Chapter 4

1.1K 24 0
                                    

Fvck! Fvck! Fvck! I hate hangover! Ito talaga ang pinaka ayaw ko tuwing iinom ako ehh! Kaya nilulubos lubos ko na ang pag-inom ng alak para isahan na lang ang hang-over.


"Mam Paris, magbreakfast na daw po kayo." Minulat ko ang mata ko at napatingin sa puting puti na kisame. Babangan na sana ako pero bigla nalang sumakit ang ulo ko kaya masminabuti ko nalang humiga muna.


"Mam!" Haysst! Kaya minsan ayoko sa bahay kapag pinipilit nila akong gumising ng maaga para magbreakfast. Si daddy talaga! Tiyak sya nanaman ang nag-utos kay manang na gisingin ako.


"Mam!"

"Sige! Mamaya ako bababa!" Hinilot ko ang sumasakit na sentido saka tumingin sa pintuan.


"Mam, hinahanap na po kasi kayo ng daddy nyo dahil kakausapin daw ho kayo!" Aishh!! Daddy talaga pasaway!


Naligo at nag-ayos ako ng mabilisan saka tamad na bumaba at nagtungo sa kung saan man naroroon si daddy.


"Goodmorning, Paris." Hinalikan ko sa pisngi si daddy at naupo sa katabing silya.


"Eat your breakfast now at may pag-uusapan tayo. I already talk to your brothers kaya ikaw nalang ngayon ang kakausapin ko." Sabi na ehh. Wala talagang maayos at nagtatagumpay na plano si kuya.


Kinagatan ko ng malaki ang jumbo hotdog at pinakatitigan ito. Brown ang kulay nito at hindi red na nakasanayan kong kainin lagi. I hate chicken hotdog! Kasi yung kulay nya......brown at napapaisip ako ng kung ano-ano kapag kumakain ako ng hotdog na brown.


"Manang!"

"Yes mam?" Inabot ko dito ang isang plato ng chicken hotdog.


"Pwede ka bang magprito ng red hotdog? Ayoko kasi ng brown hotdog ehh." Kita ko ang pagkagulo sa itsura ni yaya pero pinakita ko ang napakaganda kong ngiti para sundin na nya ako.


"Bakit ayaw mo ng chicken hotdog?" Nilingon ko si daddy.


"Ayoko lang." Umalis na si yaya at si mommy naman ang pumalit.


"Hey Paris, bakit ayaw mo ng chicken hotdog? Ako ang pumili non para maiba naman." Binaba ko ang kubyertos at tinignan si mommy.


"Ayoko lang po kasi ng chicken hotdog at isa pa nasanay na kasi ako sa hotdog na pula ang kulay." Tumango tango ito saka tumabi saakin.


"Okay, edi samahan mo nalang ako maggrocery mamaya para mabili natin yang mga gusto mo and If you want we can go shopping first before we go to the grocery" Kumintab ang mata ko sa narinig. Wala naman akong gagawin dito kaya ayos lang.



"Okay." Maikli kong sambit saka sumimsim sa kapeng kabibigay lang saakin.


Pagkatapos kong kumain nagbihis ako agad. Hindi ko nadala ang ibang branded clothes ko kaya pinagtiisan ko nalang hindi latest na design ng gusto kong brand.


I don't like to wear some fake clothes dahil para akong ginagalis kapag hindi ako nakapagsuot ng branded clothes.


"Paris my baby girl! Let's go na para makabalik din tayo agad dito sa house dahil gusto kong ma-meet yung sinasabing soldier ng daddy mo na pupunta dito." I wear my chanel sandals and check my perfect outfit.

Leggo!!!


Lumabas ako ng room at natanaw ko na agad si mommy sa sala.


"Let's go mommy." Sinukbit ko sa aking balikat ang branded ko ding slingbag at sumunod na kay mommy.


The Captain's Heart (Will go under major editing)Where stories live. Discover now