Chapter 10

882 23 0
                                    

Kasalukuyan akong nasa sasakyan kasa ang putak ng putak na babaeng to'.


"Hindi tayo aalis hangga't hindi mo sinusuot yang seatbelt mo." Pinagsisisihan ko na talaga na niligtas ko ang babaeng ito sa ama nya na kita namang umuusok na kanina.


"Hindi ko naman gustong sumama sayo no'?"


"Anong connect non sa pagsusuot mo ng seatbelt?" Kaunti nalang talaga ilalabas ko na ito at sasabihin ko na sa daddy nya na hindi naman totoo ang sinasabi ko.


"Iconnect mo." Hindi talaga ako magaling maghandle ng mga babaeng ganito! Masgugustuhin ko pang makasama ang mga bugok kong kaibigan kesa sa babaeng ito na walang ginawa kundi kontrahin ang sinasabi ko.


Dahil sa sinabi ko kanina kay Lt. Gen.Mondejar hindi na nya pinagalitan ang anak nya at hindi na din ako nabigyan ng parusa dahil sa paglulumpasay ni Paris so it means give and take lang din ang nangyari kanina. Pauwi nadin naman kami kanina para ipagpatuloy ang naudlot naming bakasyon kaya pinasabay na ng heneral ang kanyang anak. Wala naman ako sa position para hindian ang heneral sa nais nito at akala ko naman maayos ko lang mahahatid itong anak nya pero nagkakamali ako dahil hindi pa kami nakakaalis sa parking lot grabe na ang katigasan ng ulo nito. Iniwan ko pa naman yung lima para lang sa babaeng to' tapos gagantuhin lang nya ako?!


"Kung ayaw mong magseatbelt bahala ka kung mabukulan ka dyan." Pinaandar ko na ang sasakyan at hindi na pinansin ang kaartehan ng katabi ko.


Pagkalabas namin ng kampo may biglang tumawid na mga babae at muntikan ko na silang masagasaan at buti nalang agad kong naapakan ang break. Nakahinga ako ng maluwag at paandarin ko na sana ang sasakyan nang makaramdam ako ng malakas na hampas sa aking braso at nang tinignan ko ang katabi ko hawak nito ang ulo nya at masamang nakatingin saakin.


"Ano ka ngayon? Nabukulan ka no'?" Hindi nya ako pinansin at tumingin nalang din sa labas ng sasakyan.


Habang nagmamaneho hindi ko mapigilang tignan ito sa rear view mirror. Hindi naman kasi ako yung klase ng tao na hahayaan nalang ang isang tao na nasasaktan sa tabi. Tinigil ko ang sasakyan sa gilid ng daan at sinuri ang bukol nito.


"Don't touch me!" Hindi ko pinansin ang pagiinarte nya at pinilit pa ding tignan ang bukol.


"Stop! I said don't touch me!" Hinuli ko ang dalawa nyang kamay at kinulong ito gamit ang isang kamay ko at tinignan ang bukol. Maliit lang sya pero para saakin maliit man o malaki masakit pa din iyon. Aalis na sana ako sa pwesto ko ngayon nang makita ko na hindi pa din pala nito kinakabit ang seatbelt. Tigas talaga ng ulo ehh! Kinuha ko ang seatbelt at ako na mismo ang nagkabit nito sakanya.


Tinuloy ko na uli ang pagmamaneho at naghanap ng malapit na convenience store para makabili ng cold compress at humanap din ako ng drug store para makabili din ng ointment sa maliliit na sugat ng babaeng nasa tabi ko.


"Saan mo ako dadalhin?" Hindi ko sinagot ang tanong nito at nagpark nalang sa isang convenience store.


"Dyan ka lang may bibilhin lang ako" Iniwan ko na ito at pumasok sa store. Mabilis lang akong nakabili dahil nasa malapit lang na pwesto ang hinahanap ko. Bumalik na ako agad sa sasakyan at inabot dito ang cold compress.


"Anong gagawin ko dito?"



Walang reaksyon kong tinignan ito. "Lagay mo sa palad mo para mawala yung bukol."


"What?! Nasa noo ko kaya yung bukol!"


Nagsmirk ako. "Kaya nga. Nagtanong ka kasi kung anong gagawin mo doon ehh obvious naman na ilagay mo yon sa bukol mo sa noo."


The Captain's Heart (Will go under major editing)Where stories live. Discover now