphy.


Pagsasabihan ko na sana si Murphy nang biglang napansin ko si Gideon na nahihirapan na sa bitbit nya at mukhang mabubutas na ang plastic na hawak nya.

"Pumasok na nga kayo sa loob at ayusin nyo na yang mga pinamili nyo at ako na bahala dito."

Nagpasukan ang lima pero natigil sila nang makita ang gate. Nginuso iyon ni Damon at magsasalita pa sana pero pinigilan ko na dahil naaawa na ako kay Gideon at sa dala nya.

"Pumasok na kayo sa loob." Hindi na nakapagsalita ang mga ito kaya wala silang nagawa kundi pumasok nalang sa loob.


"Tara sa loob at doon nalang natin pag-usapan ang lahat dahil mukhang hindi papasok ang mga kapitbahay kapag di pa tayo pumasok sa loob." Tinignan ko muna ang mga kapitbahay na nakikitingin saamin saka pumasok sa loob ng bahay.

-----------------------------

The Captain's Heart (Will go under major editing)Where stories live. Discover now